Kasunod ng magnitude 6.9 earthquake sa Cebu AFP AT PNP MINOBILISA PARA SA SEARCH AND RESCUE OPS

AGAD pinakilos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police para sa agarang search, rescue at retrieval operation sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng magnitude 6.9 earthquake na tumama sa Northern Cebu. Nitong Miyerkoles, pinasimulan agad ng AFP at PNP ang deployment ng kanilang mga tauhan at mga kagamitan sa Cebu at karatig na mga lalawigan kasunod ng naramdamang pagyanig na tinatayang umabot sa intensity 7, na naramdaman sa Region 7, 6 at 8 bandang alas-9:59 noong…

Read More

7,000 QCITIZENS, NAKINABANG SA QCPD COMMUNITY DRIVE

MATAGUMPAY ang inilunsad na 160 community engagement activities ng Quezon City Police District (QCPD) sa pangunguna ni Acting District Director PCOL Randy Glenn Silvio mula Setyembre 22–28, 2025. Umabot sa 7,160 QCitizens ang naabot ng programa sa iba’t ibang barangay sa Quezon City. Ayon kay PCOL Silvio, ang mga aktibidad na pinangunahan ng iba’t ibang police stations ay idinisenyo upang palakasin ang ugnayan ng pulis at komunidad, maiwasan ang krimen, at matulungan ang mahihina at nangangailangan. Kasama rito ang feeding program, pamamahagi ng relief goods, outreach services, at information drive…

Read More

WOA VS GARMA ‘DI HADLANG SA ICC TESTIMONY – REMULLA

IGINIIT ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi mapipigilan ang pagtestigo ng dating PCSO General Manager Royina Garma sa International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kasong crimes against humanity. Ito’y kahit may inilabas nang warrant of arrest laban kay Garma sa kasong murder at frustrated murder kaugnay ng pagkamatay ni dating PCSO board secretary Wesley Barayuga. Sabi ni Remulla, kung nasa abroad na si Garma, malamang ay hindi na ito bumalik ng Pilipinas at dumiretso na lang sa ICC para tumestigo. Dagdag pa…

Read More

MALAKI IBINABA NG KRIMEN SA METRO MANILA – NCRPO

MALAKI ang ibinaba ng kaso ng krimen sa Metro Manila sa loob lamang ng isang buwan, ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Batay sa datos ng Comparative Integrated Reporting and Analysis System (CIRAS), bumagsak ang kriminalidad kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Pinakamalaki ang ibinaba sa kasong carnapping ng motor vehicles na pumalo sa 80.95%. Bumaba rin ng 54.78% ang mga kasong rape, 12.96% ang physical injuries, at 5.17% ang carnapping ng motorsiklo. Bukod dito, tumaas din ang Crime Solution Efficiency (CSE) mula 68.57% noong…

Read More

PASAHERO MINOLESTIYA NG HABAL-HABAL DRIVER

ARESTADO ang isang 44-anyos na habal-habal driver makaraang molestiyahin ang 34-anyos niyang pasahero sa panulukan ng Mel Lopez Boulevard at Capulong Street, Barangay 105, Tondo, Manila noong Linggo ng gabi. Kinilala ang suspek na si alyas “Randy”, binata, residente ng Barangay 101, Tondo. Ayon sa ulat nina Police Master Sergeant Romulo Dabban at Police Corporal James De Luna, dakong alas-2:34 ng madaling araw nitong Lunes nang iturn-over ni Police Staff Sergeant Mary Angelie Malicse ng Children and Women’s Protection Desk ng Raxabago Police Station 1 ng Manila Police District, ang…

Read More

VIRAL RIDER NA MAY ANGKAS NA BATA, IPINATAWAG NG LTO

BATAY sa tagubilin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na mahigpit na ipatupad ang mga panuntunan sa kaligtasan sa kalsada, ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO), sa patnubay ni Acting Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Z. Lopez, ang rehistradong may-ari ng motorsiklo na nakita sa viral post sa social media kasama ang dalawang back riders, kabilang ang isang menor de edad. Sinabi ni LTO chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, dismayado siya sa inilarawan niyang pagiging iresponsable ng ilang tao na nakompromiso ang kaligtasan ng tila…

Read More

De Lima sa ICI: KATOTOHANAN SA FLOOD SCAM HUWAG ITAGO SA TAUMBAYAN

“MAHIYA naman tayo sa mga Pilipino. Ninakawan na nga ng trilyon piso, pagkakaitan pa ba sila ng buong katotohanan?” Ito ang banat ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima matapos tumanggi ang Independent Commission on Infrastructure (ICI) na isapubliko ang imbestigasyon nito sa anomalya sa flood control projects. Giit ni De Lima, hindi maiiwasang magduda ang taumbayan sa resulta ng ICI kung itatago nila ang kanilang mga hearing. “Paano natin malalaman kung tumutugma ang mga detalye ng naunang pagdinig sa Kongreso kung hindi nila ilalabas ang proceedings? Paano…

Read More

PNP-ACG GINAGAMIT SA SOCIAL MEDIA SCAM

BINALAAN ni PNP-ACG Director Police Brig. Gen. Bernard Yang ang publiko hinggil sa gumagamit ng kanilang social media account. Ito ay kasunod ng paggamit mismo ng pangalan ng Anti-Cybercrime Group para lang makapang-scam. Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Yang na mismong mukha pa niya ang ginagamit na litrato sa social media accounts ng mga scammer. Saad ni Yang, apat na social media account ang kanilang mino-monitor na gumagamit sa pangalan ng ACG, na kanilang kakasuhan. May nabiktima na umano ang scammers at nakakuha ng pera sa…

Read More

Chiz pumalag sa mapanirang FB posts; FALCIS PINADI-DISBAR

NAGHAIN si Senador Francis “Chiz” Escudero ng reklamo sa Korte Suprema laban kay Atty. Jesus Nicardo Madarang Falcis III nitong Lunes, Setyembre 29. Hinihiling ni Escudero ang disbarment o pagtanggal sa lisensya ni Falcis dahil sa umano’y serye ng iresponsable at mapanirang social media posts na malinaw na lumabag sa Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA) ng Philippine Bar. Sa reklamo, inilatag ng senador ang mga banat ni Falcis mula Hulyo hanggang Setyembre 2025 kung saan tinawag umano siya ng abogado na “shameless,” “the worst Senate President in history,”…

Read More