Kailangan nang rendahan – Chiz BBM SINISIRA NA NI MARTIN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) ORAS na para rendahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pinsang si House Speaker Martin Romualdez dahil nakaaapekto na sa kanyang administrasyon ang mga ginagawa nito. Para kay Senador Chiz Escudero, dapat itali muna ni Marcos si Romualdez para matigil na rin ang bangayan ng Senado at Kamara. Aniya, nakita naman ang mga mapanganib na maaaring gawin ni Romualdez kapag hinayaan itong gawin ang mga gusto. Kasabay nito, iginiit ng senador na tanging si Pangulong Marcos Jr., lamang ang makapagpapahinto sa bangayan ng mga senador at…

Read More

RESO NG SUPORTA KAY ROMUALDEZ INSULTO SA SENADO

INALMAHAN ng mga senador ang resolusyon ng Kamara na nagpapahayag ng buong suporta kay House Speaker Martin Romualdez. Ito ay dahil sa nakasaad sa titulo ng resolution ang “Intense Assault coming from the Senate” o matinding pag-atake mula sa Senado at ang undue interference sa kanilang mga gawain. Itinuturing ito ni Senator Jinggoy Estrada bilang insulto sa Senado dahil wala namang pag-atake na ginagawa ang mga senador kay Romualdez at sa iba pang kongresista. Ikinalungkot ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na inaakusahan sila ng Kamara ng mga bagay na…

Read More

CHA-CHA A LEAP TO HELL – DAVIDE

PINATITIYAK ni dating Chief Justice Hilario Davide na mananatili ang patriotism at nationalism o pagiging makabayan ng mga estudyante kahit buksan na ang educational institution sa foreign ownership. Sa kanyang pagdalo sa pagdinig sa Resolution of Both Houses No 6, nanindigan si Davide na wala siyang nakikitang compelling reason o sapat na dahilan upang amyendahan ang 1987 Constitution. Sinabi ni Davide na ang kailangan ng bansa ay hindi ang pag-amyenda kundi ang full implementation ng buong nilalaman ng saligang batas at hindi ang economic restrictions ang maituturing na hadlang sa…

Read More

HENERAL NA PULIS, KERNEL KULONG SA KAMARA

PINA-CONTEMPT ang isang Police Brigadier General at Colonel sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos mapikon ang mga kongresista sa kanila umanong pagsisinungaling. Sa pagdinig ng House committee on public order and safety na pinamumunuan ni Sta. Rosa Laguna Rep. Dan Fernandez, 30 araw na pagkakulong sa Batasan Pambansa ang ipinataw kina Police Brig. Gen. Roderick Mariano ng Southern Police District (SPD) at Police Col. Charlie Cabradilla. Ito ay kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon ng komite sa reklamo laban sa mga pulis na nakatalaga sa SPD-Detective and Special Operations Unit (DSOU) na…

Read More

MAGPIPILIT NG MINDANAO SEPARATION GAGAMITAN NG PWERSA NG GOBYERNO

MAPIPILITAN ang pamahalaan na gumamit ng kapangyarihan at puwersa laban sa mga taong magtatangka na ihiwalay ang Mindanao mula sa Pilipinas gaya ng ipinanawagan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. “The National Government will not hesitate to use its authority and forces to quell and stop any and all attempts to dismember the Republic,” ayon kay National Security Adviser Secretary Eduardo Año. “Any attempt to secede any part of the Philippines will be met by the government with resolute force, as it remains steadfast in securing the sovereignty and integrity…

Read More

Panawagan ni Baste suportado ni Teves MARCOS JR. DAPAT LANG MAG-RESIGN

“I support the stand of the Dutertes, tama ang sinabi ni Mayor Baste na tamad ka, wala kang malasakit, o wala kang plano sa ating bayan, mag-resign ka na lang!” Ito ang pahayag ni dating Negros Oriental, 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves patungkol kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inilabas sa isang istasyon ng telebisyon kamakailan. Kasunod ito ng mga patutsada ni Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte laban kay Marcos. Sinabi rin ng dating mambabatas na hindi “for sale” ang mga taga-Negros kung kaya’t hinikayat niya ang kanyang…

Read More

Apela kina Marcos at Duterte TAUMBAYAN ‘WAG IDAMAY SA AWAY

HINDI dapat idamay ng mga Duterte at Marcos ang sambayanang Pilipino sa kanilang away dahil sa kapangyarihan. Ito ang panawagan ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel sa dalawang kampo at sa halip mag-away ay bigyang atensyon ang mga problemang kinakaharap ng mamamayan tulad ng pagtaas na presyo ng mga bilihin lalo na ang bigas. “Dinadamay pa nila ang masang Pilipino sa away nila (Marcos) sa mga Duterte para sa kapangyarihan,” pahayag ni Manuel. Ayon sa mambabatas, hindi ang Mindanaoans ang makikinabang sa plano ni Duterte na simulan ang paghiwalay ng…

Read More

Hindi man pisikal na nagkabayaran – solon PONDO NG BAYAN NAGAMIT SA PI

NANINIWALA ang ilang senador na malinaw na ang pagkakaugnay ng mga mambabatas sa People’s Initiative sa kabila ng paulit-ulit na pagtanggi ng ilang kongresista na sila ang pasimuno ng pangangalap ng lagda. Ayon kay Senador Francis Chiz Escudero, bagama’t inamin na rin ni House Speaker Martin Romualdez na nagsilbi lamang siyang facilitator, kinumpirma na rin ni Noel Oñate, lead convenor ng PIRMA na lumapit siya sa mga kongresista upang hingin ang kanilang tulong sa pangangalap ng lagda. Ipinaliwanag pa ni Escudero na bagamat walang malinaw na perang inilabas, ang pahayag…

Read More

ESPIRITU NG ‘EDSA’ PINASIGLA NG CHA-CHA

MULING ipararamdam ng sambayanang Pilipino kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang espiritu ng EDSA People Power Revolution matapos itong gisingin ng Charter change (Cha-cha). Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, kung sa mga nakaraang taon ay nilalangaw ang paggunita ng EDSA People Power ay asahan umano ang malakihang mobilisasyon laban sa Cha-cha sa darating na Pebrero 25. “In fact, magkakaroon ng No to Charter change Action, magkakaroon ng mobilization sa February 25 kaya inaanunsyo na po natin ito ng pagsama-sama ng iba’t ibang No to Cha-cha coalition, No…

Read More