BULACAN – Dalawang kaso ng Mpox ang kumpirmadong naitala sa Lungsod ng San Jose Del Monte, na sa kasalukuyan ay fully recovered na, ayon sa City Health Office. Ito ang kinumpirma ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan kung saan ang nabanggit na mga kaso ay naitalang nakakuha ng Clade II strain o ang hindi gaanong malubhang uri ng nasabing virus. Ayon sa health authorities, walang kaugnayan sa isa’t isa ang dalawang kaso at ang lahat ng nakilalang close contacts ay nanatiling walang sintomas at nakatapos na ng isolation protocols bilang pag-iingat.…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
SUSPEK NA PUMATAY SA NAGLALARO NG BINGO, ARESTADO
BATANGAS – Nadakip ng mga awtoridad ang suspek na rumatrat at tomodas sa isang lalaking naglalaro ng bingo sa Talisay, Batangas, matapos itong matukoy sa pamamagitan ng CCTV footage. Batay sa imbestigasyon ng Talisay Police, inupahan umano ang suspek upang paslangin ang biktimang si “Gerald”, 36-taong gulang. Nahaharap ang suspek sa kasong murder ngunit itinanggi niya ang paratang. Samantala, kinumpirma ng pamilya ng biktima ang pagkakakilanlan ng suspek at nanawagan dito na isiwalat ang utak sa likod ng krimen. Ayon sa Talisay Police, kalalabas lang ng suspek matapos itong magpiyansa…
Read MoreBAGONG REGIONAL DIRECTOR NG CALABARZON ITINALAGA
ITINALAGA bilang bagong Regional Director ng PRO 4-A si PB Gen. Jack Wanky na pinalitan si Outgoing RD PB Gen. Paul Kenneth T. Lucas. Isinagawa ang seremonya sa Camp Vicente Lim, Calamba, Laguna na pinangunahan ni PB Gen. Melencio Nartatez Jr., ang turnover command ceremony, bilang Presiding Officer. Ayon na kay Incoming RD Wanky, tutukan niya na maipatupad ang quick response program ng PNP chief upang makuha ang tiwala ng mamamayan. Rerebyuhin din niya ang mga estratehiya kung bakit naging Top Performing Regional Office ang CALABAZON sa implementasyon sa anti-criminality…
Read MoreTOP RANKING COMMUNIST TERRORIST LEADER, 2 PA PATAY SA SAGUPAAN
ISANG top-ranking communist terrorist leader at dalawang tauhan nito ang napaslang nang makasagupa ang tropa ng 93rd Infantry “Bantay Kapayapaan” Battalion ng Philippine Army nitong Miyerkoles ng umaga sa liblib na bahagi ng Barangay Cogon, Carigara, Leyte. Ayon kay Brigadier General Noel Vestuir, commander ng Army 802nd Infantry (Peerless) Brigade, habang nagsasagawa ng tactical patrol operation ang kanilang mga tauhan ay nasabat nila ang grupo ng mga teroristang NPA sa ilalim ng Squad 2, Island Committee (IC) LEVOX ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC). Isa sa mga napatay ay…
Read MoreBOMBA NAHUKAY SA NATIONAL MUSEUM
ISANG hinihinalang vintage bomb ang nadiskubre habang naghuhukay ang mga construction worker sa National Museum of Anthropology sa Finance Road, Ermita, Manila nitong Miyerkoles ng umaga. Agad na iniulat ang insidente sa Ermita Police Station 4 ng Manila Police District na kinordon ang lugar habang mabilis namang nagresponde ang mga tauhan ng District Explosive Canine Unit ng MPD (DACU). Ayon sa ulat, bandang alas-10:23 ng umaga nang mahukay ng mga construction worker ang nasabing bomba ngunit ayon sa mga awtoridad, sa pangunguna ni Police Lieutenant Eduard Raguindin ng MPD-DACU, tanggal…
Read MoreP2-M SHABU NASABAT SA MARIKINA BUY-BUST
MAHIGIT P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Marikina City Police, sa isinagawang buy-bust operation noong Lunes dakong alas-10:40 ng gabi sa Marikina City. Kinilala ng bagong talagang chief of police ng Marikina CPS na si PCol. Geoffrey Fernandez, ang suspek na si alyas “Robin,” 32, residente ng San Mateo, Rizal at nakatala bilang high value individual (HVI) ng pulisya. Ayon kay Hernandez, ang suspek ay minsan nang naaresto sa kahalintulad na kaso noong Agosto 2022, at nakumpiskahan ng…
Read MoreMANILA CITY HALL EMPLOYEES, NGANGA?
NANGANGAMBA ang mga empleyado ng Manila City Hall na hindi sila makasweldo sa huling buwan sa pwesto ng natalong si Mayor Honey Lacuna. Sa kumakalat na usap-usapan sa city hall, umaabot sa P1.4 bilyon ang halagang kailangang pasahod sa mga kawani ng pamahalaang lungsod — na sa paglalarawan ay iniwang nakanganga sa pag-aalala na walang sasahurin. Dagdag ng sources, kapos at halos ubos na ang cash reserves ng city treasurer at posibleng kakapusin ang ipasasahod hanggang Disyembre ngayong taon. Ayon sa mga nagrereklamo, inuna pa ni Mayor Honey ang magbakasyon…
Read More140 KATAO SA QC POSITIBO SA HIV
INIHAYAG ng Quezon City government na umabot sa 149 katao ang na-diagnosed na may sakit na HIV sa Quezon City, dahil sa hindi maingat na pakikipagtalik. Sinabi ito ni Sarah N. Conclara, Special Surveillance Officer ng Quezon City Health Department. Sa ginanap na QCJI forum nitong Martes, sinabi ni Conclara, ang mga nagpositibo sa HIV ay nasa pagitan ng edad 15 hanggang 24-anyos at na-monitor ito sa buwan ng Enero hanggang Mayo 2025. “Aabot sa 149 ang na-diagnosed ng HIV sa QC,” ayon kay Conclara. Sinabi pa ni Conclara, isa…
Read More‘BIGATING’ PULIS BINIGYAN NG 1-YEAR PARA MAGING FIT
POSIBLENG masibak sa serbisyo ang mga pulis na overweight kapag hindi nito nakuha ang isang taon na palugit ni PNP chief General Nicolas Torre III, na magpapayat. Sinabi ni Torre na isa ito sa general qualifications upang maging miyembro ng PNP. Kinakailangang hindi ka lalagpas o kukulangin sa 5 kilong timbang depende sa iyong body weight, tangkad at edad. Sa ilalim ng PNP regulation, ang isang pulis ay bibigyan ng anim na buwan hanggang isang taon para maging normal ang timbang hanggang sa makuha ang kanyang standard weight. Paglilinaw ni…
Read More