GALAWANG diktador ang pagpipilit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ipatupad ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) na magiging dahilan umano ng man-made disaster sa sektor ng transportasyon. Ganito inilarawan ng grupo ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang desisyon ng gobyernong Marcos Jr., na pilitin ang mga operator at driver ng traditional jeepneys na pag-isahin ang kanilang prangkisa kahit alam nito na walang kakayahan ang karamihan na palitan ang kanilang unit ng modernong jeep na nagkakahalaga ng mahigit P2 million. “Marcos Jr. forcing jeepney drivers to consolidate…
Read MoreCategory: NASYUNAL
DOT SINITA SA MALUHONG HOTEL ACCOMMODATIONS
NASILIP ng Commission on Audit (COA) ang gastos ng Department of Tourism (DOT) na sumobra ng P2.6 million para sa hotel accommodations nito noong 2022. Sa annual audit report (AAR) ng COA, inirekomenda ng komisyon na i-refund ng DOT ang excessive costs na ginamit ng mga opisyal at empleyado at mahigpit na sumunod sa Executive Order No. 77 kapag naghahanda na ng Budget Estimate o Terms of Reference para sa kontrata ng mga programa at aktibidad ng mga ito upang maiwasan ang sobrang gastos para sa “hotel accommodations at meals.”…
Read More2024 GAA idudulog sa Korte Suprema SININGIT NA P449-B PINALUSOT NI BBM
KUKUWESTYUNIN sa Korte Suprema ang 2024 General Appropriations Act (GAA) o 2024 national budget na nagkakahalaga ng P5.678 trillion matapos mabigo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na i-veto ang P449.5 billion unprogrammed appropriations na isiningit sa Bicameral conference committee. Ayon sa abogadong si Albay Rep. Edcel Lagman, kailangang kuwestiyonin sa Kataas-taasang Hukuman ang nasabing batas matapos mabigo si Marcos na burahin ang isiningit ng mga kinatawan ng Senado at Kamara sa Bicam. “The President’s utter failure to veto the excess items aggravates the constitutional defect,” ani Lagman. Hindi naman…
Read MoreFISHERFOLKS DISMAYADO SA FUEL SUBSIDY NG DA
DISMAYADO ang grupo ng mga mangingisda sa P489.6 milyon na inilaan ng Department of Agriculture (DA) para sa fuel subsidy. Itinuring nilang ‘patak lang sa karagatan’ ang ayuda kumpara sa lawak ng epekto ng pinagsama-samang pagtaas ng presyo ng langis sa sektor ng pangingisda. Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), ang mabebenepisyuhan lamang ng fuel assistance ay nasa 137,448 na 5% lamang umano ito ng mahigit 2.7 million rehistradong mangingisda sa buong bansa. “Bukod sa mababang halaga ng fuel subsidy na P3,000 ay napakaliit na porsyento…
Read MoreKAMARA TUMIKLOP SA MILITARY GENERALS
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MISTULANG kinantyawan ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang liderato ni House Speaker Martin Romualdez sa pagsasabing ang manifesto ng mga alumni ng Philippine Military Academy (PMA) ang dahilan kaya pinalaya sina Jeffrey Celiz at Lorraine Badoy. Matatandaang ikinulong ang dalawang host ng Sonshine Media Network International (SMNI) sa Batasan Pambansa Complex matapos ma-contempt. Sa isang video na pinost sa social media nitong Disyembre, nagsalita si Duterte na inaasahan na niyang magre-react ang mga retiradong sundalo sa nangyari kina Badoy at Celiz. Ang reaksyon aniya ng mga…
Read More294 MILF, MNLF MEMBERS NANUMPA BILANG MGA BAGONG PULIS
“SA pangunguna ng ating mahal na Pangulong [Ferdinand] Bongbong Marcos [Jr.], we remained to be steadfast dito sa [Bangsamoro] peace process. Dito ninyo makikita ang sinseridad, ang kabaitan ng ating Pangulo, ng ating gobyerno.” Ito ang pahayag ni Department of The Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., na siya ring pinuno ng National Police Commission (NAPOLCOM), sa isinagawang panunumpa ng 294 na mga dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front, bilang mga bagong miyembro ng Philippine National Police. Sinaksihan din ni Office…
Read MoreMAS PINABABANG IMPORT RATES SA BIGAS, MAIS, AT MEAT PRODUCTS PINALAWIG NI PBBM
PINALAWIG hanggang sa Disyembre ng susunod na taon ang mas pinababang import rates sa bigas, mais, at meat products para makatulong sa posibleng epekto ng El Niño. Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Executive Order No. 50 matapos magpahayag ng pagkabahala si Pangulong Ferdinand Marcos kaugnay sa posibleng negatibong epekto ng tagtuyot sa presyo at produksyon ng bigas at mais. Habang maaari ring makaapekto sa presyo ng karne ang patuloy na pagkakaroon ng kaso ng African Swine Fever. Ang pagpapababa sa bayarin sa import duties ay tatagal hanggang sa…
Read More3 PATAY SA SUNOG SA MALATE
TATLO ang namatay habang isa ang nasugatan sa sunog sa F. Munoz Street, Malate, Manila noong Huwebes ng gabi. Base sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, pasado 6:00 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa ika-2 palapag ng bahay na yari sa light materials sa F. Muñoz Street, Malate. Umabot ng ika-2 alarma at dakong 9:00 pasado nang ideklarang fire out ang sunog makaraang madamay ang tirahan ng mahigit 35 indibidwal. Ayon sa ulat ng BFP, nagsimula ang sunog sa ika-2 palapag ng bahay. Ayon…
Read MoreHIGIT 200K JOB OPPORTUNITIES ABROAD NABUKSAN SA PINOY
TINATAYANG umabot na sa 200,000 job opportunities ang inialok ng gobyerno sa mga Pilipino dahil sa mga official foreign trips ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa last quarter ng 2022 hanggang 2023. Ito ang sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI). Tinukoy ng Presidential Communications Office (PCO) ang data mula sa DTI kung saan makikita na ang pagbyahe ni Pangulong Marcos sa ibang bansa noong 2022 ay nakalikha ng 7,100 job opportunities mula Indonesia (September 4-6); 14,932 job opportunities mula Singapore (September 6-7); at 98,000 job opportunities naman…
Read More