NANGUNGUNANG ABACA PRODUCER SA MUNDO BINISITA NI CAMILLE

MULING iginiit ng millennial senatorial candidate na si Camille Villar ang kanyang suporta sa lokal na industriya ng abaca sa kanyang pagbisita sa lalawigan ng Catanduanes, ang abaca capital ng Pilipinas, kamakailan.

“Congratulations po sa pagiging ‘world’s top producer of abaca’, at dahil dyan ay buhay na buhay ang inyong ekonomiya at kabuhayan,” ani Camille. “Talagang proud po tayo sa industriya na yan dito sa inyo dahil sa abaca ay tinatawag na ‘world’s strongest fiber’,” aniya pa.

Ang Pilipinas ay nananatiling nangungunang producer ng pinakamatibay na hibla sa mundo, na ginagamit din ng mga kilalang Filipino designer sa kanilang mga proyekto.

“Tuloy-tuloy nating palalakasin pa ang sektor ng agrikultura, ang lokal na kalakalan at ekonomiya para mas lumikha pa ng maraming trabaho at kabuhayan para sa ating mga kababayan,” ani Camille.

Binanggit din niya ang kahalagahan ng pagbibigay ng sapat na suporta sa mga magsasaka ng abaca, at upang matiyak na ang mga hibla nito ay mabibili sa mapagkumpitensyang presyo.

Ang Catanduanes ay mayroong 36,853 ektarya na lugar ng produksyon ng abaca, na nililinang ng 15,000 abacaleros, base sa datos ng Department of Agriculture.

(Danny Bacolod)

76

Related posts

Leave a Comment