TITIBA ang mga importer ng modernong jeep kapag nagsimula na ang transport crisis sa bansa lalo na sa Metro Manila dahil sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) na ayaw suspendihin ng gobyernong Marcos. Ayon kay Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, pagsapit ng Enero 1 ay kukulangin na umano ang mga PUV sa lansangan kung saan sa Metro Manila ay 31,000 pampasaherong jeep ang inaasahang hindi makabibiyahe. Katumbas ito ng 73.5% ng mga PUJ sa Metro Manila kaya asahan aniya na pahirapan ang pagsakay sa simula ng taon at upang…
Read MoreCategory: NASYUNAL
P225-M AYUDA SA 2024 PANTAPAL SA PRICE HIKES
MISTULANG pantapal lamang sa inaasahang pagsargo ng presyo ng mga bilihin sa susunod na taon ang mahigit dalawang daang bilyong pisong inilaan para sa ayuda o tulong pinansyal sa 12 milyong Pamilyang Pilipino sa ilalim ng 2024 national budget. Ito ang lumalabas matapos aminin ni House Minority Leader Marcelino Libanan na inaasahang tataas ang presyo ng mga bilihin sa susunod na taon dahil sa El Niño na magiging dahilan para bumaba ang produksyon ng pagkain sa bansa. “The ayuda in the form of new cash transfers and other subsidy programs…
Read MoreMATINDING EL NIÑO ASAHAN SA ABRIL 2024
MAAARING dumating sa rurok o pinakamataas ang El Niño phenomenon sa Abril ng susunod na taon habang 63 lalawigan ang posibleng makaranas ng matinding tagtuyot. “The drought will come one month earlier than the previous forecast of May, with two less provinces to be affected,” sinabi ng Department of Science and Technology (DOST). “So essentially, the effects of El Niño will still be covering the first and second quarters of 2024,” ani DOST Secretary Renato Solidum Jr. sa press briefing sa Malakanyang. “But the peak of El Niño, in terms…
Read MorePAMASAHE SA MODERN JEEP SISIPA SA P40-P50
HINDI malayong umabot sa P40 hanggang P50 ang pamasahe sa mga modern jeep kapag tuluyang nawala sa mga lansangan ang mga traditional jeep, upang mabawi agad ng mga operator ang kanilang puhunan. Dahil dito, nakiisa na ang grupo ng kababaihan sa transport sector sa kanilang laban na ibasura ang Public Utility Vehicles Modernization Program (PUVMP) dahil hindi lamang ang mga tsuper at operators ang maaapektuhan kundi 28 milyong commuters. “Aabot ng halagang P2.5-2.8 milyon ang presyo ng mga ‘modern’ jeepney; 600%-1150% na pagtaas sa presyo ng traditional jeepney. Dahil dito,…
Read MorePaalala sa mga nasa gobyerno KAHIT PASKO, WALWALAN BAWAL SA OPISINA
PINAALALAHANAN ng Civil Service Commission (CSC) ang mga empleyado ng gobyerno na iwasan ang uminom ng anomang alcoholic beverages sa tanggapan ng pamahalaan sa pagdiriwang ng Christmas at year-end parties. Binigyang diin ni CSC Chairperson Karlo Nograles ang kahalagahan ng pagiging maingat sa pagdiriwang ng Christmas season, pinaalalahanan ang mga empleyado ng gobyerno na habang ito ang panahon ng pagsasaya at pasasalamat, panahon din ito ng mapanuri at paninindigan sa kanilang responsibilidad. Sa kabilang dako, pinayuhan at pinagbawalan din ng CSC ang mga empleyado ng gobyerno na mag-solicit ng regalo…
Read MoreOpisyal sa Malakanyang nag-sorry PASKONG-PASKO NAG-FAKE NEWS
HUMINGI ng paumanhin si Presidential Assistant for Strategic Communications Cesar Chavez sa ginawa nitong pag-post sa Official Gazette of the Republic of the Philippines ng Proclamation No. 427 na nagdedeklara ng Special (Half-Working) day sa araw ng Biyernes, Disyembre 22, sa buong bansa. Kagyat na inamin ni Chavez na hindi beripikado at hindi niya binirepika muna ang pinost niyang content. “Apologies. I posted a content that was not first verified by me. For the confusion, the blame should be on me. I take full responsibility for this,” ang text message…
Read MoreBBM BALIK-BANSA MULA SA ASEAN-JAPAN SUMMIT
BALIK-Pilipinas na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. mula sa kanyang pagdalo sa ika-50 na ASEAN-Japan Commemorative Summit. Nakarating sa bansa ang pangulo at kanyang delegasyon, 10:38 ng gabi ng Lunes (Dec. 18). Sa kanyang arrival speech, inihayag ng pangulo ang mga hakbang ng Pilipinas para sa malinis na enerhiya. Inanyayahan ng pangulo ang mga miyembro ng Asia Zero Emission Community na mamuhunan sa renewable energy ng bansa. Nag-uwi rin ng dagdag investment pledges si Pangulong Marcos at kanyang delegasyon mula sa meeting kasama ang Japanese business community. Ayon sa…
Read MoreDIPLOMATIC TALKS NA ALOK NG CHINA PINATATABLA
PINADEDEDMA sa gobyernong Marcos Jr., ng isang mambabatas sa Kamara ang alok ng China na buksan muli ang diplomatic talks sa West Philippine Sea (WPS) dahil wala umano itong maibubungang maganda para sa Pilipinas. Sa gitna ng lumalalang tensyon ng dalawang bansa sa patuloy na pangha-harass ng Chinese Coast Guard at Chinese Maritime Militia sa mga Pilipino sa WPS, iminungkahi ni Chinese Ambassador Huang Xilian na muling mag-usap upang resolbahin ang problema. Gayunpaman, sinabi ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na tanging China ang makikinabang kapag pinatulan ng Pilipinas ang…
Read MoreSUSPENSYON NG TV PROGRAM NI DIGONG MAY BASBAS SA KAMARA
APRUB sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagsuspinde ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa dalawang programa ng Sonshine Media Network International (SMNI). “This suspension is long overdue but at last now something has been done to curtail the constant red-tagging, spreading of disinformation (fake news) and threatening of individuals using these two shows as well as the network,” ani House Deputy Minority leader and ACT Teachers party-list Rep. France Castro. Noong Lunes ay nagsimula ang 14 days suspension ng “Laban Kasama ang Bayan” nina Lorraine Badoy…
Read More