HIGIT 53M OFFICIAL BALLOTS NAIMPRENTA NA – COMELEC

UMABOT na sa mahigit 53 milyon ang naimprentang balota para sa May 2025 elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Base sa datos, kabuuang 53,894,129 balota ang naimprenta na o 76.58% ng 72 milyong kinakailangan. Ang kabuuang 16,338,956 balota pa ang natitira na kailangang iimprenta.

Unang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, target na makapag-imprenta ng 1.5 milyong balota upang makabawi sa pinaikling timeframe para sa produksyon ng opisyal na balota.

Nagpahayag din siya ng kumpiyansa na makukumpleto ng Comelec ang proseso ng pag-imprenta sa Abril 14, 2025.

Gayunpaman, sinabi ni Garcia, ang pag-imprenta ay tumaas sa 1.7 milyong balota kada araw at ang Comelec ay nagnanais na makumpleto ang proseso ng pag-imprenta ng balota sa Marso at verification ng balota sa Abril.

Ayon kay Garcia, basta magtuloy-tuloy ang performance ng makina ay maaaring sa ikalawang linggo hanggang ikatlong linggo ng Marso maaring matapos ang ballot printing.

Magugunita na ipinagpatuloy ng Comelec ang pag-imprenta ng opisyal na balota noong Enero 27, isang linggo matapos itong suspendihin nang maglabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema laban sa diskwalipikasyon ng ilang kandidato. (JOCELYN DOMENDEN)

35

Related posts

Leave a Comment