2 ILLEGAL RECRUITERS TIMBOG SA NBI

ARESTADO ng National Bureau of Investigation-Cavite North District Office (CAVIDO North), sa pangunguna ni NBI Director Jaime Santiago, ang dalawang indibidwal sa kasong illegal recruitment and estafa. Nag-ugat ang kaso sa reklamong isinampa ng pitong indibidwal laban sa mga suspek. Ayon sa isang biktima, nakatanggap siya ng tawag mula sa umano’y recruitment agent na nagsabing siya ay mula sa CPL Masters Recruitment Inc., na nag-aalok ng skilled workers positions sa Austria sa pangakong monthly salary na P100,000. Natukso sa malaking sahod, ang biktima ay nag-apply para sa mason position at…

Read More

2 IMPERSONATORS NI GEN. GALIDO, HULI SA JOINT ARMY AT PNP OPS

DALAWANG impersonators ni Philippine Army commanding general, Lt. Gen Roy Galido, ang nadakip ng Hukbong Katihan sa tulong ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Pampanga. Ayon kay Army Public Information Office chief, Col. Louie Dema-ala, nagsagawa ng joint law enforcement operation ang mga tauhan ng Philippine Army at PNP-CIDG sa bayan ng Arayat, sa Pampanga nitong nakalipas na linggo matapos matunton ng intelligence operatives ang kinaroroonan ng mga suspek na sinasabing nagpapanggap na si Gen. Galido. Sinabi pa ni Colonel Dema-ala, ang dalawang nadakip…

Read More

ESTUDYANTE HULI SA 1 KILO NG SHABU

ARESTADO sa isinagawang buy-bust operation sa pangunguna ng PDEA RO NCR – RSET 1, kasama ang PNP DEG SOU, ang isang 21-anyos na estudyante makaraang makumpiskahan ng isang kilo ng umano’y shabu noong Lunes ng gabi. Nangyari ang operasyon sa harap ng Museo ng Pampangulong Sasakyan parking lot sa Quezon City Circle, Elliptical Rd., Quezon City. Kinilala ng mga awtoridad ang arestado na si alyas “Moli”, 21, residente ng Tandang Sora, Quezon City. Nasamsam ng mga awtoridad sa suspek ang isang self-sealing plastic bag na naglalaman ng puting crystalline substance…

Read More

FIRE PREVENTION MONTH SA LAS PIÑAS

PINANGUNAHAN ni Senator Cynthia Villar at ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pagdiriwang ng Buwan ng Pag-iwas sa Sunog sa Las Piñas City. Ang aktibidad ay kinapalooban ng seminar sa kaligtasan sa sunog, demonstrasyon o fire drill upang masiguro ang kaalaman ng mga fire volunteer sa pag-iwas at pagsugpo ng sunog. Ipinagdiriwang ang taunang Fire Prevention month tuwing buwan ng Marso. (DANNY BACOLOD) 277

Read More

PAGSIBAK SA PASAY POLICE CHIEF HINDI DAHIL SA POGO

pulis

(TRACY CABRERA) NILINAW ni Pasay City Police chief Colonel Samuel Pabonita na kaya siya inilipat ng assignment ay dahil sa command responsibility sa isang shooting incident at hindi sa isyu ng patagong operasyon ng mga gerilyang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa lungsod. Ayon kay Pabonita, ang kautusan ng kanyang pagkakaalis bilang hepe sa pulisya ng Pasay ay galing sa pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa barilang naganap sa Baclaran nitong nakaraang Pebrero 3 ng tayong kasalukuyan. “As a commander, I am obliged to follow the…

Read More

Accident Insurance Cards Granted for Barangay Tanods in District Two of Caloocan

More than two thousand barangay tanods in District Two of Caloocan were granted Accident Insurance Cards by Congresswoman Mitch Cajayon-Uy as protection for their work this fire prevention month. In addition to that, they will also undergo basic fire and rescue training in collaboration with the bureau of fire protection. According to Cajayon-Uy, it is important that the security guards have sufficient knowledge and skills because they will serve as first responders to their constituents. 470

Read More

RECRUITMENT SA MNLF, FAKE NEWS – OPAPRU

FAKE NEWS! Ito ang tahasang pahayag ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) kaugnay sa pagkalat ng disinformation hinggil sa umano’y recruitment ng Moro National Liberation Front (MNLF) members sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP). Kasabay nito, mariing kinondena ni OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr. ang nasabing ikinakalat na disinformation na inihayag ni Sharief Edjal Alimuddin, sinasabing “Governor General” ng MNLF, kaugnay sa pag-recruit sa dating MNLF sa militar. “The OPAPRU vehemently denies the spread of false information, which…

Read More

HIGIT 53M OFFICIAL BALLOTS NAIMPRENTA NA – COMELEC

UMABOT na sa mahigit 53 milyon ang naimprentang balota para sa May 2025 elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec). Base sa datos, kabuuang 53,894,129 balota ang naimprenta na o 76.58% ng 72 milyong kinakailangan. Ang kabuuang 16,338,956 balota pa ang natitira na kailangang iimprenta. Unang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, target na makapag-imprenta ng 1.5 milyong balota upang makabawi sa pinaikling timeframe para sa produksyon ng opisyal na balota. Nagpahayag din siya ng kumpiyansa na makukumpleto ng Comelec ang proseso ng pag-imprenta sa Abril 14, 2025. Gayunpaman, sinabi…

Read More

BAGONG PNP-AKG CHIEF, ITINALAGA

OPISYAL nang nanunungkulan ngayon ang bagong Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group chief na hinirang ni PNP chief, Police General Rommel Francisco Marbil. Itinalaga ni Gen. Marbil si Police Colonel Paul Abay bilang officer-in-charge ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG). Kinumpirma ni PNP Public Information Office (PIO) chief, Police Colonel Randulf Tuaño ang paghalili ni Col. Abay sa binakanteng pwesto ni PNP-AKG head, Police Colonel Elmer Ragay. Si Col. Ragay ay sinibak bilang PNP-AKG head at pansamantalang isinailalim sa administrative relief. Sinasabing si Ragay ay ni-relieve kaugnay sa kumalat na mga…

Read More