MAY ‘creeping invasion” ang mga Chinese national sa Pilipinas na namamakyaw ng mga lupain at ari-arian sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang Filipino dummies, gamit ang drug at laundered money. Ito ang dahilan kaya pinakilos ni House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers ang gobyerno partikular na ang intelligence at law enforcement agencies para usisain ang nakuha niyang report. Natuklasan ang creeping invasion na ito habang iniimbestigahan ng komite ang nakumpiskang 560 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P3.6 billion sa isang bodega na pag-aari ng isang…
Read MoreCategory: NASYUNAL
PAGDEDEKLARANG PERSONA NON GRATA KAY HUANG NIREREBISA
HINDI dapat minamadali at dapat na masusing nirerebisa ang panawagan na ideklara bilang persona non grata kay Chinese Ambassador Huang Xilian. Sinabi ni Foreign Affairs Spokesperson Ma. Teresita Daza na bagama’t may mga panawagan na ideklarang persona non grata ang Chinese envoy to Manila, kailangan pa rin na masusi itong pag-aralan at rebisahin kung ang naging aksyon nito ay may merito para sa naturang deklarasyon. “When an ambassador assumes, he is accepted by the accrediting host government. If you do something or say something that is unwelcome then you can…
Read MoreCHA-CHA 2024 ‘NILULUTO’ NI ROMUALDEZ
BUHAY na buhay pa ang Charter change (Cha-cha) dahil tatrabuhin ng Kongreso sa susunod na taon ang paglulunsad ng people’s initiatives para ipaubaya sa mga Pilipino kung anong gusto nilang paraan sa pagboto ng Senado at Kamara sa mga probisyong mag-aamyenda sa 1987 Constitution. Mismong si House Speaker Martin Romualdez ang umamin sa Philippine Economic Forum sa Iloilo City noong Lunes na pinaplano nila ito kasama ang mga lider ng iba’t ibang partido pulitikal sa Kongreso. “I’m going to be sharing with you things that I’ve not shared with the…
Read MoreKALBARYO NG COMMUTERS SIMULA SA ENERO 1
KAILANGANG maghanda ang mga commuter dahil simula Enero 1 sa susunod na taon ay mararamdaman na ng mga ito ang negatibong epekto ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Ito ang tinuran ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel sa kanyang privilege speech kung saan sinabi nito na simula sa Huwebes, ay magkakaroon muli ng tigil-pasada dahil ayaw iatras ng gobyerno ang December 31, 2023 deadline sa konsolidasyon ng prangkisa ng mga pampasaherong jeep. “Tatagos ang epekto ng PUV Modernization Program hanggang sa mga komyuter kung libo-libong jeep na di nag-consolidate…
Read MorePAGSUSPINDE SA SMNI APRUB SA HOUSE PANEL
INAPRUBAHAN sa House committee on legislative franchises ang resolusyon na nag-aatas sa National Telecommunications (NTC) na suspendehin ang operasyon ng Sonshine Media Network International (SMNI). Sa pagdinig ng nasabing komite kahapon, walang tumutol sa House Resolution (HR) 1499 na inakda ni PBA party-list Rep. Margarita Nograles kaya inatasan ng komite ang NTC na suspendihin ang operasyon ng nasabing network. Ayon kay Nograles, maraming probisyon sa prangkisa ng Swara Sug Media Corporation nang gamitin ito ng SMNI na walang pahintulot ang Kongreso na siyang nagbigay ng nasabing lisensya. Celiz ‘kumanta’ na…
Read MoreSARA BINOKYA SA CONFI FUNDS
TULAD ng inaasahan, bokya sa confidential funds si Vice President Sara Duterte sa ilalim ng 2024 national budget. Kahapon ay tuluyan nagkasundo ang mga senador at congressmen na miyembro ng Bicameral Conference Committee na aprubahan ang 2024 national budget na nagkakahalaga ng P5.678 trillion. Ayon sa mga miyembro ng komite, hindi lamang ang Office of the Vice President (OVP) kundi ang Department of Education (DepEd) na pinamumunuan din ni Duterte ang binokya sa confidential funds. Unang inirekomenda sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tanggalin ang P500 million confidential funds ng…
Read MorePara walang makupit ang ninja cops NASABAT NA DROGA SUNUGIN AGAD
IDIDIRETSO sa incinerator ang lahat ng drogang makukumpiska sa lahat ng anti-illegal drug operations kapag naisabatas ang isang panukala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Layon umano ng House Bill (HB) 9668 na inakda ni House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers na maiwasang kupitan ng tinaguriang ninja cops ang mga drogang makukumpiska. “Kung maisasabatas natin ito, mapipigilan na natin and pilferage at recycling ng ilegal na droga at wala nang dahilan ang ating mga anti-drug agents na tumagal pa sa kanilang kustodiya ang anomang illegal na droga…
Read MoreKinakaharap na human trafficking, rape, atbp. bubusisiin QUIBOLOY, KOJC BABALATAN SA SENADO
PINAIIMBESTIGAHAN na rin ni Senator Risa Hontiveros ang umano’y ulat ng mga kaso ng large-scale human trafficking, rape, sexual abuse, child abuse at iba pang karahasan sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa ilalim ng pamunuan ng church leader na si Apollo Quiboloy. Sa Senate Resolution 884 na inihain ni Hontiveros, inaatasan dito ang Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na magsiyasat sa sinasabing mga krimen sa sekta. Nakasaad sa resolusyon na si Quiboloy na itinuturing ang sarili na “Appointed Son of God” at lider ng…
Read MoreKASUNDUAN NG SMNI AT CHINA NABUKSAN SA KAMARA
LABIS na ikinabahala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kasunduan sa pagitan ng Sonshine Media Network International (SMNI) at China Global Television Network (CGTN) lalo na’t puro kasinungalingan ang inilalabas umano ng nasabing bansa laban sa Pilipinas kaugnay ng usapin sa West Philippines Sea (WPS). Sa ikatlong pagdinig ng House committee on legislative franchises, kinalkal ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang kasunduan ng SMNI sa isa sa tatlong media network na ginagamit ng China sa kanilang propaganda. “This is very dangerous kung ang isang franchise holder ay may cooperation o…
Read More