SINAMPAHAN na ng patong-patong na kaso ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang 12 pulis na isinasangkot sa missing sabungeros. Kabilang sa sinampahan ng kaso ang tatlong opisyal at siyam na non-commissioned officers. Dahil dito, gugulong na ang kasong administratibo laban sa mga pulis makaraang makitaan ng probable cause ang testimonya ni Julie Patidongan. Partikular dito ang pahayag ni Patidongan na may partisipasyon ng mga pulis sa pagdukot, pagpatay at paglibing sa Taal Lake sa nawawalang sabungeros. Isiniwalat naman ni Vice Chairman at Executive Officer Rafael Vicente R. Calinisan, may dalawang…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
PBBM AMINADO: PONDO SA FLOOD CONTROL KINURAKOT
SAPUL sa mensahe ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagnanakaw sa pondo para sa flood control project. “Mahiya naman kayo,” banat ni Marcos sa mga nangungupit sa pondo ng mga proyekto ng gobyerno tulad ng flood control na naging dahilan kaya lumubog sa baha sa mga nagdaang bagyo ang maraming lugar partikular sa Luzon. Bago natapos ang kanyang talumpati sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Marcos na personal niyang ininspeksyon ang mga flood control project na sinisi ng mga tao sa matinding pagbaha.…
Read More5 PUMUGA SA BATANGAS REHAB NANG-HOSTAGE NG BUS
KAAGAD ding sumuko ang limang persons deprived of liberty na tumakas mula sa Batangas Rehabilitation Center sa Brgy. Malainin, Ibaan, Batangas ngayong Lunes. Sa ulat, dakong alas-09:30 ng umaga ay ineskortan ng gwardya ang mga preso patungo sa public utility room. Subalit biglang tinutukan ng ice pick ng mga inmate ang kanilang escort at inagaw ang kanyang service firearm. Makaraang makakuha ng pagkakataon ay sabay-sabay silang tumakas sa direksyon ng Barangay Quilo na sinamantala naman ng iba pang preso. Nang makarating sa highway ay kinomando ng mga ito ang isang…
Read MoreMAHIGIT P16-M KINITA SA TORRE VS BASTE ‘BOXING FOR A CAUSE’
PINASALAMATAN ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) si Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Nicolas Torre III sa nakalap nitong donasyong mahigit P16 milyon mula sa inilunsad na “Boxing for a Cause: Laban sa Nasalanta” na ginanap sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila. Inihayag ni DSWD Assistant Secretary at tagapagsalita na si Irene Dumlao, ang nasabing halaga ay makatutulong sa milyun-milyong kababayan na nasalanta ng Southwest monsoon o Habagat at tatlong magkakasunod na bagyo. Nabatid na ang boxing match, na inorganisa ng PNP na pinagwagian ni…
Read MoreDOH NAALARMA SA PATULOY NA PAGTAAS NG KASO NG DENGUE
PATULOY na naalarma ang Department of Health (DOH) sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng dengue sa bansa para sa buwan ng Hunyo. Ito ay matapos makapagtala ang DOH na umabot sa 10,733 ang naitalang kaso ng dengue mula Hunyo 15 hanggang 28. Mas mataas ito kumpara sa 8,233 kaso na naitala sa unang dalawang linggo ng parehong buwan. Naghahanda na rin ang ahensya sa posibleng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan at pagbaha nitong nakaraang linggo. Kasabay nito, nanawagan ang ahensya sa…
Read MoreHindi sinipot ni Baste TORRE ‘WIN BY DEFAULT’
DINAGSA ng mga manonood ang boxing match sana nitong Linggo sa pagitan nina Davao City acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte at Philippine National Police chief, Gen. Nicolas Torre III. Si Torre ay maagang dumating sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila kung saan marami rin ang kumagat sa anunsyo at nagtungo sa stadium upang manood. Dahil hindi dumating si Duterte, itinuring na “win by default” ang laban ni Torre kontra kay Duterte, matapos hindi dumalo ang acting mayor sa “Boxing for a Cause” na nakatakda nitong Linggo sa Coliseum. Ang “Boxing…
Read MoreKONGRESO HINDI TINANGGALAN NG POWER NG SC SA IMPEACHMENT
HINDI maituturing na pagtatanggal sa kapangyarihan ng Senado at Kamara sa impeachment ang naging ruling ng Korte Suprema sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Ito ang binigyang-diin ni Senador Juan Miguel Migz Zubiri sa paggiit na hindi naman pinipigilan ang kahit sino na muling maghain ng impeachment complaint sa susunod na taon. “Of course not, because it does not stop the instigators or those who are trying to push for the impeachment to file again next year. Hindi naman sinabi ng Supreme Court, hindi na kayo maka-file…
Read MoreEpekto ng Bagyong Crising, Dante, Emong at Habagat 25 PATAY, 3 MISSING
PATULOY na nararamdaman ng bansa ang pinagsama-samang epekto ng nagdaang Typhoon Crising, Dante at ng kalalabas pa lamang na Bagyong Emong, at habagat sa area of responsibility ng Pilipinas na nakaapekto sa buhay ng 3.8 milyong indibidwal o katumbas ng mahigit isang milyong apektadong pamilya mula sa 17 rehiyon sa bansa. Sa bilang, 167,000 katao pa o higit 47,000 pamilya ang nanunuluyan sa mahigit 1,000 evacuation centers. Sa huling datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes ng umaga, umakyat na sa 25 katao ang…
Read More3 TIRADOR NG SARI-SARI STORE NABINGWIT
ARESTADO ang tatlong lalaki makaraang pasukin ang isang sari-sari store at sinikwat ang deposit box habang malakas ang buhos ng ulan sa Barangay 705, Malate, Manila noong Huwebes ng madaling araw Sa tulong ng mga barangay tanod ay nadakip ang mga suspek na sina alyas “Jeric”, “Russell” at “Aries”, kapwa 18-anyos, ng naturang lugar. Base sa ulat ng Malate Police Station 9 ng Manila Police District, bandang alas-2:00 ng madaling araw nang distrungkahin ng mga suspek ang steel window ng isang sari-sari store sa nabanggit na lugar. Makaraang makuha ang…
Read More