(BERNARD TAGUINOD) MAS malala sa Maharlika scam ang pag-agaw ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa halos P90 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corporations (PhilHealth) para gamitin umano sa mga proyekto na wala pang pondo. Ganito inilarawan ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas kaya iginiit nito na imbestigahan ang bagay na ito dahil ang mga Pilipino ay inaagawan ng pondong kailangan nila sa pagpapagamot sa kanilang sakit. “Maraming pinapalitaw na tanong ang paggamit nitong P89.9-billion unused funds ng PhilHealth para sa unprogrammed funds ng gobyerno. Nangangamoy pork…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Romualdez pinaka kulelat na top gov’t official APPROVAL, TRUST RATINGS NI MARCOS DUMAUSDOS
PATULOY sa pagbaba ang rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. base sa pinakahuling Pulse Asia survey na inilabas nitong Miyerkoles. Umiskor na lamang si Marcos ng 53% approval rating nitong Hunyo na mas mababa ng dalawang puntos mula sa kanyang 55% rating noong Marso. Ang kanyang trust ratings naman ay bumagsak ng 5%, na naitalang 52% nitong Hunyo mula 57% noong Marso. Kabaligtaran naman ang resulta ng survey kay Vice President Sara Duterte na nadagdagan ng dalawang puntos kaya nagtala ng 69% mula sa 67% noong Marso. Samantala, ang lider…
Read MoreIMMORAL ‘YAN! P90-B PHILHEALTH FUNDS ILILIPAT SA MALACAÑANG
(BERNARD TAGUINOD) TINAWAG ng Makabayang bloc na immoral ang paglilipat sa halos P90 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa Malacañang para gamitin sa mga proyektong wala pang pondo. Bukod dito, sinabi ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na harap-harapang paglabag sa batas na pumoprotekta sa interes ng mga miyembro ng PhilHealth ang ginawang ito ng Malacañang. “This immoral transfer of funds is a direct assault on the health rights of Filipinos, especially the most vulnerable sectors of our society,” ani Castro.…
Read MoreMURDER SUSPECT NATUNTON SA SELDA
SINILBIHAN ng warrant of arrest sa kasong murder ang 33-anyos na lalaki makarang matunton sa loob ng selda ng Manila Police District-Station 13 sa Port Area, Manila noong Lunes ng hapon. Kinilala ang suspek na si alyas “Marco”. Ayon sa Warrant and Subpoena Section, ang suspek ay Top 1 most wanted person sa kasong murder at may warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Samina Sampaco Macabando Usman, ng Regional Trial Court, Branch 8 ng Marawi City, Lanao Del Sur. (RENE CRISOSTOMO) 433
Read MoreBRUTALITY NG POGO NILANTAD SA KAMARA
SA unang pagkakataon, ipinakita ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa publiko kung gaano kabrutal ang mga Chinese na nasa likod ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Sa joint hearing ng House committee on public order and safety at committee on games and amusement hinggil sa operasyon ng mga POGO sa bansa, ilan sa mga mambabatas ang pumigil na sa pagpapalabas ng mga video kung papaano tino-torture ang mga POGO worker na lumalabag sa kanilang patakaran. Unang iniharap ni PAOCC spokesman Dr. Winston Casio, ang mga dayuhang nasagip sa torture…
Read MoreTotoong Ulat sa Bayan bubuhos sa kalsada MARCOS MAMBOBOLA LANG SA SONA
(BERNARD TAGUINOD) HINDI umaasa ang grupo ng kababaihan na aaminin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang tunay na estado o kalagayan ng mga Pilipino sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, July 22. Kasabay nito, sinabi ni Clarice Palce, secretary general ng Gabriela na kinakatawan ni Rep. Arlene Brosas sa Kamara na kahit anong pagpapaganda na ginagawa sa Batasan Pambansa Complex para sa ikatlong SONA ni Marcos ay hindi maitatago ang paghihirap at gutom na nararanasan ng mga Pilipino. “Anoman ang pagpapaganda ng Kongreso para sa…
Read MoreRED-TAGGING BUHAY SA MARCOS JR. ADMIN
PATULOY ang pangre-red tag sa mga kritiko ng gobyerno sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ito ang paniniwala ni House deputy minority leader at ACT party-list Rep. France Castro kasabay ng pagkastigo kay National Security Adviser Eduardo Año dahil sa patuloy umano nitong pagpapalaganap ng disinformation at pangre-red tag. Ginawa ni Castro ang pahayag matapos sabihin umano ni Año na “nobody is above the law” kaugnay ng pagkondena ng mga ito sa sentensyang ipinataw sa kanila ng Tagum City Regional Trial Court Branch 2 sa kasong…
Read MoreSa Pharmally-POGO link kay Du30 RISA GUSTO LANG MAGPAPANSIN – PANELO
PARA kay dating presidential spokesman Salvador Panelo, isang malinaw na ‘media mileage’ ang intensyon ng pahayag ni Senator Risa Hontiveros na iniuugnay si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kontrobersyal na Pharmally anomaly at illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Malinaw aniya na nais ni Hontiveros na mapakinabangan ang nasabing usapin para sa kanyang ‘political plans’ sa hinaharap. “Her apparent intention is to malign the character of PRRD and at the same time she wants to be politically relevant and preparing to run for a higher office. She always want to…
Read MoreMiru-Comelec deal tadtad ng ‘red flags’ GARCIA PINAKO-CONTEMPT SA KORTE SUPREMA
(JULIET PACOT) HINILING kahapon ni dating Congressman Edgar Erice na i-contempt ng Korte Suprema si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia. Kaugnay ito ng P18 billion kontrata ng Comelec sa Miru para sa automated elections. Nauna nang sinabi ni Garcia na mapipilitan silang bumalik sa mano-manong botohan kapag ibinasura ng Korte Suprema ang kontrata sa Miru para sa 2025 midterm elections. Sa tatlong pahinang mosyon, iginiit ni Erice na dapat iginagalang ang magiging desisyon at hindi binabalaan ang Kataas-taasang Hukuman. Noong nakalipas na Abril ay nagsampa rin si…
Read More