ICI MEMBER PINAG-IISIPANG MAG-RESIGN?

ISINIWALAT ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na pinag-iisipan na umano ng isang miyembro ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) na mag-resign na lamang sa kawalan ng mga ito ng sapat na kapangyarihan sa pag-iimbestiga sa flood control projects. Sa kanyang privilege speech kahapon, iginiit ni Erice na kailangang maipasa ang House Bill (HB) 4453 na layong magtatag ng Independent Commission Against Infrastructure Corruption (ICAIC) upang mabigyan ng mas malakas na kapangyarihan ang ICI bago iwanan ng mga miyembro nito ang kanilang trabaho. “I spoke to a member of the…

Read More

MGB NAGBABALA LABAN SA SINKHOLES KASUNOD NG CEBU QUAKE

NAGLABAS ng subsidence threat advisory ang Mines and Geosciences Bureau sa Central Visayas (MGB-7) matapos madiskubre ang paglitaw ng mga sinkhole at pagguho ng lupa sa ilang bahagi ng northern Cebu kasunod ng 6.9-magnitude na lindol noong Setyembre 30, 2025. Batay sa ulat ng San Remigio municipal government, umabot na sa 32 sinkholes ang natagpuan sa kanilang bayan, at posibleng madagdagan pa ang bilang habang nagpapatuloy ang pagsusuri. Ayon sa MGB-7, ang land subsidence o pagbaba ng lupa ay mabilis na nagaganap kapag bumagsak ang ilalim na bahagi ng lupa…

Read More

CONSPIRACY PARA PATALSIKIN SI PBBM ITINANGGI NG AFP

TAHASANG itinanggi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief, Gen. Romeo Brawner Jr. ang mga lumabas na alegasyong nakikipagsabwatan umano ang militar sa mga retiradong heneral at relihiyosong grupo para mapatalsik si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “The coup rumors are not true. I myself was surprised when I saw the article,” pahayag ni Brawner sa isang forum ng Foreign Correspondents Association of the Philippines na ginanap sa Camp Aguinaldo. Ito ay kaugnay sa lumabas na artikulo na isinulat ni Pulitzer awardee Manny Mogato, na nagsasabing may isang retiradong heneral…

Read More

9 KOREANS INARESTO SA ILLEGAL ONLINE GAMBLING ACTIVITIES

SIYAM na Koreano ang inaresto sa Cebu City dahil sa umano’y illegal online gambling operation at illegal detention sa isang empleyado, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong nakalipas na linggo. Ayon sa ulat ng PNP, ang lima sa mga suspek ay mayroong INTERPOL Red Notices, isang pandaigdigang alerto na inisyu sa mga nagpapatupad ng batas sa buong mundo. Nabatid na nagre-request ang International Police na hanapin at pansamantalang arestuhin ang tao o mga tao na pinaghahanap ng isang miyembrong bansa o isang internasyonal na tribunal. “The apprehension of these…

Read More

2 OBRERO NAAKTUHANG UMIISKOR NG DAMO

CAVITE – Swak sa kulungan ang dalawang construction workers nang maaktuhan habang umiiskor ng marijuana sa loob ng barracks ng construction site sa Gen. Trias City noong Huwebes ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa Article II, Section 13 at 15 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang naarestong mga suspek na sina alyas “Saijean” at “Dennis”. Ayon sa ulat, bandang alas-7:30 ng gabi nang makatanggap ang Section 3 Mobile Patrol ng tawag hinggil sa dalawang construction worker na humihithit ng marijuana sa loob ng kanilang…

Read More

PATAY SA CEBU QUAKE, 68 – NDRRMC

IBINABA ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes, Oktubre 3, ang bilang ng mga nasawi bunsod ng nangyaring magnitude 6.8 na lindol, sa 68 mula sa bilang na 72 noong Huwebes. Ayon kay Diego Mariano, officer-in-charge ng Civil Defense Communications and Advocacy Division, ang inilabas na bilang ay base sa verification na ginawa ng inaktibong Management of the Dead and Missing (MDM) cluster, isang bagong tatag na unit sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Sa inilabas na paliwanag ni OCD VII…

Read More

PAMILYA VILLAR INIIMBESTIGAHAN DIN SA FLOOD WORKS MESS

KABILANG sa iniimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) sina dating senador Cynthia Villar, Senator Camille Villar, at dating DPWH Secretary na ngayo’y Senador Mark Villar kaugnay ng mga kontrata sa flood control projects at iba pang imprastraktura sa Las Piñas City. Ayon kay Justice Secretary Boying Remulla, contractor umano ang first cousin ni Sen. Mark Villar na nakakuha ng mahigit ₱18 bilyong halaga ng proyekto sa lungsod. Giit ni Remulla, malinaw na posibleng paglabag ito dahil sa conflict of interest, lalo’t kasama si Villar sa pagtatalakay ng budget para sa…

Read More

3 PCG PERSONNEL PATAY SA LINDOL SA CEBU

KINUMPIRMA ng Philippine Coast Guard (PCG) na tatlong tauhan nito ang nasawi sa nangyaring 6.9 magnitude quake sa Cebu. Ayon sa PCG, iniulat ang insidente ng Coast Guard District Central Visayas (CGDCV) at kinilala ang tatlong coast guard personnel na sina Seaman Second Class Lawrence Palomo, Apprentice Seaman Junjay Mahusay, at Apprentice Seaman Er Cart Dacunes. Batay sa impormasyon na naiparating ng CGDCV sa PCG Manila, nasawi ang tatlong coast guard personnel matapos gumuho ang San Remigio Sports Complex sa pagyanig ng malakas na lindol. Ang support teams ay ipinadala…

Read More

INFLATION FORECAST PARA SETYEMBRE NASA 1.5% HANGGANG 2.3%

POSIBLENG umakyat sa pagitan ng 1.5 hanggang 2.3 porsiyento ang inflation rate para sa buwan ng Setyembre, ayon sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Ayon sa BSP, pangunahing dahilan ng pagtaas ang mas mataas na presyo ng bigas, isda, at domestic fuel. Gayunman, bahagyang nabawasan ang epekto nito dahil sa pagbaba ng presyo ng gulay, karne, at mas mababang singil sa kuryente. “Patuloy na susubaybayan ng BSP ang mga paggalaw sa loob at labas ng bansa na nakakaapekto sa inflation at paglago, alinsunod sa data-dependent approach sa monetary…

Read More