BILANG isang dakilang alagad ng Sining at kabilang sa hanay ng National Artists, inihimlay kahapon ng tanghali si Ms. Nora Aunor sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City. Si Nora Cabaltera Villamayor sa totoong buhay, ay pinagkalooban ng Armed Forces of the Philippines ng full funeral honor bago siya tuluyang inilibing sa Libingan ng mga Bayani. Idineklara naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Abril 22, 2025, araw ng Martes, bilang Day of National Mourning para sa pagpanaw ng National Artist for Film and Broadcast Arts…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
REMOTE FILIPINO WORKERS PALALAKASIN NG AKO-OFW PL
ISUSULONG ng AKO-OFW Party-list ang batas para kilalanin ang bagong sektor ng manggagawang Pilipino na tatawaging “Remote Filipino Workers o RFWs. Sa kasalukuyan kasi ay dalawa lamang ang sektor ng OFW at kabilang dito ang land based at ang seabased. Sa pagkilala sa ikatlong sektor na RFWs ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga manggagawang Pilipino na kumita ng dolyar na hindi kinakailangan na lumabas ng bansa at lumayo sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng digital o remote works. Ayon kay 1st nominee at AKO-OFW Chairman Dr. Chie Umandap, sa pag-upo…
Read MoreMAYOR VILLACERAN BINIGYANG PAGKILALA NG MGA DATING KAESKWELA
BINIGYAN ng Plaque of Appreciation si Mayor Romeo Villaceran ng Madridejos, Cebu kasama ang kanyang first lady na si Violy sa 43rd reunion ng Madridejos Provincial High School (MPHS) Batch 82. Si Villaceran ay isa sa mga nagtapos sa nasabing paaralan at ikinararangal sa kanyang mga naiambag sa kanilang bayan kahit sa unang termino palang niya sa pamahalaang bayan. Kabilang sa kanyang mga proyekto ang pagpapagawa ng mga kalsada sa barangay, bagong munisipyo, ospital, pantalan, bantay dagat, college education at kalusugan. Gayundin ang tulong sa mga senior citizen. Pinangunahan ni…
Read MoreSTEEL MAGNATE NA SI ANSON QUE AT DRIVER PINATAY SA SAKAL NG NYLON CORD
PINATAY sa sakal gamit ang nylon cord, ito ang lumalabas sa autopsy report na inilabas ng Philippine National Police (PNP) na sanhi ng ikinamatay sa steel magnate na si Anson Que at driver nitong si Armanie Pabillo. Sa isinagawang press briefing kahapon ng hapon sa Kampo Crame, sinabi ni PRO 3 Director at PNP Spokesperson Police Brig Gen Jean Fajardo, na lumitaw sa isinagawang imbestigasyon na April 8 pa patay si Que at ang driver nito bago natagpuan ang kanilang bangkay sa Barangay Macabud sa Rodriguez, Rizal kinabukasan. Batay sa…
Read MoreU.S. NMSES mananatili sa Pilipinas FULL BATTLE TEST, TEMA NG PHL-US BALIKATAN 2025
OPISYAL nang pinasimulan kahapon ng United States at Philippine Armed Forces ang 40th iteration ng PHL-US Balikatan war exercises na magtatampok sa inilatag na “full-scale battle scenario” na layuning masupil ang anomang elevated threat na posibleng maganap mula sa South China Sea. Tinatayang nasa mahigit 14,000 sundalo ang sasabak ngayon sa taunang “Balikatan”, kung saan masasaksihan ang ang integrated air and missile defense simulation, kabilang ang makabagong US mobile anti-ship missile NMESIS. Ayon kay US Marine Corps Lieutenant General James Glynn, mananatili ang NMESIS sa Pilipinas para magamit pa sa…
Read MoreBotante dinadaan sa budots NETIZENS KAY BONG REVILLA: MAHIYA KA NAMAN!
KINASTIGO sa social media si Senator Bong Revilla dahil sa kanyang pagsayaw ng budots habang nangangampanya. Katunayan, viral pa rin ang video ni Revilla habang sumasayaw na ginawa niya noong nakaraang halalan. Patutsada ng mga netizen, masyadong hinahamak ni Revilla ang mga botante sa kanyang estilong pasayaw-sayaw. Komento ng isang netizen, bukod sa parte ng political dynasty si Revilla, dinadaan niya sa budots ang mga tao para makalimutan ang ipinapasoling pera ng Sandiganbayan. Sa isang panayam kamakailan, ipinagtanggol ni Revilla ang sarili mula sa mga batikos at kantyaw na puro…
Read MoreISKO SA SUPPORTERS: IWASANG MAKIPAG-AWAY
HUWAG kayong papatol at makikipag-away. Ito ang mahigpit na paalala ni Manila Mayoralty candidate Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa mga Manileño partikular ang kanyang mga tagasuporta. Sa tuloy-tuloy nilang pag-iikot at motorcade sa San Andres bukod sa ikalimang distrito ng lungsod nitong Lunes, pagkatapos ng Semana Santa, hindi inalintana ng mga residente ang sobrang init ng panahon habang inaabangan ang pagdaan ni Yorme. Kasama ang kanyang tandem at Vice Mayoralty candidate Chi Atienza at buong slate ng Yorme’s Choice, talaga namang ramdam na ramdam ang malaking suporta na ibinibigay ng…
Read More2 LALAKI TIMBOG SA GUN BAN
DALAWANG lalaki ang inaresto dahil sa kasong paglabag sa ipinatutupad na Comelec gun ban makaraang makumpiskahan ng baril habang gumagala sa Malabon City. Mahaharap ang mga suspek na sina alyas “Henry”, 51, at alyas “Mike”, 43, kapwa residente ng Brgy. Tonsuya, sa kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) in Relation to B.P. 881, (Omnibus Election Code) at RA 9516 (Illegal possession of explosive). Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Malabon City Police chief, P/Col. Jay Baybayan hinggil sa dalawang lalaki na…
Read MoreMAHIGIT P1-M SHABU NASABAT SA DRUG-BUST
NASABAT ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District – Station 3, ang mahigit P1 milyong halaga ng umano’y shabu makaraang madakip ang isang umano’y tulak ng ilegal na droga at dalawang kasabwat sa ikinasang drug buy-bust operation sa San Lazaro Street malapit sa Felix Huertas St., Sta, Cruz, Manila noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang nadakip na suspek na target sa operasyon na si alyas “Negro”, 37-anyos. Arestado rin ang umano’y mga kasabwat nito na sina alyas “Bolong”, 40, at alyas “Reymond”, 49-anyos. Ayon…
Read More