UTANG NG PILIPINAS SUMAMPA SA P14.5-T

NAKAPAGTALA ng bagong mataas na record ang “sovereign debt stock”, “as of end-June” habang lumakas ang pangungutang ng gobyerno para tustusan ang financing requirement nito. Makikita ito sa pinakabagong data mula sa Bureau of the Treasury (BTr). Pumalo sa P14.15 trillion ang total outstanding debt ng bansa, tumaas ng 0.4% mula sa P14.10 trillion “as of end-May.” “The month-on-month increase was attributed “primarily due to the net issuance of domestic securities,” ayon sa Treasury. Sa kabuuang debt balance, 68.6% ay nagmula locally habang ang natitira naman na 31.4% ay mula…

Read More

CARDEMA DAPAT MANAGOT SA P36-M EXPENSES – SOLON

PINITIK ng isang mambabatas si National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema matapos itong sitahin ng Commission on Audit (COA) hinggil sa P36 million travel and training expenses ng kanyang tanggapan. Ayon kay Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel, kailangang mapanagot si Cardema sa kuwestiyonableng paggastos sa pondo ng NYC dahil paulit-ulit umano itong ginagawa. “Hindi ito ang unang beses na nadawit ang NYC sa anomalya. Noong 2021, may pondo sila na ginamit para sa aktibidad ng NTF-ELCAC imbes na para sa training ng mga SK official,” ayon sa mambabatas. Base…

Read More

EXCISE TAX PINABABASURA KAY MARCOS

HUMIRIT ang isang dating mambabatas kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na iutos sa Kongreso na tanggalin ang excise tax sa mga produktong petrolyo na isa sa mga dahilan ng mataas na presyo nito. Bukod dito, sinabi ni dating Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite na amyemdahan ang Oil Deregulation Law at atasan ang Department of Energy (DOE) na idetalye ng mga kumpanya ng langis kung magkano ang kanilang kita sa bawat litro ng mga produktong petrolyo. “We call on the Department of Energy to closely scrutinize oil companies and…

Read More

Public inquiry sa 2022 elex inilutang BIGGEST SCAM SA ELECTORAL HISTORY – EX-DICT OIC RIO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) LUMALAKAS ang suporta sa tinaguriang TNTrio o Truth and Transparency Trio na kinabibilangan nina dating DICT Usec. Eliseo Rio Jr., dating NAMFREL Chairman Gus Lagman, at Franklin Ysaac, dating pangulo ng Financial Executives Institute of the Philippines na humihingi ng paliwanag kaugnay sa halalan noong 2022. Sa social media, may mga nagsasabing dapat makiisa na ang sambayanan upang mabigyang linaw ang mga katanungan ng grupo partikular sa napakabilis na transmission ng resulta ng halalan. Post ng mamamahayag na si Tony Velasquez, “I’ve been seeing several veteran…

Read More

BBM DEDMA SA OIL PRICE HIKES

MISTULANG dedma si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa magkakasunod na big time oil price hike na inaasahan magpapalala pa sa presyo ng mga pangunahing pagkain sa bansa dahil isinabay ito sa pananalasa ng bagyong Egay sa mga taniman sa Northern Luzon. Pinuna ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang aniya’y nakabibinging katahimikan ni Marcos sa panibagong oil price hike na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis nitong Martes, kung saan umaabot sa P3.50 ang itinaas ng bawat litro ng diesel. “The silence of the Marcos Jr. administration on the…

Read More

Kahirapan dama ng mga Pinoy LAGAY NG PINAS NAKABABAHALA

(DANG SAMSON-GARCIA) LUBHA nang nakababahala ang tunay na estado ng bansa lalo na’t damang-dama ng mga Pilipino ang hirap ng buhay dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, serbisyo at iba pa. Ito ang pahayag ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa kanyang kontra SONA kung saan tinalakay nito ang mga gastusin ng bawat Pilipino at ang lumalaking utang ng bansa. Sinabi ni Pimentel na hindi tamang sabihin na sa mga nakalipas na buwan ay nagkaroon pagbaba sa presyo dahil taliwas ito sa nangyayari sa kasalukuyan…

Read More

Sa pagpabor sa Malaysian firm DOTr SEC. BAUTISTA MAHAHARAP SA KASONG GRAFT

KINUWESTYON ng mga mangangalakal at stakeholder sa domestic logistics industry ang pag-endorso ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa Container Ledger Account (CLA) na pag-aari ng Malaysian firm, bilang bahagi ng mga container deposit na kinokolekta ng shipping lines. Dahil dito ay maaari umanong maharap sa kasong graft si Bautista dahil sa pag-endorso ng container monitoring system na pag-aari ng ibang bansa nang hindi sumasailalim sa karaniwang proseso ng bidding at maging sa Regulatory Impact Assessment mula sa Anti-Red Tape Authority. Ayon sa source sa kalakalan at logistic,…

Read More

TRABAHO PARA SA MGA PILIPINO SISIKAPIN NI NOGRALES

ISA sa mga layunin at sinisikap ni Rizal, 4th District Congressman Fidel Nograles ang pagkakaroon ng trabaho o pagkakakitaan ng mga Pilipino. Isa ito sa mga layunin sa pagbisita nila kamakailan ni dating Pangulo at Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa Zagreb, Croatia. Naka-ugnayan nila ang mga pinuno, kalihim, at mambabatas ng Croatia para mapalakas ang pagtutulungan ng nasabing bansa at Pilipinas partikular sa pagbuo ng mas maraming trabaho at hanapbuhay na mapakikinabangan ng mamamayang Pilipino. Ayon kay Nograles, maraming benepisyo ang nakuha mula sa nasabing pagbisita at malaking bahagi…

Read More

Rice importation binasbasan ni BBM SMUGGLERS BUHAY NA NAMAN

BUHAY na naman ang negosyo ng mga smuggler matapos ianunsyo mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kailangang umangkat ng bigas ang Pilipinas bago tumama ang El Niño. Para sa netizens, tila nakahanap ng dahilan ang administrasyon para muling paboran ang paborito nilang kumpanya. Dahil sa pagkahilig sa importasyon ni Marcos ay hindi rin umano malabong sumunod sa bigas ang muling pag-angkat ng asukal, sibuyas at iba pang produkto. Nauna rito, sinabi ni Marcos na pinag-aaralan niyang pumasok sa isang rice importation deal sa India sa pangamba na magkaroon ng…

Read More