TINATRABAHO na ng Pilipinas para lutasin ang isyu ng West Philippine Sea (WPS) para simulan ang bagong energy exploration projects bago pa magsimulang maubusan ng suplay ang Malampaya gas. “We are still at a deadlock right now. It is in a conflict area. So, that’s another thing that we have to try and resolve to see what role any countries play,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang panayam nang tanungin ukol sa kasalukuyang isyu sa maritime region at Malampaya gas field. “It’s still of course the position of…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Kaya target maging Prime Minister? ROMUALDEZ ALAM NA MALABONG MAGING PRESIDENTE
TILA pinasaringan ng pinsan mismong si Senador Imee Marcos si House Speaker Martin Romualdez nang sabihin nito na may nais maging Prime Minister dahil malabong maging presidente sa pagkabuhay ng usapin sa Charter change. Kaugnay na rin ito sa pahayag ni Romualdez na sa susunod na taon ay bubuhayin muli ng Kamara ang pag-uusap tungkol sa Cha-cha partikular sa isyu ng economic provision. Ayon kay Senator Marcos, si Pangulong Bongbong Marcos na mismo ang nagsabi na hindi napapanahon ang Cha-cha at mas dapat na nakatutok tayo sa trabaho at pagpapababa…
Read More‘JETSETTER’ MARCOS ‘DI RAMDAM KALBARYO NG TRANSPORT SECTOR
HINDI na nagtaka ang dalawang mambabatas sa Kamara na ituloy ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) dahil hindi nito naranasan ang mag-commute at maging mahirap tulad ng mga tsuper ng mga public utility jeep (PUJ). “Malacanang is so insensitive to the plight of commuters. Palibhasa, lipad nang lipad at hindi naman nagko-commute,” reaksyon ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel matapos tablahin ni Marcos ang apela ng mahihirap na tsuper at operators na palawigin ang deadline sa pag-consolidate ng mga prangkisa. Ayon sa mambabatas,…
Read MorePUBLIKO PINAGHINAY-HINAY SA PAGGAMIT NG KURYENTE
HINIKAYAT ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang publiko na maging “extra conscious” sa paggamit ng kuryente ngayong holiday season, lalo pa’t mayroong napipintong preventive maintenance schedule ng isa sa generating plants ng Panay Energy Development Corporation (PEDC) ng Global Business Power Corporation (GBP) ngayong buwan. Sinabi naman ni Reagahn Alcantara, lead specialist ng government relations and regional affairs division ng Public Relations Department ng NGCP, sakali’t itulak ng PEDC ang pagsasara, magkakaroon aniya ng full dispatch ng lahat ng ibang power plants, kabilang na ang utilisasyon ng…
Read MorePRESYO NG BILIHIN SISIRIT SA PAGHAGUPIT NG EL NIÑO
IPINAGKIBIT-BALIKAT lamang ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan ang posibilidad na negatibong epekto sa ekonomiya ng El Niño phenomenon sa susunod na taon ngunit aminado itong posibleng tumaas pa ang presyo ng mga pangunahing bilihin. “With respect to growth, the effect on the economy, I don’t think it will make a big [impact]…it will make an impact, but the challenge will be more on the prices,” ayon kay Balisacan. “The big difference between 1997-1998 and now is that the relative share of agriculture in the economy…
Read MoreP731-B STANDBY ‘PORK’ NI MARCOS SA 2024
TINAWAG ng isang militanteng mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ‘standy pork’ ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang P731.45 billion na unprogrammed fund na kilala rin bilang UA o unprogrammed appropriations sa ilalim ng 2024 national budget. Ang pambansang pondo sa susunod na taon na nagkakahalaga ng higit P5.678 trillion ay lagda na lamang ni Marcos ang kailangan matapos itong ratipikahan sa dalawang kapulungan ng Kongreso bago sila nag-adjourned nitong Miyerkoles ng gabi. Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, pinalobo sa Bicameral Conference committee ang UA ni…
Read MoreKorupsyon ‘di konstitusyon dahilan ng kahirapan ROMUALDEZ SINOPLA SA PAGSUSULONG NG CHA-CHA
KAHIT amyendahan ang 1987 Constitution kung hindi masawata ang katiwalian sa gobyerno ay hindi mareresolba ang kahirapan sa bansa. Ginawa ni dating Congressman Neri Colmenares ang pahayag matapos ilutang ni House Speaker Martin Romualdez na bubuhayin ang Charter change (Cha-cha) sa susunod na taon sa pamamagitan ng People’s Initiatives (PI). “Ang ating kahirapan ay hindi nagmula sa Konstitusyon, kaya ang pag-amyenda dito ay hindi solusyon. Kung hindi maresolba ang korapsyon, kawalan ng lupa at suporta sa magsasaka, at kontraktwalisasyon, hindi tayo uunlad kahit sampung beses pa sila mag-Cha-cha taun taon,”…
Read MorePANUKALANG 2024 BUDGET LUMOBO SA P6 TRILYON
AABOT sa mahigit P6 trilyon ang panukalang 2024 budget ng gobyerno matapos ang ilang pagbabagong idinagdag ng bicameral conference committee na niratipikahan na ng dalawang kapulungan ng Kongreso. Ito ang inihayag ni Senate Minority Leader Koko Pimentel kasabay ng muling pagkwestyon nito sa idinagdag na P450 billion para sa unprogrammed appropriations. Ipinaliwanag ni Pimentel na sa ilalim ng National Expenditure Program ng Marcos Administration nasa P281 billion lamang ang hiniling na unprogrammed appropriations na inaprubahan ng Kongreso. Subalit matapos ang bicam conference ay umabot na sa P731 billion ang unprogrammed…
Read MorePAMAMAHAYAG BINUBUSALAN SA KAMARA – CELIZ
SA kanilang paglaya matapos ang isang linggong pagkakulong sa Batasan Pambansa Complex, muling nagpakawala ng mga salita laban sa mga nasa gobyerno sina Jeffrey Celiz at Lorraine Badoy. Nitong Martes ng gabi, pinalaya na ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang dalawang anchor ng Sonshine Media Network International (SMNI). Sa panayam ng mga mamamahayag matapos lumaya ang dalawa, iginiit ni Celiz na walang kapangyarihan ang gobyerno na sagkaan ang kanilang karapatan sa pamamahayag. Nanindigan lang umano sila dahil kung hindi ay mawawala ang karapatang ito sa mamamayan. “Siguro gusto…
Read More