PRESYO NG BIGAS DI BABABA SA PAGDATING NG IMPORTED RICE

WALANG mangyayaring price rollback sa bigas sa pagdating ng mga imported rice at posibleng tumaas pa umano ang presyo nito sa mga darating na buwan. Ayon kay Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo, hindi ibebenta ng mga rice importer ng mura ang inangkat na bigas mula sa India dahil tumaas umano ang presyo nito sa international market. “Kahit sabihin ng DA na parating na ‘yung 500,000 metric tons na inimport mula sa India ay hindi rin magreresulta ng pagbaba n’yan sa palengke dahil alam naman natin na napakataas ng presyo sa…

Read More

SABWATAN NG TRANSPORT OFFICIALS SA PUVMP BUBUSISIIN

MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Miyerkoles hinggil sa sabwatan umano ng mga dati at kasalukuyang transport officials sa pag-import ng mga mamahaling sasakyan na ipapalit sa mga tradisyunal na pampasaherong jeep. Ayon kay House committee on transportation chairman at Antipolo Rep. Romeo Acop, hindi dapat ipagwalang bahala ang impormasyong nakarating kay House Speaker Martin Romualdez hinggil sa anomalya at katiwalian sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). “We cannot allow corruption to take root in the implementation of the modernization program. If we are…

Read More

EXTENSION NG SHS PROGRAMS SA SUCs APELA NG NAT’L PTA

students12

HINIKAYAT ng National Parents-Teachers Association (PTA) Philippines ang Commission on Higher Education (CHED) na ipagpatuloy ang senior high school programs nito sa state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs) ng isa pang taon. Sa isang panayam, sinabi ni PTA national president Willy Rodriguez na mabibigyan nito ng mas maraming oras ang mga public schools, guro, magulang at Department of Education (DepEd) na makapaghanda para sa pagbabago. “Sa ngayon po hindi pa handa ang ating mga magulang sa usaping yan. Kasi nga po madaming estudyante ang maaapektuhan,”…

Read More

MARCOS ADMIN ‘WAG PURO ‘DRAWING’ – KOKO

PINAYUHAN ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang gobyerno na gawing realistic ang mga target nitong accomplishment para sa kapakanan ng taumbayan. Sinabi ni Pimentel na ngayong halos dalawang taon na ang Marcos administration, marami na ang naghahanap ng katugunan sa ipinangako nitong P20 kada kilo ng bigas at milyun-milyong housing projects para sa mahihirap. Iginiit ng senador na mas makabubuting realistic target ang gawin ng administrasyon sa mga susunod pang taon at huwag ang mga ipinangakong datos noong ito ay nangangampanya pa lamang. Payo pa ng mambabatas na maging…

Read More

Pilipinas lubog pa rin sa utang ‘MARCOS VLOGGERS’ SUPALPAL SA SOCMED

KONTI na lang, bayad na ang Pilipinas sa utang. Iyan ang ikinakalat ngayon sa social media partikular sa TikTok ng mga sinasabing ‘admin vlogger’ na may pahabol na “Proud of you Mr. President BBM!” Gayunman, nasupalpal ang mga ito nang maglabas ng paglilinaw ang dating Undersecretary ng Department of Finance (DOF) na si Cielo Magno na sinang-ayunan naman ng nakararaming netizens. Ayon kay Magno, misleading ang ikinakalat na balita na halos nabayaran na ng gobyerno ang utang ng bansa noong 2023. Paglilinaw ni Magno, ang tinutukoy na programmed debt ng…

Read More

TSUPER, OPERATORS MABUBUSALAN SA PUVMP

MAWAWALAN ng boses ang mga tsuper at operators sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) dahil bubuwagin na ang kanilang asosasyon sa ilalim ng nasabing programa. Ito ang nabatid kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas kaya hindi na maaaring makapagreklamo ang mga tsuper at operators ng mga pampasaherong jeep na karaniwang idinadaan sa transport strikes. “Ginawan nila ng paraan na magkaroon ng jeep para mapakain ang kanilang mga pamilya nang walang tulong mula sa gobyerno. Bago pa ang PUV modernization program, mayroon na silang mga sariling grupo at…

Read More

TRIKE, PEDICABS WALISIN NA SA NAT’L ROADS – DILG

NAGPALABAS ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng memorandum circular (MC) na humihikayat sa local government units (LGUs) at Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang pagbabawal sa tricycles, pedicabs kabilang na ang motorized pedicabs sa kahabaan ng pangunahing lansangan. Ang DILG Memorandum Circular No. 2023-195 ay ipinalabas dahil patuloy na nakatatanggap ng ulat ang kagawaran na ang tricycles at pedicabs ay hindi tumitigil sa pamamasada sa national roads na nagiging sanhi ng aksidente. “These incidents has been a ‘major concern’ for the government, citing that a…

Read More

VOTER REGISTRATION BUBUKSAN SA PEBRERO

PLANO ng Commission on Elections (Comelec) na ipagpatuloy sa susunod na buwan ang voter registration sa buong bansa para sa May 2025 midterm election. Gayunman, ang iskedyul ng voter registration period ay hindi pa naisasapinal ng Commission en banc. Ang huling voter registration period na ginanap sa bansa ay mula Disyembre 12, 2022 hanggang Enero 31, 2023. Higit 2.5 milyong aplikasyon ang natanggap sa buong bansa sa nasabing panahon. Nitong Lunes, pinaalalahanan ng Comelec ang overseas Filipinos na magparehistro para sa 2025 midterm elections. Base sa Comelec Resolution No.10833, ang…

Read More

SC PETITION VS NAT’L BUDGET IPINOPORMA NA

TINATALAKAY na ng oposisyon ang pagkuwestiyon sa legalidad ng 2024 General Appropriations Act (GAA) dahil sa pinalobong unprogrammed appropriations sa Bicameral conference committee. Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, makikipagpulong ito kay Senate Minority Leader Koko Pimentel para sa planong paghahain ng kaso sa Korte Suprema ngayong taon. “There is need to discuss the petition with Sen. Koko,” ani Lagman na unang nagsabi na unconstitutional ang 2024 GAA dahil sa P449.5 billion unprogrammed appropriations na isiningit sa Bicameral Conference Committee. Ang nasabing halaga ay karagdagan sa P281.9 billion na inirekomenda…

Read More