MANGATAREM LOCAL OFFICIALS INIREKLAMO SA OMBUDSMAN

NAHAHARAP sa patung-patong na kaso sa tanggapan ng Ombudsman ang mga lokal na opisyal ng bayan ng Mangatarem sa Pangasinan na kinabibilangan nina Mayor Ramil Ventenilla, Vice Mayor Michael Mon Rosette Punzal at Municipal accountant Kenaz Bautista.

Ito ay matapos silang ireklamo ni Ricardo Bachar Luciano, Jr.

Kabilang sa kasong isinampa laban sa tatlo ay Malversation of Public Funds dahil umano sa misappropriation with consent at kapabayaan, technical malversation, paglabag sa local government code at tax rules, paglabag sa government accounting manual code ng Pilipinas, paglabag sa procurement law at paglabag sa code of ethical conduct of the public officers.

Batay sa nilalaman ng reklamo at mga ebidensyang isinumite ni Luciano sa Ombudsman, nabigo ang mga naturang opisyal na bigyang-pansin ang rekomendasyon ng Commission on Audit noong 2020 hanggang 2023 na papanagutin ang taong nabigong ideposito ang pera ng bayan sa bangko at lustayin ito ng ganoon na lamang.

Ani Luciano, ang kawalang aksyon ng tatlo ay nagresulta ng pagkawala ng malaking pera sa kaban ng bayan.

Tinukoy pa ni Luciano na maging ang program of work para sa konstruksyon ng General Services Office (GSO) building at warehouse na mayroong kontratang 1,998,030. 87 pesos ay hindi napapakinabangan sa loob ng mahigit isang taon na.

Hindi rin kumbinsido si Luciano na hindi alam ng tatlong opisyal ang ginagawa ni Municipal Treasurer Officer in Charge Alex Carpio sa kaban ng bayan gayong ito ay bahagi ng kanilang command responsibility.

Ipinunto pa ni Luciano ang kapangyarihan ng mga respondent na tiyaking ang pera o kaban ng bayan ay nagagamit nang tama.

Binanggit din niya ang halos P19 milyong disallowances at audit suspensions laban sa mga nabanggit.

105

Related posts

Leave a Comment