LOOK UP

HOPE ni Guiller Valencia ATING tatalakayin ngayon ang mga salita sa Bibliya na nagpapahayag ng pagtingin o pagsumpong sa mas mahahalagang bagay dito sa mundo. Sabi sa Colossians 3:1-2, “If you were raised with Christ, seek those things which are above, where Christ is, sitting at the right hand of God, Set your mind on things above, not on things on the earth.” St. Paul is saying set our mind above. Dr. David Jeremiah, a well-known preacher and author of dozens of books shared that Christians should set our heart…

Read More

GISAHIN SI VAYAD-O SA SENADO!

BISTADOR ni RUDY SIM HINDI pa man humuhupa ang mainit na isyu ng kapalpakan at posibleng pagtatakip ng Bureau of Immigration kung paano nakatakas sa bansa si dating Bamban, Tarlac, Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping, ay muling nababalot ngayon ng imbestigasyon ang pamunuan ni BI Commissioner Joel Anthony Viado matapos umanong makatakas o pinatakas ang isang mayamang South Korean fugitive habang ito ay may escort na jail guards para sa kanyang court hearing sa QC. Si ‘NA IKHYEON’ ay umalis umano sa warden facility sa Camp Bagong Diwa…

Read More

PONDO NG MARIKINA SA PHILHEALTH GINAMIT NA PANG-VIETNAM NI MAYOR?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NATUKLASAN ng Commission on Audit (COA) na ginamit ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ang pondo ng PhilHealth sa pagbiyahe sa Vietnam na nagpalakas sa kanyang kasong technical malversation sa Ombudsman. Base sa natuklasan ng COA, kasama sa Vietnam trip na ito si Cong. Maan Teodoro, mga konsehal at iba pang opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina. Marami ang nagpuputok ang butse ngayon dahil sa milyong pondo mula sa PhilHealth na sa halip sa proyektong pangkalusugan ginamit ay nauwi para sa gastos sa biyaheng Vietnam ng grupo…

Read More

‘WAG SAYANGIN PAGKAKATAON NA MAIBALIK SA MAYNILA ANG SERBISYONG ISKO

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA Tapatan na ito, real talk na tayo! Yorme Francisco “Isko Moreno” Domagoso vs Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan para sa pagka-alkalde ng Maynila sa May 12 midterm elections. Sino ba talaga ang totoong nagmamahal at magtataguyod ng kapakanan ng Manilenyo? Ito ang dapat na sagutin ng mga botante: sino kina Yorme Isko at Mayora Honey ang may sapat na karanasan, katapatan at pagtitiwalang pamunuan ang pamahalaang lungsod ng Maynila? Si Isko, dating three-term city councilor, dating three term vice mayor, one termer mayor at dating…

Read More

MALAMIG ANG MGA BOTANTE SA MGA PARTY-LIST

MANINIKTIK ni GREGORIO SAMAT HINDI ko masisisi ang mga botante kung bakit malamig sila sa mga party-list organization, hindi lamang sa panahon ng kampanya kundi maging sa araw ng botohan dahil maraming party-list congressmen ang NPC as in Non-Performing Congressmen. Noong 2022 presidential election, sa 55.5 million Filipino na bumoto mula sa 67.4 million registered voters, tinatayang humigit kumulang lang na 30 million ang bumoto sa party-list congressmen. Pinaghati-hatian ng 64 party-list congressmen na nanalo noong 2022 election, ang mga botong ‘yan. Ibig sabihin lang nito, marami ang hindi bumoboto…

Read More

BUMAGSAK NA STA. MARIA-CABAGAN BRIDGE TINIPID?

KUNG ang sambayanang Pilipino ang tatanungin kung bakit bumagsak ang Sta. Maria-Cabagan Bridge, sa Isabela, iisa lang ang kanilang sasabihin, mahina ang pagkakagawa nito. Sa laki at haba ng tulay na ito, dinaanan lang ng malaking truck bumagsak na, paano pa kaya kung nagkasabay-sabay ang tatlong malalaking truck na dumaan dito? Malamang sabay-sabay din silang babagsak. Siyempre kung bumagsak ‘yan, ibig sabihin tinipid ang paggawa kaya mahinang klase ito na naging dahilan ng pagbigay nito. Madaling matutukoy ‘yan kung bakit mahina ang pagkakagawa, tumbukin agad ang kontraktor at dapat may…

Read More

“ELECTION NO FIGHT”

KAPE AT BRANDY ni Sonny T. Mallari SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon, ngayon lang magkakaroon ng eleksyon sa lalawigan ng Quezon na walang katunggali sa botohan ang nakaupong mataas na opisyales – Governor Angelina “Doktora Helen” Tan at Vice Governor Anacleto Alcala III. May ilang naghain din ng certificate of candidacies para sa dalawang posisyon pero hindi sila maituturing na seryosong kalaban base sa kinamulatan kong timbre ng kandidato. Pasensya na sa mga tinamaan. Ganito rin ang sitwasyon sa Lucena City. Wala ring kilalang politiko na humahamon kay Mayor Mark Alcala at…

Read More

PINAG-ISANG PAMAMAHALA NG BJMP AT BUCOR, HAKBANG SA TUNAY NA REPORMA – CONG. BRIAN YAMSUAN

TARGET NI KA REX CAYANONG ISANG makabuluhang panukala ang isinusulong ngayon ng Department of Justice (DOJ) na pag-isahin ang operasyon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections (BuCor). Ito ay may buong suporta ni Bicol Saro Party-list Representative Brian Raymund Yamsuan, na naniniwalang ito ang tamang direksyon upang maisulong ang kinakailangang reporma sa ating correctional system. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang matagal nang suliranin sa ating mga piitan—mula sa masisikip at di-makataong kulungan hanggang sa mga katiwaliang nagiging balakid sa rehabilitasyon ng persons…

Read More

KULANG SA KAALAMAN ANG OFW PARTY-LIST NI REP. MARISSA DEL MAR

RAPIDO NI TULFO NAGPAPATULOY pa rin ang imbestigasyon na isinasagawa ng Committee on Overseas Workers Affairs sa House of Representatives hinggil sa isyu ng abandonadong balikbayan boxes. Ang titulo ng House Resolution No. 499 ay “An inquiry in aid of legislation, into the reported fraudulent activities and scams of fake or unscrupulous international freight forwarders and their local counterparts victimizing overseas Filipino workers”, at ang may akda nito ay si Rep. Marissa Del Mar-Magsino ng OFW party-list. Sa titulo pa lang ng HR No. 499 ay malalaman na kulang sa…

Read More