PINAGHINAY-HINAY ng isang mambabatas sa Kamara ang gobyerno sa mungkahi ng China na magsagawa ng joint military exercise dahil wala ditong nakikitang pakinabang ang Pilipinas. Bukod dito, sinabi ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, hangga’t hindi nagpapakita ng paggalang ang China ay hindi dapat magkaroon ng joint military exercise ang dalawang bansa lalo na’t isasagawa ito sa West Philippine Sea (WPS). “China’s proposal for joint military exercises with the Philippines, as it would only serve the interests of China’s expansionist agenda,” babala ni Brosas. Nagbabala ang kongresista na maikokompromiso ang…
Read MoreCategory: NASYUNAL
PENDING ANTI-GRAFT MEASURES, DAPAT ISAMA NA SA PAGBALANGKAS NG BAGONG PROCUREMENT LAW
IPINASASAMA ni Senador Francis Tolentino sa ipinapanukalang procurement law ang mga nakapending na anti-graft measures. Sinabi ni Tolentino na maraming nakahaing panukala ang dapat maging bahagi ng mga probisyon ng bagong Government Procurement Code. Siya pa lamang anya ay mayroon nang anim na panukala na maaaring iconsolidate para sa bagong bersyon ng Republic Act No. 1984 o Procurement Act. Kasama na rito ang Senate Bill No. 1802 na nag-aabolish sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM), gayundin ang Senate Bill No. 1803 na nagsasaad na dapat rehistrado…
Read MoreIBINIDA NI BBM SA SONA WASAK SA BAGYONG EGAY
WINASAK ng Super Bagyong Egay ang ibinida ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) na naibaba nito ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ginawa ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang pahayag matapos magbabala ang mga ito na inaasahang tataas ang presyo ng bigas, gulay, poultry products at iba pang uri ng pagkain dahil sa epekto ng bagyo, hindi lamang sa Central at Northern Luzon kundi sa iba’t ibang dako ng bansa. “Mabilis na makakalimutan…
Read MoreNFA RICE PARA SA KALAMIDAD IBINEBENTA NI BBM SA KADIWA
(BERNARD TAGUINOD) ISINIWALAT ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na mula sa buffer stock ng National Food Authority (NFA) ang bigas na ibinebenta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga Kadiwa center sa halagang P25 kada kilo. Sa kanyang contra-SONA o State of the Nation Address, sinabi ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel na paglabag ito sa batas dahil ang buffer stock ng NFA ay dapat gamitin sa panahon ng kalamidad upang may makain ang mga apektadong tao. “Ang bigas na binebenta ng 25 pesos per kilo…
Read MoreMABILIS NA AKSYON NG MERALCO DAPAT TULARAN NG IBANG ELECTRIC COOP
(RUDY SIM) HINDI bababa sa sampung bagyo ang nanalasa sa Pilipinas kada taon. Kalimitan, nagdudulot ito ng pagbaha sa mabababang lugar o kaya naman pagkasira ng imprastraktura depende kung gaano kalakas ang sama ng panahon. Dahil nga hindi naman bago na sa ating bansa ang pananalasa ng bagyo, hindi tuloy napigilan ni Senador Imee Marcos na maglabas ng sama ng loob sa tila kahinaan ng aksyon ng Ilocos Norte Electric Cooperative o INECO na siyang nagseserbisyo sa probinsya ng Ilocos Norte. Kabilang kasi ang Ilocos Norte sa matinding tinamaan ng…
Read MorePAUL SORIANO LIGWAK SA DOT SCANDAL
USAP-USAPAN sa social media ang paghahain ng indefinite leave ni Paul Soriano bilang Presidential Adviser for Creative Communications. Naniniwala ang marami na pasakalye na ito sa tuluyang pamamaalam ng direktor sa kanyang posisyon matapos ang eskandalo sa tourism campaign video ng Department of Tourism (DOT). Magugunitang, Hunyo 27 ay inilunsad ng DOT ang bagong tourism slogan ng Pilipinas na kapalit ng “It’s More Fun in the Philippines.” Sa unang pahayag, sinabi ni DOT Secretary Christina Frasco, P49 milyon ay ginamit para sa paglikha ng logo, pagsasagawa ng global, regional, at…
Read MoreKORUPSYON, DROGA PROBLEMA PA RIN SA BILIBID
(BERNARD TAGUINOD) NANANATILING malaking problema ang droga at katiwalian sa National Bilibid Prison (NBP). Ito ang pahayag ni ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo na nagpatawag ng imbestigasyon hinggil sa pagkawala ng isang inmate sa maximum security compound ng NBP. “The killings inside the New Bilibid Prison continue with impunity despite the recent change of leadership at the Bureau of Corrections. Corruption, drugs, and other illegal activities are a daily occurrence in the four walls of the national penitentiary,” ani Tulfo. Unang inulat ni Tulfo sa kanyang radio program ang pagkawala…
Read MoreEXORCIST PRIEST KINASUHAN NG PERJURY NG EX-COMELEC CHIEF
NAGHAIN ng kasong perjury si dating Commission on Elections (Comelec) Chairperson Harriet Demetriou sa Makati City Prosecutor’s Office laban kay exorcist priest Fr. Winston Cabading na nag-ugat sa hiwalay na reklamo dulot ng umano’y pangungutya ng pari sa Lipa apparitions. Batay sa 15-pahinang reklamo, binigyang diin ni Demetriou na nagsinungaling si Cabading sa kanyang sinumpaang petition for review sa Department of Justice (DOJ) na may petsang May 27,2023 at inihain noong May 29,2023 hinggil sa umiiral na 1951 Papal Decree na nagdeklara sa 1948 Lipa Marian Apparitions bilang “supernatural character.”…
Read MoreInupakan ng netizens MERYENDA NI SANDRO MAY CATERING, BANDA
INUPAKAN ng mga netizen ang panganay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na si Ilocos Norte 1st congressional district Representative Ferdinand Alexander “Sandro” kaugnay sa idinaos nilang SONA after-party. Sa isang panayam kasi, sinabi ni Rep. Marcos na hindi sila magdaraos ng after-party matapos ang Pag-uulat sa Bayan ng amang si Pangulong BBM. Sa halip, meryenda lang aniya ang plano nila. Ngunit kumalat sa social media ang mga larawan ng event kung saan nakita na may banda at catering. Komento ng mga netizen, yayamanin talaga si Sandro dahil ang meryenda nya…
Read More