THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO MAGANDANG balita para sa mga customer ng Meralco ang kaka-anunsyo lamang nitong nakaraang linggo na bawas-singil sa kuryente ngayong buwan ng Enero. Nasa halos 22 sentimo ang ibinaba ng rate, na katumbas ng mahigit na 100 pisong mababawas sa bayarin ng isang customer na kagaya kong nasa halos 500 kWh ang buwanang konsumo. Dahil tataas na naman ang presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo, mabuti namang may relief naman para sa mga customer ng Meralco. Malaking tulong na rin ‘yan sa mga pamilyang Pilipino dahil…
Read MoreCategory: OPINYON
IHANDA NA BULSA SA PAGSIRIT PA NG PRESYO NG MGA BILIHIN
IHANDA na ang bulsa. Kapkapin kung kaya pa ang taas-presyo ng mga bilihin sa kondisyong lugmok na ang mga tao sa hirap iraos ang buhay araw-araw. Sa susunod na buwan, inaasahan ang pagtataas ng presyo ng 63 na bilihin. Andami! Kaya matuto pa ring mamaluktot kapag maikli ang kumot. Magtipid, o nagtitipid na nga, di ba? Buhay nga naman. Makapagtitipid pa ba ang salat na salat na? Eto kasi. Inaprubahan ng Department of Trade and Industry ang kahilingan ng mga manufacturer na itaas ang presyo ng 63 na bilihin sa…
Read MorePROBLEMA NG OFWs ‘DI YATA NAIINTINDIHAN
RAPIDO NI TULFO ALAM kaya ng TINGOG at OFW party-lists, na nagsasagawa ng pagdinig ngayon sa isyu ng abandonadong balikbayan boxes sa Kamara, ang lawak ng problemang ito? Napaisip ang inyong likod matapos na malaman po natin ang pagbibigay ng sampung libong pisong (P10K) financial assistance sa mga kababayan nating OFWs na tinawag ng ating mga mambabatas na mga biktima ng scam. Ilang mga kababayan natin na dating OFWs sa Saudi Arabia, ang dumalo sa naunang pagdinig. At sila rin ang mga naunang nabigyan ng sampung libong pisong cash assistance.…
Read MoreMAY MGA ‘DINAGA’ RAW SA RALLY FOR PEACE
CLICKBAIT ni JO BARLIZO BUGBOG sa mga pinagdedebatehang isyu ngayon ang madlang Pinoy. Nangunguna siyempre dyan ang tanong kung dapat ba o hindi na i-impeach si Sara Duterte. Natapos na ang rally na bagaman ipinagdiinan na para sa kapayapaan ay marami ang hindi kumbinsido dahil balatkayo lamang daw ito ng tunay na pakay na walang iba kundi depensahan ang inuusig na Bise Presidente. Heto nga at maraming ikinakasa na susunod na mga rally na pabor naman sa impeachment. Pero aminin natin nasa kamay ng mga mambabatas ‘yan kung lalarga o…
Read MoreGUN BAN OPERATIONS, MAS PAIIGTINGIN NG PNP – GEN. FAJARDO
TARGET NI KA REX CAYANONG HABANG papalapit ang 2025 midterm elections, patuloy na pinalalakas ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kampanya laban sa ilegal na mga gawain, partikular na ang mga lumalabag sa ipinaiiral na election gun ban. Ayon kay Police Regional Office 3 Director at PNP Spokesperson P/BGen. Jean Fajardo, umabot na sa 31 ang nahuling mga lumabag sa gun ban, kasama sa mga nahuli ang mga sibilyan, security guards, isang appointed government official, at isang miyembro ng militar. Ang mga ito ay nahuli sa iba’t ibang checkpoints at…
Read MoreTIWALA NI FIRST LADY, SINISIRA NG BI DEPCOM?
BISTADOR ni RUDY SIM SA pagpasok ng bagong taon, tila walang ipinagbago ang maruming kalakaran sa Bureau of Immigration, kung saan ang slogan nito na “Bagong Immigration” ay isa na lamang scam. Paano kaya mababago ang hindi naging magandang imahe sa publiko ng ahensya kung ang isa sa pinakamataas na opisyal dito ay lantaran ang pambababoy sa BI, na nagpapakita ng isang hindi magandang halimbawa sa mga ordinaryong empleyado rito. Sinasabi ng karamihan sa BI na itong si Deputy Commissioner Atty. Daniel Laogan ay inilagay sa puwesto ni First Lady…
Read MorePOLITIKO DAPAT ‘DI NAGNENEGOSYO
DPA ni BERNARD TAGUINOD KAPAG nangangampanya ang mga kandidato, ang palagi nilang ipinapangako sa atin ay tayo ang pagsisilbihan, gusto nilang itaas ang kalidad ng ating pamumuhay, aalagaan ang ating kalusugan at magkakaroon tayo ng hanapbuhay. Pero kapag nakaupo na ang mga ‘yan, ‘yang mga pangako ay hindi na matutupad at kabaliktaran ang mangyayari dahil sila ang umaasenso ang buhay, sila ang nagkakaroon ng hanapbuhay. Hindi man lahat, pero karamihan sa mga politiko ay negosyante at ang kanilang mga negosyo ay may kinalaman sa konstruksyon. Marami niyan sa Mababang Kapulungan…
Read MoreSPAGHETTI WIRES NO MORE
GENZ TALKS ni ANG Calle Real, o J.M. Basa Street sa Lungsod ng Iloilo, ay naging mas ligtas at mas malinis na lugar matapos alisin ng gobyerno ang magulong overhead wires. Ang mga “spaghetti wire” na ito ay matagal nang nakasisira sa paningin at isang panganib, ngunit ngayon, salamat sa underground na proyekto ng paglalagay ng kable, ang kalye ay mukhang mas maganda at mas ligtas sa panganib. Ito ay bahagi ng proyekto ng Hybrid Underground Distribution ng lungsod, na naglalayong ibalik ang kagandahan ng Calle Real, isa sa pinaka-makasaysayang…
Read MoreYEAR OF THE SNAKE, SUWERTE O MALAS KAYA KAY PLTCOL. PARLADE?
PUNA ni JOEL O. AMONGO GAGAPANG kaya na tulad ng ahas patungo sa tinatawag na “Kangkungang” assignment o mahuhubaran ng uniporme itong si PLTCOL. REYNANTE PARLADE ngayong taong 2025? Si PLTCOL. PARLADE ay inireklamo sa Office of the Ombudsman ng dati niyang mga tauhan sa Galas Police Station 11 ng Quezon City Police District (QCPD). Sa sulat na may petsang Nobyembre 19, 2023 ng mga tauhan ng Galas Police Station 11, na tinanggap ng Office of the Ombudsman noong Nobyembre 20, 2023, hiniling nila ang agarang imbestigasyon kay PLTCOL. Parlade. …
Read More