PITO sa sampung Pilipino ang hindi umano kumbinsido kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. hinggil sa sistema ng pagtugon sa mabilis na pagsirit ng inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ayon sa isinagawang pag-aaral ng Pulse Asia . Ito ay sa likod ng ulat naman ng Philippine Statistics Authority na mas bumaba ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho noong nakaraang taon. Ayon sa Pulse Asia Survey, hindi kumbinsido ang pito sa sampung mga Pilipino sa aksyon ng gobyerno patungkol sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing…
Read MoreCategory: NASYUNAL
P14-B PONDO SA CHA-CHA ISININGIT SA BICAM
SININGITAN sa Bicameral conference committee ng P14 billion ang 2024 General Appropriations Act (GAA) na gagamitin para amyendahan ang 1987 Constitution kung saan hindi lamang economic provisions kundi nais ding palawigin ang termino ng mga politiko. Isiniwalat ito ni Liberal Party (LP) at Albay Rep. Edcel Lagman matapos matuklasan na may isiningit na P14-B ang mga House at Senate contigent sa Bicam at P12 billion naman ang idinagdag sa budget ng Commission on Elections (Comelec). Ayon sa mambabatas, nakalaan ang pondong ito para sa “Conduct and supervision of elections, referenda,…
Read MorePOULTRY PRODUCTS NG BELGIUM AT FRANCE BAN MUNA SA PINAS
IPINAGBAWAL ng gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng manok at iba pang poultry products mula Belgium at France sa gitna ng outbreak ng bird flu sa mga nasabing bansa. Sinabi ng DA na ang poultry ban ay ipinalabas kasunod ng pag-uulat ng Belgium at France ng kani-kanilang outbreaks sa Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) sa domestic birds sa World Organization for Animal Health (WOAH). Tinuran pa ng departamento na ang Belgium at France, nagsi-share ng border, halos magkasabay na nag-ulat ng bird flu…
Read MorePara masiguro ang Cha-cha MAHIHIRAP SUSUHULAN NG MGA POLITIKO
DISMAYADO ang Kabataan party-list group dahil imbes tulungan makaahon sa kahirapan ang mga Pinoy ay gagamitin pa ang mga ito para matiyak ng mga politiko na magtagal sila sa kapangyarihan. “Sa halip na tugunan ang mas matinding kagutuman at kahirapan sa ating bayan, pinagsasamantalahan pa ito ng mga nasa kapangyarihan para lokohin ang kapwa Pilipino at tiyakin ang poder nila sa pamamagitan ng Charter change,” ani Kabataan Party-list Executive Vice President Renee Louise Co. Naniniwala ang grupo na isa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa nasa likod ng Cha-cha…
Read MoreAMBISYONG PULITIKA SA CHA-CHA SA KAMARA
DISMAYADO ang isang mambabatas sa Kamara dahil imbes resolbahin ang pagtaas ng presyo ng bigas ay ang Charter change (Cha-cha) ang inaatupag ng mga ito. Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, tumaas ng P2 ang presyo ng kada kilo ng pinakamurang bigas sa bansa kahit unti-unti nang dumarating ang mga inangkat sa ibang bansa tulad sa India. “Hindi Cha-cha ang pangunahing pinoproblema ng mamamayan kundi ang taas ng presyo ng mga bilihin, lalo na ng bigas,” ani Castro. Sinabi ng mambabatas na inaasahan na lalong dadami ang bilang ng…
Read More2M BASURA NAKOLEKTA SA KALINISAN PROGRAM
NAGAWA ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makakolekta ng mahigit sa 2.6 million kilograms ng basura mula sa paglulunsad ng Kalinga at Inisyatiba Para Sa Malinis na Bayan (KALINISAN) Program ng gobyerno. Mahigit 9,000 barangay ang nagpartisipa rito. Base sa national status report ng Department of Interior and Local Government (DILG) nitong Linggo, makikita na nakakolekta ang KALINISAN program ng 2,646,948 kilograms ng basura mula sa 9,189 na nagpartisipang barangay sa bansa. Iniulat din ng DILG na 580,000 indibidwal ang nagpartisipa sa clean-up drive kasama ang 109,939…
Read More2023 TARGET COLLECTION NAHIGITAN NG NTC
UMABOT sa 9.43 billion ang halaga ng koleksyon ng National Telecommunications Commission (NTC) para sa taong 2023. Lagpas ito ng 3.5 billion pesos o 6.2 percent sa collection target ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na 5.91 billion pesos. Ayon sa NTC, ang malaking koleksyon ng ahensya ay bunsod ng pagsusumikap ng mga tauhan nito sa mahigpit na pagpapatupad ng stakeholders’ compliance sa pagre-remit ng spectrum users’ fees, at pagbabantay sa regulation fees at penalties. Ang NTC ang ahensya ng gobyerno na nangangasiwa sa mga cable at commercial television operators,…
Read MoreP330-M IBUBUHOS SA VOTE BUYING SA ITINUTULAK NA CHA-CHA NG KAMARA
PAYAT ang P330 million na gagastusin para amyendahan ang Saligang Batas sa pamamagitan ng People’s Initiatives (PI) na sinimulang ilarga umano sa Bicol region. Kapalit ng impormasyon, sinabi ng isang impormante ng SAKSI Ngayon sa Kamara na hindi na nagpabanggit ng pangalan na ang nasabing halaga ay para lamang sa vote buying na inilutang ni Albay Rep. Edcel Lagman. Noong Sabado, isiniwalat ni Lagman na inilunsad na sa Bicol ang Cha-cha nang ipatawag ang mga mayor ng mga administration congressman sa nasabing rehiyon noong Enero 5, 2024 kung saan ang…
Read MoreEASE OF PAYING TAXES BATAS NA
TININTAHAN ni Pangulong Marcos ang Republic Act (RA) No. 11976, o Ease of Paying Taxes Act, naglalayong palakasin ang ekonomiya at pangalagaan ang karapatan ng mga taxpayer habang inaayos ang revenue collection sa pamamagitan ng digitalization initiatives. Pinirmahan ni Pangulong Marcos ang nasabing batas nitong Biyernes, Enero 5. Isa ito sa mga priority legislation na binanggit ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Addresses (SONA) noong 2022 at 2023. Sa isang kalatas, sinabi ng Malakanyang na ang bagong batas ay may mahalagang kontribusyon para makamit ang 8-Point Socioeconomic Agenda…
Read More