AT YOUR SERVICE NI KA FRANCIS SA tuwing eleksyon lang nagkakaroon ng pantay na karapatan ang mahihirap at mayayaman kaya samantalahin natin ang pagkakataong ito. Ang darating na Mayo 12, 2025 ay araw ng pagpili ng mga kandidato mula senador, party-list, kongresista, governor, vice governor, provincial board, city mayor, city vice mayor, city councilor, municipal mayor, municipal vice mayor at municipal councilor. Sa ating pagboto, ‘wag tayo pasisilaw sa kinang ng pera, pumili tayo ng tamang kandidato na hindi natin pagsisisihan pagdating ng panahon. Tuwing eleksyon ay maraming kandidato ang…
Read MoreCategory: OPINYON
LTO AO-VDM-2024-046 PERWISYO SA SECOND HAND VEHICLES SELLER, BUYER?
PUNA ni JOEL O. AMONGO ISA na namang pahirap sa libo-libong may-ari ng second hand na sasakyan ang inilabas na Administrative Order o AO-VDM-2024-046 ng Land Transportation Office (LTO) noong 2024. Sa pagsusuri ng PUNA, ang nasabing Admin Order ay nilagdaan ni LTO chief, Atty. Vigor Mendoza noong Agosto 30, 2024. Base sa kautusan, binibigyan lamang ang mga motorista ng 20 araw sa loob ng petsa ng pagbebenta upang iproseso ang kanilang sasakyan/motorsiklo sa paglilipat ng pagmamay-ari o mahaharap sa multang hanggang P40,000. Nakapaloob din dito na kailangan ang nagbenta…
Read MoreREGULASYON SA ELECTION SURVEYS
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NGAYONG umaarangkada na ang pangangampanya ng mga kandidato para sa mga national posts sa paparating na midterm elections sa Mayo, kaliwa’t kanan na rin ang lumalabas na impormasyon – mapatotoo man ang mga ito o hindi – dahil kanya-kanya na ng diskarte para manalo. Hindi maikakaila na isa sa tipikal na kinukunan ng impormasyon ng mga bumoboto, o kaya naman nakaiimpluwensya sa atin na gumawa ng desisyon ang mga survey. Naging bahagi na ng eleksyon ang pagsangguni sa mga ito ng kapwa kandidato at botante.…
Read MoreMAYOR MARCY MINUMURA, PINAGBABANTAAN MGA DOKTOR?
CLICKBAIT NI JO BARLIZO PINAG-UUSAPAN sa social media partikular sa Facebook ang pagmumura at pagbabanta nitong si Marikina Mayor Marcy Teodoro sa mga doktor ng Marikina City Health Office. Base sa isang audio recording, maririnig si Mayor Marcy na nagsasabing palagi raw walang supply ng libreng gamot sa mga City Health Center dahil inuuwi ito ng mga doktor para sa kanilang mga private clinic. Pagkatapos nito, minura niya ang mga doktor at tinawag silang “walang kwenta” at “nakakahiya.” Base pa sa nasabing audio recording, papalitan daw ang kalahati sa mga…
Read MorePAGCOR: PAGSUPORTA SA SCBPOs, PAGTATAGUYOD NG TRABAHO PARA SA MGA PILIPINO
TARGET NI KA REX CAYANONG SA harap ng patuloy na pagsusumikap ng pamahalaan na palakasin ang ekonomiya at lumikha ng mas maraming oportunidad sa trabaho, muling iginiit ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang suporta nito sa Special Class Business Process Outsourcing (SCBPO) sector. Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco, mahalaga ang papel ng SCBPOs sa pagbibigay ng mataas na kalidad na hanapbuhay sa libu-libong Pilipino, kasabay ng pagpapalawak ng industriya ng BPO sa bansa. Hindi maikakaila ang naging ambag ng industriya ng BPO sa paglago ng ekonomiya…
Read MoreKASO NI ALICE GUO SA BI, TINULUGAN?
BISTADOR ni RUDY SIM HABANG mainit na pinag-uusapan ang isinalang na impeachment kay Vice President Inday Sara Duterte at habang abala ang mga kandidato sa panunuyo ng boto ng taumbayan, ay tila nakalimutan na kung ano ang nangyari sa deportation case sa Bureau of Immigration ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping. Matatandaang dalawang beses na iniharap sa media ng Board of Special Inquiry ng BI, sina Shiela Guo noong October 4 at Alice Guo noong November 15, 2024 kung saan ay dininig ang kasong pamemeke…
Read MoreSANA DUMAMI PA UMATRAS SA SENATE RACE
CLICKBAIT ni JO BARLIZO UMATRAS na rin pala si Agri party-list Rep. Wilbert Lee sa pagkandidato sa Senado. Bago siya, unang bumitaw sa laban si Chavit Singson na idinahilan ang kanyang kalusugan. Umatras din si Doc Willie Ong na kapareho ni Chavit, kalusugan din ang dahilan. Ang tinaguriang Doktor ng Bayan ay mayroong sarcoma o abdominal cancer na kanya mismong inanunsyo noong isang taon. Ito namang si Lee, aminadong kulang ang kanyang makinarya sa pangangampanya kaya hindi na rin tutuloy. Napakarami pang tumatakbo ngayon sa Kongreso ang dapat matauhan at…
Read MoreSAGOT NG DMW OFFICIALS SA ISYU NG BALIKBAYAN BOXES
RAPIDO NI TULFO SINAGOT ng kalihim ng tanggapan ng Migrant Workers o Department of Migrant Workers, sa pamamagitan ng text na walang katotohanan na walang pondo ang DMW para sa cash assistance na ibinibigay ng ahensiya sa mga OFW na biktima ng balikbayan box scam. Ayon kay Sec. Hans Leo Cacdac, itinaas pa nga nila ang ibinibigay na assistance mula P10K hanggang P30K! Itinanggi rin ni Usec. Bernard Olalia ng DMW, na walang pondo ang kanilang tanggapan para sa cash assistance at sinabing imposible ito dahil galing ito sa kanilang…
Read MoreKAPURI-PURI SI GEN. ABERIN BILANG NCRPO CHIEF
TARGET NI KA REX CAYANONG MULING pinatunayan ng Philippine National Police-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO), sa ilalim ng matatag at masigasig na pamumuno ni Brigadier General Anthony Aberin, na walang puwang ang ilegal na droga sa ating lipunan. Sa loob lamang ng mahigit isang buwan—mula Enero 1 hanggang Pebrero 15 ngayong taon—ay umabot sa P124 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa pinaigting nilang kampanya. Isang napakalaking tagumpay ito hindi lamang para sa NCRPO kundi para sa buong bansa. Ang 15.26 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P103.79…
Read More