DAPAT matukoy kung sino ang nasa likod ng pagsisingit ng P14 bilyong pondo sa Commission on Elections para sa isinusulong na Charter change. Ito ang iginiit ni Senador Imee Marcos sa gitna ng pagtataka kung paano naipasok sa General Appropriations Act ang sinasabing pondo. Ipinaliwanag ng senador na maging siya na Senate committee on finance vice chairman na in-charge sa pondo ng poll body ay walang alam sa naturang alokasyon. Iginiit ng mambabatas na kung sinoman ang nagsingit ng alokasyon na ito ay dapat patawan ng parusa at sa lalong…
Read MoreCategory: NASYUNAL
‘FOREIGN PLUNDER’ BUBUKSAN SA CHA-CHA
(BERNARD TAGUINOD) DUDA si Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na magkaroon ng “foreign plunder” sa mga likas na yaman ng Pilipinas kapag natuloy ang pag-amyenda sa Saligang Batas. Bukod dito, wala rin aniyang kasiguraduhan na bababa ang presyo ng public services kapag hawak na ito ng mga dayuhang negosyante. “We object to this insidious orchestration to rewrite the Constitution, which dangerously opens the route to full-throttle foreign plunder,” ani Brosas. Nangangamba naman si Liberal Party (LP) Congressman Edcel Lagman na malagay sa panganib ang patrimonya ng Pilipinas ngayong bukas na…
Read MoreILEGAL NA KALAKARAN SA NEW BILIBID PRISON, PINALULUSOT NG ISANG ‘CONSULTANT’?
ITINURO ang isang consultant ng Bureau of Corrections (BuCor) na siyang nagpapalusot ng mga ilegal na kontrabando sa New Bilibid Prison (NBP). Inirereklamo umano ng mga inmate ang hindi pinangalanang consultant na pinaniniwalaang dahilan kaya hindi nakararating sa kanila ang mga padalang ‘cashless transaction’ ng kanilang mga kamag-anak. Ayon sa reklamo ng mga kamag-anak ng PDLs, isang nagpakilalang ‘consultant’ ng BuCor ang kalimitang binabanggit nila na naghahari-harian sa loob ng NBP na tila hindi alam ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. Sa ilang larawan na ipinadala ng isang…
Read MoreSa gitna ng maugong na destab plot BBM DUMALO SA AFP COMMAND CONFERENCE
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na “i-reconfigure” o muling isaayos ang pagtugon sa rebelyon, sakuna o kalamidad at usapin sa West Philippine Sea. Sa gitna ng hindi humuhupang isyu ukol sa destabilisasyon, mismong ang Pangulo ang nagsabi na nais nitong dumalo sa command conference ng AFP nitong Lunes at magbigay ng kanyang gabay sa commanders sa field, ayon kay AFP chief Romeo Brawner Jr. “He said that we needed to reconfigure our approaches to dealing with different threat groups,” ayon kay Brawner.…
Read MoreDestab plotters kaalyado ‘HUDAS’ NASA KAMPO NI MARCOS
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MISTULANG ganito ang nais ipahiwatig ni Senador Imee Marcos matapos sabihin na mayroon ngang pagtatangka na pabagsakin ang administrasyon ng kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Naniniwala rin ang senadora na mula mismo sa loob ng kampo ng Pangulo ang umugong na destabilisasyon ngunit hindi ito nagbigay ng karagdagang detalye. Aniya, nagkausap na sila ng nakababatang kapatid ukol dito at ipinagkibit-balikat lamang umano ito ng Punong Ehekutibo. Bagaman pinayuhan na umano niya ang kapatid, binalaan na rin ng senadora ang mga nagtatangka o destabilization plotter.…
Read MorePUJ COOP AABOT NA SA P2-B UTANG
BAGAMAN kasisimula pa lamang, purdoy na agad ang mga naunang itinayong kooperatiba at korporasyon ng mga public utility jeep dahil hindi pa nakapagbabayad ang mga ito ng kanilang utang sa LandBank at Development Bank of the Philippines (DBP). Kinumpirma ito ni Quezon Rep. Reynan Arrogancia kung saan 38 PUJ Cooperative at Corporation na unang nagtatag o nagtayo ng grupo ang bigo umanong makabayad ng utang sa dalawang nabanggit na bangko na umaabot sa P2 billion. Ayon sa mambabatas, 5 sa mga nabanggit na kooperatiba at korporasyon ang may atraso sa…
Read MorePHILHEALTH CONTRIBUTION HIKE PINAHAHARANG KAY BBM
HINDI dapat hayaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na dagdagan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pasakit sa mga manggagawa na ngayon ay hirap na hirap na dahil sa mababang sahod at mataas na presyo ng mga bilihin. Ayon kay Assistant Minority Leader at Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas, kung may awa si Marcos sa mga manggagawa ay dapat nitong atasan ang PhilHealth na suspendehin ang implementasyon ng premium hike ngayong taon na aabot sa 4% hanggang 5%. “Such premium rate hike will also equate to higher income…
Read MoreMga staff buking nagpapapirma ROMUALDEZ NADIIN SA ‘BRIBED INITIATIVES’
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MISMONG si Senador Imee Marcos ay nagsabing hindi na kataka-takang maugnay ang pinsang si House Speaker Martin Romualdez sa tinaguriang “bribed intitiaves” o ang pangangalap ng lagda kapalit ng P100 o ayuda upang amyendahan ang 1987 Constitution. Sa panayam kay Marcos nitong Linggo sa Super Radyo dzBB, sinabi nito na natuklasan na kasangkot ang staff ni Romualdez sa signature campaign kaya hindi nakapagtatakang ang lider ng Mababang Kapulungan ang nagsusulong ng “peoples’ initiatives.’ Aniya, kahit walang opisyal na pahayag mula kay Romualdez sa kanyang pagkakasangkot sa…
Read MorePAGHIMAY SA PRANGKISA NG NGCP IKINAKASA
NAIS ni Senador Raffy Tulfo na i-convene ang Joint Congressional Energy Commission (JCEC) upang rebyuhin ang mga posibleng amendment o pagkansela sa prangkisa ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Ito ay kasunod ng isinagawang hearing ng Senate committee on energy kaugnay sa sinasabing paulit-ulit na kapalpakan ng NGCP at hindi nito pagganap sa mga responsibilidad at obligasyon sa pagpapatakbo ng power grid ng bansa. Sa pagdinig ng Senado noong Enero 10, sinabi nina Iloilo City Mayor Jerry Treñas, Gov. Arthur Defensor at Guimaras Gov. Joaquin Nava na apektado…
Read More