TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong nakalipas na linggo na muling magpapadala ng mga karagdagang kagamitan at pagkain ang militar para sa mga tropa nito sa Ayungin Shoal. Ayon sa AFP, kailangang umayos ang Tsina dahil ngayon nakasubaybay na ang buong mundo. Inihayag ng tagapagsalita ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na si Col. Medel Aguilar na itutuloy nila ang rotation and resupply (RORE) mission sa BRP Sierra Madre na nagsisilbing military garrison o detachment ng AFP sa Ayungin Shoal. Nagbabala ang AFP sa China Coast Guard (CCG)…
Read MoreCategory: NASYUNAL
BARILAN SA TAGUIG, NAIS BUSISIIN NI PADILLA KUNG MAY KINALAMAN SA DISKRIMINASYON SA MGA MUSLIM
NAIS ni Senador Robin Padilla na alamin kung diskriminasyon sa pagkain sa pamamagitan ng paghain ng karne ng baboy ang naging mitsa ng pamamaril na ikinamatay ng isang pulis sa Taguig City. Sa kanyang Senate Resolution 743, nais ni Padilla na magsagawa ng pagsisiyasat ang Senate Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs sa insidente makaraang igiit ng Muslim na pulis sa pamamaril na nagkaroon na ng ibang insidente ng diskriminasyon bago pa ito mangyari. “Given the recurring unfortunate incidents prejudicial to the Muslim community and their basic necessity for…
Read MoreReaksyon ng solon sa mungkahi ng DTI BBM PURO PANGAKO KAYA PINOY, ‘KAMOTE DIET’
(BERNARD TAGUINOD) PINATUTSADAHAN ng isang mambabatas sa Kamara si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil kung tinutupad lamang umano nito ang kanyang pangako ay hindi kailangan magdildil sa kamote ang mga Pinoy. Kasabay nito, kinastigo naman si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual sa panukala nitong baguhin ang diet ng mamamayan sa gitna ng pagtaas ng presyo ng bigas sa bansa. Sa kanyang pahayag sa isang forum, sinabi ni Pascual na “Yun nga nag-iisip tayo kasi it’s very traditional di ba, we are used to eating rice during…
Read MoreDepensa ng Malakanyang butata sa netizens BILYONG TRAVEL EXPENSES NI BBM PLEDGES LANG KAPALIT
NABUTATA ang depensa ng Malakanyang sa pagtaas ng travel expenses ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Tinawanan at kinantyawan lang ng netizens ang pahayag ng Palasyo na makabuluhan ang mga biyahe ng Pangulo. Ayon sa netizens, hindi sulit ang bilyon na gastos sa mga biyahe ng Pangulo dahil puro pledges o pangako lang ang nakukuha nito sa mga pinupuntahang bansa. “My goodness.. Meron na bang nauwi na investment Yan or pledge lang lahat.” Post ni birangzkie sa X (dating Twitter). “Madalas na batalyon ba naman sabit na bumibida pa sa fb…
Read MoreMayor Lani nakatanggap ng cheer sa mga estudyante EMBO STUDENTS, TEACHERS AT PARENTS NAKIISA SA TAGUIG BRIGADA ESKWELA
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) WALANG nakikitang problema ang mga school principal ng 14 Enlisted Men’s Barrio (EMBO) schools na ngayon ay nasa hurisdiksyon ng Taguig City sa pagbubukas ng 2023-2024 school year sa Agosto 29 kasunod ng maayos na paglulunsad ng Brigada Eskwela kung saan nakiisa ang mga estudyante, guro, mga magulang, alumni at iba pang external stakeholders. Ayon kina Makati Science High School Principal Dr. Felix Bunagan at West Rembo Elementary School Principal Alma Adona naging matagumpay ang paglulunsad ng Brigada Eskwela sa kanilang paaralan sa tulong na rin…
Read MoreDENR HUGAS-KAMAY SA MANILA BAY RECLAMATION
(BERNARD TAGUINOD) MISTULANG naghugas-kamay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa reclamation projects sa Manila Bay na itinuturong dahilan ng pagbaha sa Bulacan at Pampanga nang manalasa ang bagyong Egay na sinabayan ng Habagat. Sa pagdinig ng House committee on appropriations sa budget ng DENR, itinuro ni Secretary Antonia Loyzaga ang Philippine Reclamation Authority (PRA) na nagbigay ng go-signal sa mga reclamation project sa Manila Bay at hindi ang kanilang ahensya. Ayon kay Loyzaga, tanging ang papel umano ng DENR ay magbigay ng Environment Compliance Certificate (ECC) sa…
Read MorePAGDINIG NG KONGRESO KAY TEVES ILEGAL!
MATAPOS na mapaso ang ikalawang 60 days suspension ni Negros Oriental 3rd district Congressman Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. ay dumulog ang kanyang legal team sa mababang kapulungan ng Kongreso upang ipatigil ang ginagawa nitong proceedings. Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, dapat nang itigil ang pagdinig ng committee on ethics and privileges laban kay Teves dahil batay aniya sa kanilang rule, kapag ang kasong kanilang iniimbestigahan ay nakabinbin na sa korte o kaya ay sa investigative body ay dapat nang igalang ito at ipaubaya sa anomang magiging desisyon ng korte sa…
Read MorePAG-IMPRENTA NG DOTr NG LISENSYA PINIGIL NG KORTE
NAGLABAS ang Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa Banner Plasticard, Inc., na siyang nag-iimprenta ng mga driver’s license ng Land Transportation Office (LTO). Ito ay makaraang maghain ng reklamo ang Allcard Inc., sa pangunguna ng bise nito na si Carlo Enrico sa QCRTC laban sa Banner Plasticard, Inc., na kinontrata ng Department of Transportation (DOTr) na pinamumunuan ni Secretary Jaime Bautista upang mag-imprenta ng mga driver’s license. Batay sa desisyon ni QCRTC Branch 215, Judge Rafael G. Hipolito, kinatigan nito ang petisyon ng…
Read MoreBABALA SA RICE HOARDERS INULIT NI MARCOS JR.
NAGBABALA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hahabulin ng pamahalaan ang mga rice hoarders at price manipulators na sinasamantala ang lean months bago pa ang harvest season sa gitna ng napaulat na pagtaas sa presyo ng bigas sa mga pamilihan. Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na binigyang diin ni Pangulong Marcos na may sapat na suplay ng bigas dahil na rin sa pagtutulungan ng administrasyon at pribadong sektor para bigyang katwiran ang presyo at availability ng ‘affordable rice’ sa mga pamilihan at Kadiwa stores. “Rice supply is sufficient.…
Read More