NOMINEE NG BUMBERO PARTY-LIST INAMBUS

TINAMBANGAN ng mga hindi pa tukoy na mga suspek ang dating chairman at nominee ng Ang Bumbero Partylist na si Leninsky Bacud.

Nangyari ang pamamaril sa P. Guevarra St., Brgy. 435, Zone 44, Sampaloc, Manila bandang alas-6:00 ng gabi ngayong Lunes, April 28.

Ayon sa mga saksi, nakasakay sa motorsiklo ang mga suspek at nakipagbarilan pa sa pulis na residente sa lugar.

Dinala sa pinakamalapit na ospital at inaalam pa ang kondisyon ni Bacud.

Sa palitan ng putok ay tinamaan ng bala ang ilang sasakyan sa lugar.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Homicide Section ng Manila Police District (MPD) sa crime scene.

(JULIET PACOT)

73

Related posts

Leave a Comment