ABSENTEE VOTING UMARANGKADA SA CAMP CRAME

UMARANGKADA nitong Lunes ang tatlong araw na local absentee voting ng mga pulis na ginanap sa General Headquarters ng Philippine National Police sa Camp Crame.

Mismong si PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, ang nanguna sa pagboto bandang alas-8:21 ng umaga at natapos ng alas-8:26 ng umaga.

Magsisimula ang local absentee voting ngayong Abril 28 hanggang Abril 30, 2025 mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Ayon sa PNP-Public Information Office, nasa 1,471 na mga personnel mula command group, directorial staff at national support unit ang nakatakdang bumoto para sa national positions, kabilang dito ang party-list representatives at senador.

(TOTO NABAJA)

95

Related posts

Leave a Comment