PERA-PERA NA LANG BA NGAYON?

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS

HINDI na maganda ang nangyayari ngayon na mas pinipili ng ibang mga kababayan natin na kampihan ang ibang bansa at sinisira ang sarili nilang bayan.

Ito ang gustong paimbestigahan ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez at nais mabatid kung may mga social media personality sa Pilipinas na ginagamit para i-promote ang China’s false narrative sa West Philippine Sea (WPS).

Minsan na itong nangyari nang sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas, ang tawag sa ilang Pilipino ay “makapili” na ang gagawin ng mga sundalong Hapon ay tatakpan ang mukha ng mga ito at ipatuturo ang sinomang Pilipino na kumakalaban sa mga Hapon.

‘Pag naituro ng “makapili” ang kanyang mga kababayan na kumakalaban sa mga Hapon ay papatayin ang mga ito sa pamamagitan ng firing squad o kaya ikukulong at pahihirapan hanggang sa mamatay. Ganoon kalupit ang mga sundalong Hapon sa mga Pinoy noong panahon na ‘yun.

Siyempre, walang ibang kapalit nyan kundi ang pera, kaya sinasabi na “money is the root of all evil” kung hindi tayo marunong humawak sa pera.

Sa ganang akin, sang-ayon tayo sa gagawin ni Rep. Rodriguez na imbestigahan ang social media personality na ito na traydor sa kanyang mga kababayan.

Maraming piperwisyuhin nitong mga kababayan niya sa ginagawang katrayduran kapalit ang maliit na halaga na ‘yan.

Mas pabor tayo na parusahan ang social media personality na ito, kaysa ang iba na bumatikos lamang sa administrasyon, na kakasuhan sa korte o ipatatawag sa pagdinig sa Kamara.

Ayon kay Rodriguez, kinontrata umano ang social personality na ito ng Chinese businessman para maglabas ng China’s false narratives na may kaugnayan sa WPS.

“I am interested in knowing the social media personalities they have engaged and paid to work against our national interest and promote China’s false narratives on the West Philippine Sea,” ayon pa sa mambabatas.

Sa pagsasaliksik ng Kamara, isang Paul Li ang co-founder at managing partner umano ng Infinitus habang isang Myka Basco-Poynton naman ang co-founder at nagngangalang Nestor Arciage ang tumatayong marketing officer at social media manager ng kumpanya.

Matatandaan, lumabas sa pagdinig ng Senado kamakailan, na binayaran umano ng Chinese Embassy sa Manila ang nasabing kompanya ng halos P1 milyon para sa kanilang troll farm na ang misyon ay siraan ang gobyerno sa isyu ng WPS, at maging ang mga opisyales na alam ng nasabing bansa na hindi nila kakampi.

“The DoJ (Department of Justice) and the National Bureau of Investigation (NBI) should file charges for treason and other violations of the Revised Penal Code and the National Security Act against officers and directors of Infinitus Marketing Solutions,” dagdag pa ng mambabatas.

“In general, these laws punish any Filipino who betrays or is disloyal to his country and who works against its national interest, sovereignty and territorial integrity,” pahayag pa ni Rodriguez.

Kasabay nito, inatasan din nito ang Department of Foreign Affairs (DFA) na patawan ng parusa ang Chinese diplomat na katransaksyon ng Infinitus.

oOo

Para sa inyong katanungan, maaari po kayong tumawag o mag-text sa cell# 0917-861-0106.

58

Related posts

Leave a Comment