(JOEL O. AMONGO) IKINATUWA ng nasa 300 Montalbeño ang natanggap na P15,000 mula sa Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ni Rizal 4th District Representative Fidel Nograles. Sa tulong ng ‘Serbisyong Nograles Walang Kapares’, isinagawa ang pamamahagi ng P15,000 sa 300 mga residente ng Montalban noong Setyembre 24, 2024 sa Brgy. Balite. Umaga pa lang ay inayos ng mga tauhan ni Nograles ang mga dokumento ng mga benepisyaryo kaya pagdating ng mga tauhan ng DSWD ay mabilis na naisagawa ang distribusyon ng tig-P15,000.…
Read MoreCategory: NASYUNAL
QUAD COMM MAY ‘ALAS’ PA VS GARMA, LEONARDO
ISA pang testigo laban kina dating Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) general manager Royina Garma at National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Edilberto Leonardo sa pagpatay kay ret. police general Wesley Barayuga ang nakatakdang humarap sa Quad Committee. Ito ang kinumpirma ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng Quad Comm kaugnay ng pagpatay kay Barayuga noong July 30, 2020 na iniutos umano nina Garma at Leonardo, base sa testimonya ni Police Lt.Col. Santie Mendoza. “Meron pa kaming hinihintay na isang witness na maaaring mag -corroborate dun sa sinabi…
Read MoreQuad Comm ng Kamara hinamong mag-imbestiga TONE-TONELADANG GINTO NG PILIPINAS IBINENTA
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) SA halip pag-initan ang budget ng Office of the Vice President, mas dapat imbestigahan ang napaulat na pagbebenta ng gold reserves ng Pilipinas. Pahayag ito ni dating chief presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo patungkol sa mga pagdinig sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng binuong quad committee. Ani Panelo, bakit hindi usisain ng mga komite ng Kamara ang nasabing usapin. “Iyan ang mga tunay na dapat imbestigahan. Bakit nagbenta. Paano ang kalakaran. Saan pupunta, ‘yun ang mga magandang imbestigahan,” ani Panelo kanyang programa sa SMNI. Ayon…
Read MoreNORTHERN LUZON WINASIWAS NI ‘JULIAN’
(CHRISTIAN DALE) NARANASAN ang matinding pag-ulan sa Luzon area simula nitong Linggo dulot ng pananalasa ng Bagyong Julian. Katunayan, itinaas ang Red Warning sa mga probinsya ng Batanes, Ilocos Norte, Apayao, Abra, at probinsya ng Cagayan habang Orange Rainfall Warning sa probinsya ng Ilocos Sur, at ilang bahagi pa ng Cagayan Valley Region. Tiniyak naman ng pamahalaan na nakahanda ang pagkain at iba pang mahalagang suplay para sa mga indibidwal na maaapektuhan ng bagyo. Sa isang situational report noong Linggo, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)…
Read MoreALICE GUO ‘DI MAPARURUSAHAN SA ACT OF ESPIONAGE
KAHIT mapatunayang isang espiya o sangkot sa paniniktik laban sa Pilipinas si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ay hindi ito maparurusahan sa espionage. Ito ay dahil walang angkop na batas na umiiral sa pangkasalukuyan laban sa mga espiya, ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro sa isang chance interview kahapon nang magsilbing panauhing pandangal sa ginanap na Balangay Forum: Safeguarding Maritime Archipelagic Nation Awareness Month. Ayon kay Sec. Teodoro, kailangang amyendahan kaagad ng Kongreso ang batas hinggil sa paniniktik laban sa Pilipinas. Ito ay dahil ang espionage law ay epektibo…
Read More‘YOUNG GUNS’ GINAGAMIT SI VP SARA PARA MAKILALA
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NAIS lamang magpapansin at makilala ang tinaguriang ‘young guns’ ng mababang kapulungan ng Kongreso kaya binabatikos ng mga ito si Vice President Sara Duterte. Tugon ito ni former chief presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo, matapos hingi ng young guns ang pagbibitiw sa puwesto ni Vice President Sara Duterte. Pinatutsadahan din niya ang grupo bilang mga “young unknown”. Matatandaang sa pulong balitaan kamakailan, hinimok ni AKO-Bicol Party-list Rep. Raul Angelo Bongalon ang Pangalawang Pangulo na magbitiw na lamang sa puwesto kung hindi rin lang ito interesado…
Read MoreDuterte, mga kaalyado pababagsakin TOTOONG PAKAY NG QUAD COMM BUKING
(DANG SAMSON-GARCIA) SINAGOT ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa si Abang Lingkod Party-list Rep. Stephen Paduano dahil sa pagpupumilit nito na kasama siya sa isang diumano’y courtesy call ng mga pulis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, na ikinakabit sa pagkamatay ng tatlong Chinese drug lords sa loob ng Davao Penal Farm and Prison noong Agosto 2016. Ayon sa dating hepe ng PNP, hindi siya dumalo sa naturang pagpupulong na sinasabing naganap sa Davao City ilang linggo matapos maupo sa puwesto si Duterte. “It is very clear from the recorded video…
Read MoreBONG GO NANAHIMIK SA BARAYUGA ASSASSINATION?
(BERNARD TAGUINOD) SA halip pairalin ang hustisya sa pagpatay kay Ret. Police General at Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) Board Secretary Wesley Barayuga, mas pinili ni Sen. Christopher “Bong” Go na manahimik na lamang. Ito ang lumabas sa pagdinig ng House Quad Committee hinggil sa pagpatay kay Barayuga sa utos umano nina National Police Commission (Napolcom) Commissioner Edilberto Leonardo at dating PCSO General Manager (GM) Royina Garma. Sa pagtatanong ni Antipolo Rep. Romeo Acop kay PCSO chairman Anselmo Simeon Pinili, na mistah ni Barayuga sa Philippine Military Academy (PMA) Matikas…
Read MoreLIBRENG KAPON, BAKUNA KONTRA RABIES SA ASO’T PUSA
SA paggunita sa World Rabies Day, nagsagawa ang Villar Foundation sa pangunguna ni Sen. Cynthia Villar ng ika-anim na Libreng Kapon at Ligate Para sa Aso o Pusa ng Las Piñas/Bacoor, kasama ang pagbibigay ng libreng bakuna laban sa rabies. Mahigit 200 pet parents ang nagpunta sa Villar Farm para makakuha ng mga benepisyo. Ang programang ito ay regular na ginagawa ng Villar Foundation upang isulong ang responsableng pagmamay-ari ng alagang hayop at suportahan ang pandaigdigang paglaban sa rabies. Ginugunita ang World Rabies Day tuwing ika-28 ng Setyembre kada taon.…
Read More