PRANGKISA ‘DI NA MABABAWI NG OPERATORS SA KOOPERATIBA

HINDI na mababawi ng mga operator at driver ng Public Utility Vehicle (PUV) ang kanilang prangkisa kapag sumali sa kooperatiba o korporasyon. Ito ang inamin ng mga kinatawan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House committee on transportation sa problema sa nasabing programa. Sa pagtatanong ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, sinabi ng kinatawan ng LTFRB na hindi maaaring bawiin ng isang operator o driver ang kanyang prangkisa sa sinalihang kooperatiba o korporasyon kapag nagbago ang isip nito o kaya tinanggal siya sa…

Read More

2K LOTTO OUTLETS ISINAKRIPISYO SA E-LOTTO?

TINANGGALAN ng Philippine Charity Sweepstake Office (PSCO) ng hanapbuhay ang may 2,000 agent nito dahil sa online lotto o e-lotto. Sa pagdinig ng House committee on ways and means na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda na hindi dinaluhan ni PCSO General Manager Mel Robles, halos maiyak sa sama ng loob ang ilang lotto agents na tinanggalan ng hanapbuhay. “Biglang isinara ang mga lotto outlet na ito para pagbigyan ang e-lotto,” paniniwala ni Clariza Imperial, isa sa 2,000 lotto agents na ipinasara. Sa pahayag naman ni Remeliza Gabuyo, assistant general…

Read More

NASA LIKOD NG PEKENG ‘PI’ PINAKAKASUHAN

HINIKAYAT ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang Senado na pag-aralan ang mga posibleng legal na aksyon laban sa mga mastermind ng pekeng People’s Initiative para sa Cha-cha. Ginawa ni dela Rosa ang pahayag matapos ang unang pagdinig kaugnay sa mga kontrobersya sa PI. Sinabi ni dela Rosa na bagama’t sinuspinde ng Comelec ang lahat ng proseso kaugnay sa PI, kailangan pa ring matukoy ang mga responsable sa panloloko sa publiko para makapangalap ng lagda para sa tinawag niyang Politicians’ Initiative. Sa sandali anyang matukoy ang mga may pakana ng…

Read More

MAAGANG PAGKAWASAK NG UNITEAM PINANGHINAYANGAN NG SENATE MINORITY

NANGHIHINAYANG si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa kinahinatnan ng Uniteam na maagang nawasak. Sinabi ni Pimentel na malaking regalo na sana ng Diyos sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos ang magandang relasyon nito sa kanyang Bise Presidente at maging sa Kongreso sa kabuuan. Ipinaalala pa ng Senate Minority Leader na gumawa pa ng kasaysayan ang dalawang pinakamataas na lider ng bansa makaraang makakuha ng pinakamataas na bilang ng mga boto sa nakalipas na halalan. Iginiit ni Pimentel na nagamit na sana ni Pangulong Marcos sa kanyang mga programa ang…

Read More

PONDO PARA SA PLEBISITO AT REFERENDUM DAPAT IREALIGN NG COMELEC

HINIMOK ni Senador Chiz Escudero ang Commission on Elections na irealign ang multi bilyong pisong pondong laan nito para sa plebisito at referendum. Ito ay makaraang ihayag ni Senate President Juan Miguel Migz Zubiri na nangako na sa kanya si Pangulong Bongbong Marcos na aapela sa Kamara at sa iba pang initiator na itigil na ang pagsusulong ng people’s initiative Bukod pa ito sa desisyon mismo ng poll body na itigil na ang lahat ng proseso kaugnay sa People’s Initiative. Sinabi ni Escudero na makabubuting ilaan at gamitin ang pondo…

Read More

SCS, RICE DEAL SINELYUHAN NG PILIPINAS AT VIETNAM

KAPWA nagkasundo ang Pilipinas at Vietnam na palakasin ang pagtutulungan sa hanay ng kanilang coast guards at pigilan ang hindi inaasahang mga pangyayari sa South China Sea (SCS). Kasalukuyang nasa Vietnam si Pangulong Marcos para sa kanyang two-day state visit. Ang Pilipinas at Vietnam ay nag-aagawan sa ilang bahagi ng SCS. Hindi naman nagbigay pa ng anumang detalye ang Malakanyang sa nasabing kasunduan sa Hanoi. Sa kabilang dako, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na tinintahan ng dalawang bansa ang Memorandum of Understanding on Incident Prevention and Management in the…

Read More

WALANG ATRASAN KONTRA CHA-CHA

WALANG plano ang mga anti-Charter change (Cha-cha) group na magpahinga sa kanilang krusada sa kabila ng pagpapatigil ng Commission on Elections (Comelec) sa pagtanggap ng signature sheets ng People’s Initiative (PI) para amyendahan ang 1987 Constitution. Sa halip, tuloy-tuloy ang grupong BAYAN sa pangunguna ni dating Congressman Neri Colmenares sa kanilang ‘bawi-pirma’ campaign upang idiskaril ang plano umano ng nasa likod ng PI na amyendahan ang Saligang Batas gamit ang mga pirmang kinalap sa pamamagitan ng panloloko at pagbili. “The recent move of Comelec to suspend processing the PI signature…

Read More

MARCOS-DUTERTE WAR PARA SA KAPANGYARIHAN

PODER o kapangyarihan na ayaw bitiwan ang pangunahing dahilan kung bakit sumiklab ang giyera sa pagitan ng mga Marcos at Duterte na tuluyang nagtuldok sa kanilang UniTeam noong nakaraang eleksyon. Ganito inilarawan ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang hidwaan ng mga Marcos at Duterte dahil walang nagbabanggit sa kanila ng kapakanan ng mamamayan. “These politicians stay silent when the people are calling for aid, but when their power is at risk, they have the guts to use public funds for these kinds of expensive gimmicks,” ayon sa aktibistang mambabatas.…

Read More

Sa pagkunsinte ni Marcos kay Romualdez UNITEAM WASAK NA

TULUYAN nang natuldukan ang UniTeam. Ito ang paniniwala ni Senador Chiz Escudero kaugnay sa relasyon ngayon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte. Sinabi ni Escudero na ito ay kahit pa dumalo ang Bise Presidente sa mga rally ng Bagong Pilipinas sa Maynila at sa Davao City na pinangunahan naman ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Escudero, 98 o 99 percent nang buwag ang Uniteam at ang pagdalo rin ni VP Sara sa prayer rally sa Davao na pinangunahan ng kanyang pamilya ay maliwanag na…

Read More