PALITAN NG PRODUKTO NG PILIPINAS AT VIETNAM PALALAKASIN PA

TARGET ng Pilipinas at Vietnam na mas palakasin ang palitan ng kanilang produkto. Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., magsusumikap ang pamahalaan para mapalawig ang bilateral trade sa Vietnam sa halagang $10 billion. “On trade and investments, I can see many, many opportunities for our two countries to explore. The Philippines is committed to enhancing and fortifying our economic, trade, and investment ties with Vietnam,” ayon sa pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang pulong kay Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh. Ani Marcos, sa ngayon nasa halos US$7 billion…

Read More

ABALOS NANGUNA SA ANNUAL CABINET PERFORMANCE REPORT

SI Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang top performing official na may pinakamataas na 92% overall rating, base sa inilabas ng RP-Mission and Development Foundation Incorporated (RPMD) na independent at non-commissioned “Boses ng Bayan” Annual Cabinet Officials Performance Report 2023. Kabilang sa mga nangungunang opisyal sina Sec. Rex Gatchalian ng DSWD at Tourism Sec. Christina Garcia-Frasco, na parehong nasa pangalawang pwesto na may ratings na 88% at 87%. Samantala, sina Justice Sec. Boying Remulla at Budget Sec. Amenah Pangandaman ay kapwa nakakuha ng mataas…

Read More

REBELASYON NI LASCAÑAS VS. VP SARA PINAIIMBESTIGAHAN SA KAMARA

UMAPELA ang isang militanteng mambabatas sa liderato ng Kamara na imbestigahan si Vice President Sara Duterte na isinangkot ng whistleblower na si Arturo Lascañas sa drug killings sa bansa. Ayon kay House Deputy Minority leader and ACT Teachers party-list Rep. France Castro, hindi dapat ipagkibit-balikat ang rebelasyon ni Lascañas lalo na’t maraming inosenteng mamamayan ang napatay sa drug war ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte. “It is no wonder that VP Duterte’s position is not to cooperate with the International Criminal Court (ICC) because it would seem that…

Read More

SABAYANG DRUG TEST NINA BBM AT DUTERTE SUPORTADO SA SENADO

UPANG matapos na ang patutsadahan nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Bongbong Marcos, iginiit ni Senador Risa Hontiveros na dapat sumalang sa drug test ang mga ito. Ginawa ni Hontiveros ang pahayag kasunod ng hamon ni Duterte sa Pangulo na sumalang sa drug test matapos ang kanyang akusasyon na nakasama sa drug watchlist ang kasalukuyang lider ng bansa. Iginiit ng senador na dapat ay walang duda at boluntaryo ang pagpapa-drug test. Sa hamon ng dating Pangulo, dapat sa Luneta Park isagawa ang drug testing ng isang independent entity o…

Read More

PILIPINAS BUKAS SA EXPANSION PLANS NG MGA KUMPANYA SA VIETNAM

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga negosyante sa Vietnam na ikonsidera ang Pilipinas sa expansion plans para kanilang mga negosyo. Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa luncheon kasama ang Vietnamese at Filipino businessmen. Ayon sa Pangulo, maaaring maging secondary location ang Pilipinas para sa manufacturing operations ng mga negosyante sa Vietnam. “The Philippines can serve as a secondary location in support of your manufacturing operations in Vietnam, especially in key sectors such as energy, infrastructure, automotive, and services,” ani Marcos. Welcome din sa Pangulo ang naging alok…

Read More

VIETNAMESE LEADERS NAPANSIN PAGGANDA NG EKONOMIYA NG PILIPINAS SA ILALIM NG MARCOS ADMIN

TUMANGGAP ng papuri si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. mula sa mga Vietnamese leaders sa kanyang pamamahala sa bansa matapos magtala ng mataas na economic growth rates sa kabila ng global challenges sa world market. Binati ni Vietnam President Vo Van Thuong si Pangulong Marcos sa socio-economic, foreign policies, security and defense achievement ng bansa sa ilalim ng kanyang liderato. Pinuri din ng Vietnamese chief si Marcos sa mabungang kinahinatnan ng bilateral talks sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam. Sinabi rin ni Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh na nais…

Read More

Mga apektado ng PUV modernization nganga PANGAKONG TRABAHO NG DOTr DRAWING – SOLON

PANGAKO lamang o ‘drawing’ ang tulong na ibinida Department of Transportation (DOTr) sa mga driver at operator na mawawalan ng hanapbuhay sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Pahayag ito ni Bulacan Rep. Tina Pancho sa pagdinig ng House committee on transportation kaugnay ng PUVMP na iniimbestigahan dahil hindi nareresolba ang problema ng operators at drivers at pinagdudahang batbat ng katiwalian. Ayon sa mambabatas, mismong ang Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) ang nagsabi na hindi nila kayang bigyan ng trabaho o hanapbuhay ang mga driver at…

Read More

DIGONG KAY BBM: SABAY TAYONG MAGPA-DRUG TEST SA LUNETA

UPANG patunayan kung sino sa kanila ang gumagamit ng ilegal na droga, hinamon ni dating pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sabay silang magpa-drug test sa Luneta. Sa isang press briefing sa Davao City, sinabi ni Duterte na sa isang independent entity o doktor dapat magpakuha ng dugo si Marcos. “Set it in Luneta Park, magpakuha siya ng dugo doon [from] independent entity or doctor. Magpakuha rin ako, sige pati ako, pakuha siya ng blood test,” ani Duterte. Dagdag ni Duterte, may isa ring opisyal ng Gabinete…

Read More

HIGIT 600 PDLs LUMAYA SA NBP

NABIGYAN na ng certificate of discharged ang nasa 632 Person’s Deprived of Liberty (PDLs) na natapos na o napagsilbihan ang kanilang sentensya. Sa data na inilabas ng Bureau of Corrections, umabot sa 11,347 noong 2022 ang napalayang mga PDL. Noong November 2022 naman hanggang ngayon, nasa 8,324 na ang na-release ng Bureau of Corrections. Umaasa si BuCor Chief Director General Gregorio Catapang Jr., na magsisilbing inspirasyon ang paglaya ng mga PDL para sa iba na nananatili pa sa loob ng piitan. Mas marami pa aniya sana ang makalaya kasunod ng…

Read More