REP. NOGRALES: GOV’T BODY BUUIN PARA SA PROTEKSYON NG SIERRA MADRE

Rep Fidel Nograles-Sierra Madre

NAIS ng isang mambabatas mula sa Rizal na masigurong nabibigyan ng proteksyon ang bulubundukin ng Sierra Madre. Ito ang layunin ni Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles kaya isinusulong niya sa Kamara ang pagbuo ng Sierra Madre Development Authority. Magiging pangunahing gawain ng naturang ahensiya ay magsagawa ng komprehensibong survey ng pisikal at mga likas na yaman gayundin sa mga potensyal na makikita sa Sierra Madre region at gumawa ng komprehensibong tala at detalyadong plano batay sa resulta ng survey, at gumawa ng disenyo upang mapangalagaan at gamitin nang mabuti…

Read More

SOLON NG RIZAL BIDA SA ABROAD

Rep Fidel Nograles-2

(PFI REPORTORIAL TEAM) PINURI ng Alliance of Bonafide Recruiters for Overseas Filipino ­Workers Advancement and Deve­lopment (ABROAD) si Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles dahil sa panukalang batas na isinu­sulong nito na pagbuo ng hiwalay na ahensiya upang humawak sa overseas labor cases. Ayon kay ABROAD Convenor Russel Garcia, maganda ang hakbangin ni Nograles bukod pa sa napapanahon na upang bigyang pansin ang kapakanan ng mga makabagong bayani ng bansa. Sinabi ni Garcia, ang National Labor Relations Commission ay hango sa batas na inakda ng US Congress noong panahon ng Commonwealth Republic bagaman nagkaroon ng amyenda noong 2015. “Ang NLRC ay ahensiyang itinatag para manguna sa paghawak…

Read More

BATAS VS TEENAGE PREGNANCY INIHAIN SA KONGRESO

FORWARD NOW

Inihain na natin ang House Bill 5516 o Prevention of Adolescent Pregnancy Act sa pagbubukas ng 18th Congress na may layu­ning mapigilan ang maagang pagbubuntis ng mga menor de edad. Nilalayon din nito na magkaroon ng komprehensibo at naaangkop sa edad na pagtuturo ng sex education para sa mga kabataang Filipino upang maiwasan pa rin ang maagang pagdadalantao. Mayroong 9.7 milyong kababaihan na may edad 10 hanggang 19 kung saan pagsapit ng 19 anyos, isa sa lima sa kanila ay nagiging ina. Ito ay base mismo sa pag-aaral ng United Nations Population Fund. Dahil sa kawalan at kakulangan sa edukasyon, impormasyon at pangangalaga sa kalusugan, nangyayari ang…

Read More

BATAS VS TEENAGE PREGNANCY ITINUTULAK NI REP. NOGRALES

Rep Fidel Nograles-4

(Ni KIKO CUETO) ITINUTULAK ng isang mambabatas ang panukalang batas na naglalayong turuan ang mga kabataan na mabigyan ng “sapat at komprehensibong impormasyon na makatutulong sa kanila para umiwas sa maaga at hindi sinasadyang pagbubuntis.” Sa House Bill 5516 o kilala bilang “Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2019”, hihikayatin din ang mga nabuntis na kabataan na magbalik sa pag-aaral nang walang anumang mararanasang diskriminasyon. “Para du’n sa mga da­ting mahirap, ang pagbabalik sa pag-aaral ay hindi na isang mahalagang pagpipi­lian at ang paghahanap ng trabaho ang alternatibong mas pinagtutuunan para mabuhay,” ani Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles. “Kapag walang edukasyon at kasanayan, nangangahulugan ito ng mababang sahod at…

Read More

HANDOG NA PALUPA SA RIZALEÑONG MAGSASAKA

FORWARD NOW

Kaisa tayo ng Department of Agrarian Reform sa pamamahagi ng lupang sakahan para sa mga magsasakang walang sariling lupa na unang hakbang ng gobyerno upang mabago ang buhay ng mga benepisyaryo. Sa kabuuan, 807 agra­rian reform beneficiaries (ARBs) mula sa Rodriguez, San Mateo, Teresa, Morong, Baras, Pililia, Jalajala, Tanay, at Pinugay – mga lugar na sakop ng Ikalawang Distrito ng Rizal, ang tumanggap ng kanilang Certificate of Land Ownership Awards para sa 737.0017 ektarya na lupang sakahan na ipinamahagi noong Setyembre at Oktubre. Tiniyak din natin sa ARBs na ang suporta ng gobyerno ay hindi nagtatapos lamang…

Read More

REPORMA SA SK ISINUSULONG NI NOGRALES 

Rep Fidel Nograles-2

(NI KIKO CUETO) ITINUTULAK ni Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles ang pagrerepaso sa Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015, kabilang na dito ang pagkakaloob ng honorarium o mabigyan ng kabayaran ang ginagawang trabaho ng SK members. “Ginagampanan ng ating mga SK ang kanilang tungkulin sa publiko, gayon man, maliban sa SK Chair, ang ibang SK officials ay karaniwan ding gumagawa ng boluntaryong trabaho,” paliwanag ni Nograles. Inamin ni Nograles na base sa kanilang pagsusuri, nagiging problema ang pagkuha ng mga mga miyembro. “Sapagkat ang kanilang tungkulin ay hindi bayad, nahihirapan ang…

Read More

CONG. NOGRALES SA MGA BIKTIMA NG HAZING: KOOPERASYON O KULONG?

CONG NOGRALES-6.jpg

(Ni PAOLO SANTOS / Kuha ni EDD CASTRO) HINIKAYAT ni Rizal 2nd District Rep. Juan Fidel Nograles ang mga biktima ng hazing na maki­pag-cooperate sa mga awtoridad upang mabig­yang hustisya ang kanilang sinapit. Ito ang dahilan kaya nais amyendahan ng mambabatas ang Anti-Hazing Law upang mas mabigat na parusa ang maipataw sa mga sangkot at makasuhan ang mga kasabwat o willing victims ng hazing. Sa media forum kahapon sa Quezon City, sinabi ni Rep. Nograles na sa ilalim ng Anti-Hazing Act 2019 o Republic Act 11053 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte…

Read More

REP. NOGRALES SA 800 RIZAL FARMERS: KABUHAYAN, LUPA TIYAK NA

REP NOGRALES-4

(PFI REPORTORIAL TEAM) HINDI lang pagkakaroon ng lupa ang siniguro ng batambatang mambabatas sa may 800 magsasaka mula sa lalawigan ng Rizal kundi maging ang ayudang pangkabuhayan upang sila’y mapaunlad. Mahigit 800 agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa ikalawang distrito ng Rizal ang nakatanggap ng titulo ng kanil-ang sinasakang lupa bukod pa sa naipangakong tulong upang mapaunlad ang sakahan na saklaw ng 737 ektaryang lupaing agrikultural. Sinabi ni 2nd District Rep. Fidel Nograles, hindi magtatapos sa pamamahagi ng lupa bilang pagtupad sa kautusang ni-lalaman ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ang tulong…

Read More

PAGTUGON SA WATER CRISIS DAPAT NAAAYON SA BATAS

FORWARD NOW

Ang Pilipinas, partikular ang Metro Manila, ay nakararanas ng krisis sa tubig na kailangang mabilis na maaksiyunan; ito ay hindi pinag-uusapan. Subalit ang anumang solusyon na gagawin ng gobyerno ukol dito ay dapat naaayon sa batas. Naging mainit na usapin ito matapos na maglabas ng advisory ang water concessionaires na Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services, Inc. na re­gular silang magpapatupad ng rotational water service interruptions sa kalakhang Maynila. Hindi natin itinatanggi na wala tayong krisis sa tubig. Pero kung anuman ang hakbang na gagawin dito ay kailangang alinsunod…

Read More