TILA nakakalimutan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pangako nito na ibaba sa P20 ang presyo ng kada kilo ng bigas sa bansa kaya nagkukusa na ang rice industry players na magbenta ng mas mura bagama’t mas mataas ito sa pangako ng Pangulo noong nakaraang eleksyon. Opinyon ito ng Amihan National Federation of Peasant Women at Bantay Bigas kaugnay ng ibinebentang bigas na nagkakahalaga ng P38 kada kilo sa mga palengke sa bansa na inisyatiba umano ng Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM) at hindi ni Marcos. “Responsibilidad…
Read MoreCategory: NASYUNAL
LIBONG TRABAHO ASAHAN SA SCR PROJECT
AABOT sa 3,000 job opportunity ang aasahan sa pagsisimula ng South Commuter Railway Project (SCRP) sa North-South Commuter Railway (NSCR) System. Sa talumpati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isinagawang contract signing ng SCRP ng NSCR System for the Contract Packages S-01, S-03A at S-03C sa Palasyo ng Malakanyang noong Huwebes, sinabi nito na ang railway project ay “realization of a more efficient and inclusive public transportation system.” “Now, as we hold the signing of Contract Packages S-01, S-03A, and S-03C, we continue to show the commitment to realizing…
Read MorePINAS INVESTMENT HUB PA RIN SA EU COMPANIES
MULING nagpahayag ng kanilang kumpiyansa sa Pilipinas bilang investment hub sa Southeast Asia ang ilang European companies. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual na ang European companies ay positibo nang talakayin niya ang iba’t ibang business opportunities sa bansa sa isinagawang three-week European investment roadshow. Sa ulat, binisita ni Pascual ang France, United Kingdom, Belgium, Netherlands at Germany para sa three-week European investment roadshow ng DTI. “I kept on emphasizing, you want our labor, you might as well set up…
Read MoreTOTAL GUN BAN SA 3 REHIYON SA IKA-2 SONA NI MARCOS JR.
PAIIRALIN ng Philippine National Police (PNP) ang total gun ban sa tatlong rehiyon sa bansa kaugnay sa gaganaping ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa Hulyo 24. Ayon kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda, aabot sa 23,000 pulis ang kanilang idedeploy sa paligid ng Batasan Complex at sa mga estratehikong lugar at places of convergence. Sinabi naman ni PNP Directorate for Operations Chief Police MGen. Leo Francisco, partikular na paiiralin ang gun ban sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon. Ipatutupad ito ng…
Read MoreSa paglipad ng US fighter planes KALMA LANG – AFP
WALANG dapat ikabahala ang sambayanan Pilipino maging ang ibang bansa sa mga nakikitang United States fighter planes na lumilipad sa iba’t ibang lugar sa bansa. Paglilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang pagdami ng presensya ng mga eroplano ng Amerika sa Pilipinas ay may kaugnayan sa mga idinaraos na bilateral exercises ng dalawang bansa. Una nang kinuwestiyon ni Sen. Imee Marcos ang namataang military planes ng US Air Force sa Maynila at Palawan. Ayon kay PAF spokesperson Colonel Maria Consuelo Castillo, ang mga aircraft na ito ay bahagi…
Read MoreBIDDING SA BAGONG PAGCOR LOGO SISILIPIN SA SENADOpagcor logoBIDDING SA BAGONG PAGCOR LOGO SISILIPIN SA SENADO
(DANG SAMSON GARCIA) BALAK ni Senate committee on public services chairperson Grace Poe na kwestyunin ang naging proseso ng Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) sa bidding sa paggawa ng bagong logo ng ahensya. Ayon kay Poe, dapat matiyak na may proper bidding sa proyekto kasabay ng paniniguro na nakatatanggap naman ng tamang kompensasyon ang mga creatives tulad ng artists. Binigyang-diin ng senador na bagama’t dumedepende sa trabaho ng mga tauhan ng creatives ang dapat na ibayad sa kanila, dapat din anyang tiyakin na maayos na nagagastos ang pondo ng gobyerno.…
Read MoreIBA’T IBANG BANSA NABABAHALA NA SA SITWASYON SA SCS
NAGPAHAYAG na rin ng pagkabahala ang bansang France at Italy sa sitwasyon sa South China Sea at sa agresibong pagkilos ng China sa mga pinag-aagawang teritoryo. Matapos magpahayag ng pagkabahala ang Japanese Embassy sa Maynila hinggil sa “dangerous behavior” ng China sa South China Sea (SCS), naglabas ng katulad na damdamin ang France Embassy. “Kasunod ng mga insidente kamakailan sa South China Sea, ipinapahayag namin ang aming pagmamalasakit at nananawagan kami ng paggalang sa internasyunal na batas at ang paglutas ng mga hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng diyalogo,” pahayag ng…
Read MoreINCLUSIVE EDUCATION ISUSULONG NG CHED
ITINUTULAK ng Commission on Higher Education (CHED) ang inclusive education sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa press briefing sa Malakanyang, tinanong si CHED chairperson Prospero de Vera III kung anong programa ng komisyon ang nais nitong isulong at suportahan ng Pangulo. Ang pangangailangan na magkaroon ng ‘equity’ pagdating sa admission process ng educational system ng bansa ang naging tugon nito. “It is time that we focus on equity – meaning a conscious effort to identify the groups that we need to bring to university education that…
Read MoreTURISMO MAKIKINABANG SA SOKOR PRESIDENT VISIT
INAASAHAN na lalong dadami ang bilang ng mga South Korean na mamamasyal sa Pilipinas sa nakatakdang pagbisita ng kanilang presidente sa bansa. Ayon kay House committee on tourism vice chairman at Quezon City Rep. Marvin Rillo, makatutulong sa turismo ang pagbisita ni South Korean President Yoon Suk Yeol sa Pilipinas. “South Korea has been the Philippines’ No. 1 supplier of foreign visitors for years, and we are counting on Mr. Yoon’s visit to encourage even more Koreans to spend their vacations here,” ani Rillo. Sinabi ng mambabatas na mula Enero…
Read More