LIBU-LIBONG deboto ang lumahok sa mga aktibidad kaugnay sa kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo, Maynila kahapon. Nagsimula ang prusisyon bandang alas-4 ng madaling araw na umikot sa ilang lugar sa Tondo. Sa datos ng Manila Police District (MPD), umaabot sa higit 6,000 ang nakiisa sa prusisyon at walang naitalang anomang hindi inaasahang insidente. Umaabot naman sa halos 20,000 ang nakiisa sa taunang “Lakbayaw Festival” habang marami rin ang dumalo sa ginanap na “Pailaw.” Samantala, nakiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa milyon-milyong deboto ng Señor Sto. Niño sa…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Traffic sa Manila ‘bullshit’ – Coldplay BONGBONG HARAPANG HINIYA
MISTULANG ipinahiya ng British rock band na Coldplay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang punahin nito ang perwisyong traffic sa Maynila. Sa halip makisimpatiya kay Marcos at kondenahin ang grupo, inayunan ng mga nanood ng concert at maging ng mga netizen ang pahayag ng frontman ng foreign band na si Chris Martin. Kinampihan din ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang pahayag ni Martin hinggil sa trapik. “Thank you so much to all of you for coming through the traffic…holy sh*t.”Natatawang sabi ni Martin na sinundan ng “I think we’ve…
Read MorePINOY GINAGASTUSAN LUHO NG PAMILYA MARCOS
HINDI makatarungan na ang mga Pilipino ang gumagastos sa luho ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at pamilya nito lalo na’t marami ang naghihirap at sumasala sa pagkain. Reaksyon ito ni ACT party-list Rep. France Castro kaugnay ng paggamit ni Marcos ng chopper nang manood ito kasama ang pamilya sa concert ng British rock band na Coldplay sa Philippine Arena noong Biyernes. “Naku masyadong luxurious, dahil personal namang kapritso yan dapat gumamit na lang sila ng sariling sasakyan at naranasan din nila ang [dinanas] ng mga nagtungo sa concert,” pahayag…
Read MorePAGLAHOK NG NETIZENS SA PAGBUO NG BATAS ISINULONG SA SENADO
ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Estrada ang panukala na magpapahintulot sa publiko na makilahok sa legislative process sa pag-amyenda o pagbalangkas ng mga bagong batas gamit ang online platforms. Sa kanyang Senate Bill No. 2344 o Crowdsourcing in Legislative Policymaking Act, sinabi ni Estrada na bibigyang-daan ang pakikilahok ng mga indibidwal o grupo sa paggawa ng batas sa pamamagitan ng crowdsourcing. Sa pamamagitan ng social media o online portals ng Senado at ng Presidential Legislative Liaison Office (PLLO), maaaring mag-post o magsumite ang publiko ng kanilang mga opinyon o komento sa…
Read MoreHULING DEPENSA SA CHA-CHA BUMIGAY NA
(BERNARD TAGUINOD) BUMIGAY na ang last defense ng mga anti-Charter change (Cha-cha). Reaksyon ito ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel matapos pumayag ang Senado na talakayin ang Cha-cha partikular na ang pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution. “Before, we were still hoping na ang Senado ay magsi-stick doon sa hindi pag-prioritize sa Charter change, pero dahil na rin sa naging pronouncements mismo ng Pangulo na pag-aralan ito, tingin natin bumigay ang Senado,” ani Manuel. Hindi lingid sa lahat na ilang beses tinabla ng Senado ang Cha-cha na nagsisimula sa…
Read MoreSTANDARDIZATION ATAS NI BBM SA MARINA
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Maritime Industry Authority (MARINA) na i-istandardize ang kanilang maritime practices para makasabay sa global standards. Ang direktiba ay ibinigay ng Pangulo kay MARINA chief Sonia Malaluan sa pulong ukol sa panukalang Maritime Industry Development Plan 2028 (MIDP 2028). Hiningi kasi ni Malaluan ang pagsang-ayon ng Pangulo ukol sa planong ito, napansin ng Chief Executive na maraming “rules and operations” sa maritime industry ang obsolete o hindi na ginagamit dahil sa kakulangan ng unified system. “These are all promotion, modernization but let us first…
Read MoreBangayan ng Bicol solons tumindi PERSONALAN NA SA CHA-CHA
TILA nauuwi na sa personalan ang hidwaan ng mga kongresista sa Bicol na nagsimula sa pagsusulong ng Charter change (Cha-cha) at lumala pa dahil sa halos P450 billion unprogrammed funds na isiningit sa Bicameral Conference committee. Kahapon ay binuweltahan ni AKO Bicol party-list Rep. Elizaldy Co, chairman ng House committee on appropriations si Albay Rep. Edcel Lagman kaugnay ng kasong isinampa ng huli sa Korte Suprema ukol sa pinalobong unprogrammed funds. “When he (Lagman) was a member of the Bicameral Conference Committee in 2023 he also approved unprogrammed funds of…
Read MoreNapikon sa pagbati ni BBM sa Taiwan PILIPINAS ‘PLAYING WITH FIRE’ – CHINA
BINALAAN ng bansang Tsina ang Pilipinas na “not to play with fire” matapos batiin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Taiwan president-elect Lai Ching-te sa pagkapanalo nito sa katatapos lamang na halalan sa naturang bansa. Kinumpirma ng Embahada ng China sa Pilipinas na ikinasama ng loob ng Chinese government ang ginawang pagbati ni Marcos Jr. Sa ibinahaging pahayag ni Mao Ning, Chinese foreign ministry spokesperson ay kinumpirma nitong ipinatawag nila ang Philippine ambassador to China para pagpaliwanagin sa naging reaksyon ni Pangulong Marcos sa bagong presidente ng Taiwan. “The relevant…
Read MorePosibleng mga kasapi ng sindikato LIBONG DAYUHAN NAKAPASOK SA ‘9G NG IMMIGRATION
ITINUTURING ni Senador Risa Hontiveros na national security risk ang pagbibigay ng Bureau of Immigration ng mga work visa sa mga pekeng korporasyon, na nagpapahintulot na makapasok ang libu-libong dayuhan. Ibinabala ni Hontiveros na posibleng mga sindikato at kriminal na ang mga nakapasok sa bansa bukod pa sa impormasyon na ang ganitong work visa rin ang ginagamit ng mga trabahador sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO. Kaya naman, welcome sa senadora ang atas ng Department of Justice (DOJ) sa BI na itigil ang pagtugon sa mga hiling na work…
Read More