ISINIGAW ng sabay-sabay ng mga presidente na kumakatawan sa mga empleyado ng iba’t ibang Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) at Government Financial Institutions na ipatupad na muli ang nakapaloob sa Compensation and Position Classification System o CPCS-2. Isinasaad ng nasabing sistema ang mga benepisyo na kung saan pangunahing makikinabang ang mga miyembro ng kanilang pamilya tulad din ng mga manggagawa sa pribadong sektor. Ang National Union of Bank Employees Insurance and Finance Organizations (NUBE), Land Bank of the Philippines Employees Association (LBPEA), PhilHealth Independent Employees Association (PICEA), Philippine Deposit Insurance…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
NAFARRETE BAGONG ARMY COMMANDING GENERAL
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Lieutenant General Antonio Nafarrete bilang bagong commanding general ng Philippine Army. Sa katunayan, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang change of command ceremony sa Taguig City, Huwebes ng umaga. Pinalitan ni Nafarrete si Lieutenant General Roy Galido, pinagkalooban ng Presidential Legion of Honor Award bilang pagkilala sa kanyang natatanging serbisyo at dedikasyon sa panahon ng kanyang liderato. Si Nafarrete ay nagsilbi bilang hepe ng Armed Forces of the Philippines’ Western Mindanao Command (WESMINCOM) noong November 2024. Pinamunuan din niya ang 1st Infantry…
Read More9 nag-suicide sa pagkabaon sa utang PAOCC PABOR SA TOTAL BAN SA ONLINE GAMBLING, LENDING
PABOR ang Presidential Anti-Organized Crime Commission sa total ban sa lahat ng uri online gambling at pagsawata rin sa online lending na pinaniniwalaang produkto ng mga winawasak na POGO operation. Sinisira umano ng dalawang online apps ang moral fiber ng maraming Pilipino, winawasak ang kanilang pagkatao at hindi gaya ng mga krimen na resulta ng POGO, kapwa pawang mga Filipino ang direktang apektado ng magkapatid na online lending at online gambling na parehong salot sa lipunan. Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOCC Executive Director Gilbert Cruz, bukod sa…
Read MoreMALALAKING RESEARCH VESSEL NG CHINA NAMATAAN NG PCG
TATLONG malalaking Chinese research vessel ang naispatan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa loob ng Exclusive Economic Zone o EEZ ng Pilipinas. Ayon sa PCG, ang barko ng China na XIANG YANG HONG 10 ay namataan sa layong 195 nautical miles sa baybayin ng Rizal, Palawan. Ito ay may kakayahan sa deep-sea survey at sumusuporta sa mga unmanned autonomous underwater vehicle (AUV) para sa seafloor mapping at environmental monitoring. Kasama nito ang ZHUHAI YUN na kapwa idinisenyo para magsaliklik sa karagatan, pagmamapa ng mga ruta ng submarine at smart mines.…
Read MoreBRIONES UMAMIN SIYA ANG NASA VIRAL PHOTO NA NANONOOD NG ONLINE SABONG
ILANG oras matapos magbigay ng pahayag ang kanyang mga kasamahan, inamin ni AGAP party-list Rep. Nicanor Briones sa mga mamamahayag sa Kamara na siya ang nasa viral video na nanonood ng sabong subalit itinanggi na nagsusugal siya. Ayon sa mambabatas, ipinadala lamang umano ng kanyang pamangkin ang video na kanyang pinanood subalit hindi umano ito nagsasabong sa tunay na buhay at wala rin umano siyang e-wallet para makapagsugal online. Bagama’t pinatawad na umano nito ang mga kumuha ng larawan at video, nagreklamo naman ito dahil nilabag ang kanyang privacy pero…
Read MoreRussia niyanig ng 8.7 earthquake PHIVOLCS NAGPALABAS NG TSUNAMI ALERT SA 22 LALAWIGAN
NIYANIG ng lindol na may lakas na magnitude 8.7 ang silangang baybayin ng Kamchatka, Russia, alas-7:25 nitong Miyerkoles ng umaga, Hulyo 30, 2025 dahilan upang magpalabas ng Tsunami alert ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mga residente sa mga coastal area. Apektado ng Tsunami warning na inilabas ng kahapon ng state seismologists ang 22 lalawigan na nasa coastal areas ng bansa partikular ang mga nakaharap sa Pacific Ocean na posibleng abutan ng tsunami waves na may taas na isang metro. Ayon sa PHIVOLCS, inaasahang makararanas ng bahagyang…
Read MoreSASAKYAN NAHULOG SA FLYOVER, 2 KRITIKAL
CAVITE – Kritikal at kapwa inoobserbahan ang dalawang sakay ng isang Toyota Veluz makaraang nahulog mula sa tulay sa bayan ng Noveleta sa lalawigan noong Martes ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Divine World Hospital ang biktimang si Omar Magarang y lantod, 38, driver ng maroon na Toyota Veluz na may plakang DBH 8822 at residente ng Brgy. Cabuco, Trece Martires, Cavite at pasahero nito na si Naim Limbona y Antod, 28, ng nasabi ring lugar. Minamaneho ni Magarang ang kanyang Toyota Veluz at pasahero si Limbona habang binabagtas ang Barangay Sta.…
Read More100 PAMILYA APEKTADO NG SUNOG SA TONDO
PANSAMANTALANG nanunuluyan sa mga makeshift tent na ipinagkakaloob ng Department of Social Welfare and Development, ang 100 pamilya na naapektuhan sa malaking sunog na tumupok sa 30 kabahayan sa Tondo, Maynila. Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot sa ikatlong alarma ang sunog na nangyari bandang alas-3:00 ng madaling araw nitong Martes sa Barangay 93, Zone 8 sa Tondo. Naging pahirapan umano ang pag-apula sa apoy kaya umabot ng halos apat na oras bago idineklarang fire-out ang nasabing sunog dahil sa bukod sa masikip ang mga daanan, karamihan sa mga…
Read MoreOCD NAGBABALA HINGGIL SA PEKENG MENSAHE TUNGKOL SA AYUDA NG GOBYERNO
NAGLABAS ng babala ang Office of Civil Defense kahapon hinggil sa panibagong scam o modus operandi ng pagpapadala ng mapanlinlang na mensahe hinggil sa tulong ng gobyerno sa publiko sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Council. Nagbabala ang OCD sa publiko hinggil sa pagkalat ng mapanlinlang na mga text message na nagsasabing may matatanggap na tulong pinansyal o iba pang anyo ng ayuda mula sa pamahalaan. Madalas gamitin sa mga pekeng mensaheng ito ang pangalan o opisyal na SMS number ng National Disaster Risk Reduction and Management…
Read More