MAGNOBYO ARESTADO SA P1-M FAKE CELLPHONES

LAGLAG sa bitag ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group ang magnobyo na magkapartner sa pagbebenta ng mga pekeng cellphone. Ayon sa PNP-CIDG, pasado alas-11 ng umaga nitong Sabado, ikinasa ang entrapment operation laban sa dalawa na nagresulta sa pagkakasamsam sa tinatayang isang milyon pisong halaga ng pekeng cellular phones. Nabatid na naaktuhan ang dalawang suspek na bitbit ang 31 piraso ng pekeng cellphones na tinatayang P955,650 ang halaga. Pagkaraan ay itinuro ng mga suspek kung saan nakalagay ang cellphone accessories na ibinebenta rin nila sa area. Ayon sa…

Read More

GINANG TIMBOG SA ONLINE SELLING NG ABORTION PILLS

ARESTADO ang isang ginang makaraang umano’y magbenta ng abortion pills sa ikinasang entrapment operation ng mga ahente ng National Bureau of Investigation makaraang inguso ng isang delivery rider ang operasyon ng suspek sa Maynila. Nadakip ng mga tauhan ng NBI Dangerous Drugs Division sa Maynila ang suspek sa inilatag na entrapment operation noong Hulyo 14. Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nadakip ang suspek makaraang makipagtransaksyon ang isa nilang tauhan sa online selling nito ng “Do It Yourself” abortion kit. Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Food and…

Read More

NAGBENTA NG MOTOR, BUKING SA KIDNAPPING

INARESTO ng mga tauhan ng Plaza Miranda Sector 1 ng Sta. Cruz Police Station 3 ng Manila Police District, ang isang lalaki makaraang mabuking ang kaso nitong kidnapping for ransom, nang magwala ang suspek matapos tanggihan ng buyer ang ibinibenta nitong motorsiklo dahil sa sirang susian sa Sta. Cruz, Manila. Kinilala ang suspek na si alyas “Ian”, 28-anyos, tubong Bacolod City, walang permanenteng address, at may kasong kidnapping for ransom sa La Trinidad, Benguet. Ayon sa ulat ni Police Major John Peter Fallar, ng Plaza Miranda Sector 1 ng Station…

Read More

P50 DAILY WAGE INCREASE EPEKTIBO NA

EPEKTIBO na mula nitong Hulyo 18 ang P50 daily wage increase sa Metro Manila, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE). Sa Facebook post nitong Biyernes, sinabi ng DOLE na ang daily wage para sa minimum wage earners sa non-agriculture sector sa Metro Manila ay nadagdagan mula P645, ngayon ay P695 na. Samantala, ang daily salary para sa mga manggagawa sa agriculture, retail/service establishments na may 15 manggagawa o mas kakaunti, ay madaragdagan naman mula P608 ay magiging P658. Gayundin sa manufacturing establishments na may regular na empleyado na…

Read More

P21.5-M JACKPOT SA 6/45 NASOLO NG TAGA-LAGUNA

INSTANT milyonaryo ang isang mananaya ng MegaLotto 6/45 mula sa lalawigan ng Laguna makaraang masolo nito ang jackpot prize. Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Melquiades “Mel” Robles, nahulaan ng lone bettor ang winning combination na 44-30-12-24-06-35 na may jackpot prize na P21,538,656.00. Nabili ang maswerteng tiket mula sa isang outlet sa San Pedro, Laguna. Nasa 23 indibidwal naman ang makapag-uuwi ng tig-P32,000.00 makaraang makakuha ng limang kombinasyon. Samantala, upang makubra ang jackpot prize, kinakailangan dalhin ang winning ticket sa punong-tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at…

Read More

KOMPENSASYON SA MGA BIKTIMA NG MALING PAGKAKAKULONG, PINADARAGDAGAN

PINATATAASAN ni Senador Erwin Tulfo ang ibibigay na kompensasyon para sa mga biktima ng maling pagkakakulong at pagkaka-detain sa bansa. Ito ay sa ilalim ng panukalang inihain ni Tulfo kung saan nais niyang itaas sa P10,000 kada buwan mula sa P1,000 ang ibibigay ng Board of Claims ng Department of Justice (DOJ) sa mga biktima ng maling pagkakakulong. Itataas din ang maximum compensation sa P50,000 o katumbas ng nagastos sa pagpapagamot at pagkawala ng kita ng biktima, alinman ang mas mataas. Ayon kay Tulfo, walang anumang halaga ang makakabawi sa…

Read More

HUSTISYA MALAPIT NANG MAKAMIT SA PINASLANG NA HOUSE OFFICIAL

“JUSTICE for Director Pulhin is finally within reach—and we will see it through”. Ito ang panayag ni Leyte Rep. Martin Romualdez kahapon matapos masakote ng National Capital Region Police Office ang suspek sa pagpatay sa Technical Staff Chief ng House Committee on Ways and Means na si Director Mauricio “Morie” Pulhin. Base sa natanggap na report ni Romualdez sa NCRPO, nadakip sa isang entrapment operation ng Quezon City Police District (QCPD) ang hindi pinangalanang suspek sa pagpatay kay Pulhin, na nahulihan ng baril, granada at iba’t ibang uri ng ID.…

Read More

P304-M DROGA NASABAT NG PDEA, BOC SA 1 ARAW

IPINAGMALAKI ng Bureau of Customs (BOC) na umabot sa P304 milyong halaga ng ilegal na droga na kanilang nasabat, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob lamang ng isang araw na anti- narcotics operation. Ayon sa ulat na ibinahagi ng tanggapan ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, may 44 kilo ng hinihinalang shabu na may street value na aabot sa P304 milyon, ang nasabat sa magkahiwalay na interdiction operation sa NAIA Terminal 3 noong Martes. Pinangunahan ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) at PDEA ang nasabing operasyon…

Read More

FLOOD GATE BINUKSAN SA MAYNILA

BINUKSAN ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at lokal na pamahalaan ng Maynila ang flood gate malapit sa bahagi ng Manila Yacht Club na palabas ng Manila Bay maaaring makatulong sa problema sa baha sa lungsod. Pinangunahan ito ni MMDA Chairman Ron Artes at Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso upang makita gamit ang isang crane. Sinabi ni Domagoso, na ang pagbubukas ng flood gate ay upang maibsan ang matinding baha sa lugar ng Malate,Ermita, San Andres at Paco. Kabilang din sa mga kalye na makikinabang sa maayos na pagdaloy ng tubig…

Read More