PINANGANGAPA ng National Irrigation Administration (NIA) ang mga magsasaka dahil kahit ramdam na ang El Niño phenomenon ay wala pa ring inilalatag na ‘plan of action’ ang ahensya para maibsan ang epekto ng kakulangan sa tubig sa mga bukirin sa bansa. Ito ang nabatid mula kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman Danilo Ramos, kaya kinalampag nito ang liderato ng NIA na pinamumunuan ni Administrator Eduardo Eddie G. Guillen, dating mayor ng Piddig, Ilocos Norte, at kababayan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “We want to know NIA’s concrete plans…
Read MoreCategory: NASYUNAL
SECOND BATCH NG BILL DEPOSIT REFUND NG MORE IKINASA
NAGPATUPAD ng ikalawang yugto ng Bill Deposit Refund para sa kanilang “eligible consumer” ang More Electric and Power Corporation (More Power), ang electricity provider sa Iloilo City. Ang kusang pagsasauli ng Bill Deposit ay sariling inisyatibo ng More Power bilang pagpapakita ng pagpapahalaga sa kanilang consumers na hindi pumalya at nagbabayad ng kanilang electric bill sa tamang oras sa loob ng 36 buwan o 3 taon. Kwento ni Violeta Tiangson, residente ng Rizal Pala-Pala Zone 1, malaking tulong ang natanggap niyang refund dahil magagamit ito sa gastusin para sa kanyang…
Read MorePPA SINITA SA PAGBILI NG MAMAHALING CP, GADGETS
IMBES maghigpit ng sinturon dahil baon sa utang ang bansa, naging maluho pa ang Philippine Ports Authority (PPA) dahil sa pagbili ng ng high-end cellphones, furnitures, office equipment na isiningit sa kanilang dredging projects. Dahil dito, sinita ng Commission on Audit (COA) ang PPA sa kanilang audit report para sa taong 2021-2022 dahil lumobo ang halaga ng mga kontratang pinasok ng ahensya tulad ng dredging projects sa nakaraang dalawang taon. Bukod sa mga nabanggit, bumili rin ang PPA ng desktop computers, laptops, tablets, printers, scanners, projectors, hard drives, cameras, speakers,…
Read MoreMARCOS INAAWAT SA PANGUNGUTANG
(BERNARD TAGUINOD) HINDI na dapat dagdagan pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang utang ng Pilipinas. Ayon ito sa isang mambabatas sa Kamara kasabay ng hamon kay Marcos Jr., na imbestigahan at panagutin si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakabaon ng Pilipinas sa utang na umaabot na sa P14.1 trillion. Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, kahit ang mga hindi pa ipinapanganak na Pilipino ay may utang nang umaabot sa P120,000. “The Marcos administration has the duty to investigate Pres. Duterte’s borrowings because it caused the Philippine debt to…
Read MoreFRASCO BINUKING SA PAGSISINUNGALING
PINUPUTAKTI pa rin ng mga negatibong komento sa social media si Tourism Secretary Christina Frasco kaugnay sa pumalpak nitong tourism branding campaign. Tinawag din nilang sinungaling si Frasco dahil malinaw anilang may nagamit nang pera ng bayan sa nasabing kampanya taliwas sa ipinangangalandakan nitong hindi pa bayad ang kausap na ad agency. Dismayado ang mga kritiko dahil malinaw anilang nagkaroon ng kapabayaan at kapalpakan ang ahensya ni Frasco at dapat itong managot gayundin ang iba pang mga indibidwal na isinasangkot sa kontrobersya. Tinatayang nasa P49 milyon ang ginastos ng Department…
Read MoreMaharlika ‘di kinagat ng 51% Pinoy DIOKNO BUTATA NA HUMIHIRIT PA
SA kabila ng matabang na pagtanggap sa Maharlika Fund ng halos kalahati sa mamamayang Pinoy, walang planong isuko ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang pagsusulong nito. Katunayan, handa umano siyang malagay sa “hot seat” para ipaliwanag sa publiko ang panukalang sovereign wealth fund. Base kasi sa resulta ng pinakabagong survey ng Social Weather Station (SWS) na inilabas noong nakaraang Huwebes, karamihan sa mga Pilipino ang nagsabing maliit o halos wala silang inaasahang benepisyo mula sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF). Naitala sa resulta ng survey na 51% ng mga Pilipino…
Read MoreKaya tuloy pambabarako ng China PINAS IPINAGKANULO NG JMSU NI ARROYO
NAGING agresibo ang China sa West Philippine Sea (WPS) matapos matuklasan ng mga ito ang nakaimbak na langis dahil sa Joint Marine Seismic Undertaking (JMSU) na ipinasok ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa nasabing bansa. Ito ang isiniwalat ni dating Congressman Neri Colmenares. Aniya, ito ang dahilan kaya patuloy ang pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard (PCG), hindi lamang sa Ayungin shoal kundi sa lahat ng reefs na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas. “The aggressiveness of China in the WPS only resulted when they pinpointed the…
Read More‘Inaanak’ iwas-pusoy sa imbestigasyon MARCOS, ROMUALDEZ, ZUBIRI NGANGA KAY PAUL
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NANANATILING tikom ang bibig ni Presidential creative communication adviser Paul Soriano hinggil sa kahihiyang idinulot ng sablay na tourism branding campaign. Wala ring nagsasalita magmula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ninong sa kasal ni Soriano, hanggang kina Senate President Miguel Zubiri at House Speaker Martin Romualdez. Bagaman sa mababang kapulungan ng Kongreso ay umaksyon na ang mga militanteng mambabatas na nais ipasiyasat ang anila’y “Frasco Fiasco” sa Department of Tourism (DOT). Nagpatawag ang mga ito ng imbestigasyon upang alamin ang naging papel ng isang personalidad…
Read More“FRASCO FIASCO” SISILIPIN SA KAMARA
HINDI mapalalampas ng mga militanteng mambabatas ang anila’y “Frasco Fiasco” sa Department of Tourism (DOT) kaya nagpatawag ang mga ito ng imbestigasyon upang alamin ang naging papel ng isang personalidad sa sablay na slogan at promotional campaign ng ahensya. Sa inihahandang resolusyon ng Makabayan bloc, inaatasan ng mga ito ang House committee on tourism at committee on good government and public accountability na magsagawa ng joint investigation lalo na’t hindi lamang ang kinabukasan ng turismo sa bansa ang nalagay sa alanganin kundi pera ng bayan ang ginastos dito. “It is…
Read More