CABIAO, NUEVA ECIJA, LALONG AANGAT KAY KUYA RAV “KEVIN” RIVERA

TARGET ni KA REX CAYANONG

SA bawat sulok ng ating bansa, may mga lider na hindi lamang naging bahagi ng kasaysayan ng kanilang bayan, kundi naging mukha ng tunay na pagbabago.

Isa sa mga huwarang halimbawa nito ay ang pamilya Rivera ng Cabiao, Nueva Ecija. Sa ilalim ng liderato ni Mayor Ramil “RBR” Rivera—na nakatatlong termino—ay dumaan sa malawakang transpormasyon ang bayan ng Cabiao.

At ngayon, ang kanyang anak na si Konsehal Rav “Kevin” Rivera ang napili, hindi lamang ng ama, kundi ng mismong mga miyembro ng konseho at mga kapitan, upang ipagpatuloy ang nasimulan—isang malinaw na patunay ng pagkakaisa at tiwala sa kanilang pamumuno.

Mga kababayan, hindi ito simpleng kuwento ng pulitika. Ito ay kuwento ng isang bayang dahan-dahang bumangon at lumipad.

Sa panayam ng inyong lingkod kay Konsi Rivera, aba’y kitang-kita na talagang ganyan kalawak ang pagbabagong idinulot ng tamang pamumuno ng kanilang pamilya. Subalit sa kabila ng lahat ng ito, araw-araw nating nasasaksihan ang walang humpay na paninira sa social media laban sa mag-amang Rivera. Mga kababayan, bakit nga ba? Ano pa ba ang kulang? Bakit tila may ilan na hindi makuntento, kahit halatang-halata naman ang kaunlarang hatid ng kanilang liderato? Ang eleksyon ay dumaraan lamang.

Hindi ito dahilan upang kayo ay magsiraan, magbangayan, o magsabuyan ng putik. Sa huli, kayo rin ang magkakasama sa pamayanan. Kayo rin ang magbabanat ng buto para sa inyong pamilya. Ngunit ang pagkakaroon ng matinong lider ay malaking ambag para mapagaan ang buhay nating lahat.

Sabi nga ni Konsi Rivera, hindi perpekto ang sinomang namumuno. Ngunit kung pagbabatayan natin ang resulta—ang konkretong pagbabago—ay malinaw na ang Cabiao ngayon ay ibang-iba na kaysa noon. May direksyon, may sigla, may pag-asa.

Sa halalan noong 2022, malinaw ang mensahe ng mamamayan ng Cabiao—ang pagpili kay Mayor RBR, na nakakuha ng 25,342 boto, ay patunay ng tiwala ng taumbayan sa kanyang pamumuno. Bagama’t dikit ang laban laban kay Marcelo Santos ng PDP-LBN na nakakuha ng 24,193 boto, at kay Andy Francisco ng KBL na may 119 boto, nanaig pa rin ang boses ng mga nagnanais ng tuloy-tuloy na progreso.

Sa mga kababayan nating patuloy na nagmamatyag, sana’y makinig kayo. Sana’y hindi maging bulag sa ebidensiyang nasa harapan ninyo. Ang pagsuporta kay Kuya Rav “Kevin” Rivera ay hindi isang hakbang pabalik, kundi isang matapang na desisyong panatilihin ang daloy ng progreso.

Panahon na upang ipagmalaki ninyo ang Cabiao. Tigilan na ang paninira. Yakapin ang kinabukasang hatid ng pagkakaisa at pagpapatuloy ng tunay na serbisyo. Ang bayan ninyong mahal ay nararapat lamang pamunuan ng may karanasan, malasakit, at napatunayang kakayahan.

Suportahan ang mga Rivera, itaguyod ang totoo, ipaglaban ang tama, at isulong ang Cabiao tungo sa mas maliwanag na bukas!

32

Related posts

Leave a Comment