LUCENA GENERAL HOSPITAL SA QUEZON NAKATIWANGWANG

PINUNA ng netizens ang nakatiwangwang na malalaking gusali ng isang panukalang ospital sa lalawigan ng Quezon. Sa post sa social media ng Quezon Province News and Updates, nakasaad na sana ay inayos muna at pinaganda ang serbisyo ng Quezon Memorial Center o QMC noong 2021 na nanlilimahid sa dumi, kulang sa mga doktor, nurses at espesyalista, maraming kulang na pasilidad, kulang sa bed capacity at ginawa pang tambakan ng basura ang basement. Puna pa ng netizens, illegal na pinagawa ni Quezon 2nd District Congressman David “JayJay” Suarez ang mga gusali…

Read More

3,774 NA PULIS NAKAHANDA NA BILANG ELECTION BOARD MEMBER NG BARM

MAHIGIT 120,000 tauhan ang ide-deploy ng pambansang pulisya sa araw ng halalan sa Mayo 12 araw ng Lunes, ayon kay Directorate for Police Community Relations director Maj. Gen Roderick Augustus Alba. Kabilang sa mga ito ang mahigit tatlong libo na magsisilbi bilang election board members.1 Nasa 7,943 ang sinanay ng pambansang pulisya para tumulong sa electoral boards, kung saan 3,774 dito ay ipakakalat sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) BARMM para magsilbing board of election inspectors (BEIs) na itinalaga ng Commission on Elections (Comelec) sa pambansa at lokal…

Read More

Sa posibleng vote buying 29 LOCAL CANDIDATES INISYUHAN NG SCO NG COMELEC

votebuying14

UMABOT sa 29 local candidates ang inisyuhan ng show cause orders ng Commission on Elections o Comelec Committee on Kontra Bigay (CKB) dahil sa posibleng vote buying na itinuturing na isa sa mga election offense at posibleng ground for disqualification. Inihayag ng Commission on Elections (Comelec), may tatlong araw na ultimatum na ibinigay para sagutin ng unang sa siyam na kandidato na tatakbo sa May 12 elections, ang inilabas na show cause orders (SCO) dahil sa mga alegasyong paglabag sa mga patakaran ng kampanya. Kabilang sa mga paratang ang pagbili…

Read More

POPE MOBILE MASISILAYAN SA SANCTUARIO DE SAN ANTONIO PARISH

MASISILAYAN na sa Sanctuario de San Antonio parish sa Forbes Park, Makati City simula Abril 25 ang naka-display na sasakyang ginamit ni Pope Francis nang bumisita ito sa Pilipinas noong 2015. Ang “Pope Mobile” o karaniwang tinawag na “Pope Jeep” dahil ito ay hawig sa pampublikong jeepney na dumaraan sa mga lansangan ng Maynila, ay maaaring masilayan hanggang Linggo, Mayo 4, 2025 sa ganap na ika-6:00 ng gabi. Ginamit ng papa ang isang customized jeepney bilang kanyang POPE MOBILE, isang sasakyan na idinisenyo upang ipakita ang diwa ng talino ng…

Read More

TATLO PATAY SA KARAMBOLA SA MARIKINA

PATAY ang tatlo katao habang hindi bababa sa 10 katao ang sugatan makaraang mawalan ng preno ang isang trailer truck at naatrasan ang mga sasakyan sa Marikina, Miyerkoles ng alas-11:00 ng gabi. Hawak na ng Marikina City Police Station ang driver ng SHACMAN Trailer Truck na may plakang AIA-4084 na si Gabriel Almeda, 54-anyos, tubong Kalinga, Apayao. Batay sa salaysay ni Almeda, habang papaahon siya sa bahagi ng eastbound ng Fortune Avenue ay nawalan ng preno ang truck dahilan upang maatrasan niya ang mga sasakyan na sumusunod sa kanya. Sa…

Read More

Sa kasagsagan ng RP-US Joint Balikatan 2025 CHINA AIRCRAFT CARRIER, 1 PA NASA DAGAT NG PINAS

HABANG nasa kasagsagan ng mga paghahanda para sa isasagawang joint RP-US Balikatan war exercises sa karagatang sakop ng Pilipinas, na-monitor ng Philippine Navy ang presensya ng dalawang China Warship kabilang dito ang kanilang pinakamalaking Aircraft carrier, sa hilagang Luzon. Ayon kay Navy spokesman Captain John Percie Alcos, gamit ang kanilang Intelligence, Surveillance, and Reconnaissance (ISR) capabilities, na-monitor nila ang presensya ng dalawang People’s Liberation Army Navy (PLA-N) vessels na naglalayag sa magkahiwalay na lokasyon sa northern coast ng Luzon noong Miyerkoles. Nabatid na patuloy tinitiktikan ng NAVAL Forces Northern Luzon…

Read More

ISKO MORENO, IBA PA PAGPAPALIWANAGIN NG COMELEC SA REKLAMONG VOTE BUYING

PADADALHAN ng Commission on Elections (Comelec) ng show cause order ang ilang lokal na kandidato dahil sa alegasyong vote buying. Ayon sa Comelec, sina Manila Mayoral candidates Isko Moreno at Sam Versoza, Caloocan City Mayor reelectionist Along Malapitan, at anim na iba ay inaakusahan ng “vote-buying,” isang uri ng paglabag na maaring maging batayan ng disqualification. Ang reklamo kay Moreno ay kaugnay sa pamamahagi umano nito ng P3,000 sa public school teachers. Nauna nang binalaan ng Comelec ang mga kandidato sa paggawa ng election offenses gaya ng vote buying dahil…

Read More

CONVOY NG MAYORALTY CANDIDATE SA ABRA, INULAN NG BALA

PATAY ang isang kasamahan ng mga kandidato at isa pa ang sugatan matapos ang naganap na pamamaril sa Sitio Agdamay ng Barangay Budac sa Tayum, Abra. Ayon sa inisyal na ulat, nakatanggap ang Tayum Police Station ng impormasyon hinggil sa pamamaril, kung saan agad tumugon ang pulisya at naglatag ng checkpoint sa mga posibleng exit point mula sa pinangyarihan ng pamamaril. Isang itim na pick-up truck ang pinara ng mga awtoridad na minamaneho ni alyas ‘Ben’ matapos makarinig ang mga pulis ng putok ng baril. Nakuha mula sa direktang pag-iingat…

Read More

PRESIDENTIAL MEDAL OF MERIT PARA KINA NORA, PILITA, MARGARITA, GLORIA

KINUMPIRMA ng Malakanyang na gagawaran ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sina Nora Aunor, Pilita Corrales, Margarita Fores, at Gloria Romero ng Presidential Medal of Merit sa Mayo 4, 2025. “The event is confirmed,” ang pagtiyak ni Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro. Ang parangal ay para sa kanilang mga hindi matatawarang kontribusyon sa Philippine entertainment industry at gastronomy. Si Nora Aunor, tinaguriang Superstar at isang National Artist; Gloria Romero, kilala bilang movie queen noong 1950s; Pilita Corrales, tinaguriang Asia’s Queen of Songs at Chef Margarita Fores, pioneer…

Read More