UMAKYAT na sa P10 milyon ang pabuya na alok ng Pambansang Pulisya sa makapagtuturo sa kinaroroonan ni Gong Wenli, alyas Kelly Tan Lim/ Bao Wenli/Axin/Huang Yanling.
Mula sa P5 milyon ay ginawang P10 milyon ang reward money para sa agarang pagkaaresto sa naturang Chinese na itinuturong may malaking partisipasyon sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que at drayber nito na si Armanie Pabillo.
Sinabi ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, na naniniwala ito na hindi pa nakalabas ng bansa si Kelly na huli umanong namataan sa isla ng Boracay.
Napag-alaman na may walong kasong kidnapping si alyas Kelly mula 2023 hanggang 2025 kasama ang isa pang mastermind sa kaso ng kidnapping with homicide na si David Tan Liao.
(TOTO NABAJA)
