ITO ANG TOTOO Ni Vic V. VIZCOCHO, Jr. KAYA nga may “expressway” ay upang mapadali, mapa-ginhawa at maging mas ligtas ang pagbibiyahe ng mga motorista, mapa-pribado, pampubliko at negosyo. Ito Ang Totoo: sa North Luzon Expressway (NLEx) at Subic-Clark Tarlac Expressway (SCTEx), kung hindi may sira, may ginagawa kaya ang resulta lagi na lang may abala na bukod sa perwisyo ay talaga namang nakakaaburido. Karanasan po natin ito sa NLEx at SCTEx na lagi nating dinadaanan, pero “in fairness,” baka nangyayari rin sa ibang lugar na hindi lang natin pinupuntahan.…
Read MoreCategory: OPINYON
TIGIL-OPERASYON NG E-SABONG NAKAAPEKTO SA MGA BANGKO
SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG MAGING ang financial institutions ay apektado rin pala ng highly controversial shutdown ng online cockfighting o eSabong. Ito’y matapos mabunyag na tinatayang P5 bilyon ang nasayang na potential revenue ng gobyerno ngayong taon. Ang pondo pala mula sa mga larong katulad nito ay napupunta sa accredited banks tulad ng Philippine Business Bank (PBB) na nakipag-partner sa gaming centers. Nagre-remit din kasi sila ng pera sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para sa ‘cut’ ng ahensya. Ayon kay PBB President Roland Avante, kahit…
Read MoreMAY PIRATED VCD SA BI
BISTADOR Ni RUDY SIM SA kabila ng mahigpit na direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa mga kawani ng pamahalaan laban sa katiwalian ay mayroon pa rin talagang ilang pasaway at walang takot sa pagsasamantala sa kanilang kapangyarihan. Isa na rito ang ilang tauhan umano ng “Verification and Compliance Division” (VCD) ng Bureau of Immigration (BI) na tila mga piratang nambibiktima ng lehitimong travel agents. Mula nang manalasa ang pandemya sa buong mundo bunsod ng Covid-19 ay maraming negosyo ang hindi pa rin nakababangon. Isa na marahil sa mga…
Read MorePAGTUTULUNGAN SA PAGHAHANDA SA 2023 FIBA WORLD CUP, KAILANGAN
SA GANANG AKIN Ni JOE ZALDARRIAGA ANG larong basketbol ang isa sa mga paborito at pinakaminamahal na laro ng mga Pilipino kaya’t hindi kataka-taka na marami ang masaya at nananabik sa nalalapit na pagdaraos ng FIBA Basketball World Cup sa ating bansa. Batid ang kahalagahan ng kaganapang ito, ilang mga sikat na personalidad sa industriya ng isports gaya ng bagong upong Chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) na si Noli Eala ang nagpahayag ng buong suporta sa paghahandang ginagawa ng pribadong sektor at sa kampanya ng Gilas Pilipinas. Hindi biro…
Read MorePIGEON RACING, TAMPOK SA KALAPATI SPORTS
KALAPATI SPORTS Ni KA REX CAYANONG HINDI maitatatwa na sikat na sikat ngayon ang pigeon racing o karera ng kalapati. Isa ito sa mga paboritong libangan ng mga Pinoy, isang uri ng sports kung saan pinapalipad ang espesyal na bihasang kalapati o homing pigeon. Pagkatapos naman, babalik ito sa kanilang mga tahanan at maingat na sinusukat ang distansya. Siyempre, ang oras na aabutin ng hayop upang masakop ang tinukoy na distansya ay sinusukat habang ang rate ng paglalakbay ng ibon ay kinakalkula at inihahambing sa lahat ng iba pang mga…
Read MoreHUSTISYA PARA SA ANAK NG OFW NA NA-GANG RAPE
AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP NAKADUDUROG ng puso ang sinapit ng isang batang babae na 13 taong gulang, sa kamay ng grupo ng kalalakihang halang ang kaluluwa na halinhinang ginahasa ang biktima. Hindi ko maiwasan na tumulo ang aking luha habang isinusulat ko ang artikulo na ito. Dahil bilang isang OFW, ang aming tanging hangarin lamang kung bakit kami nagsusumikap na magtrabaho sa ibang bansa ay upang mapag-aral ang aming mga anak, magkaroon ng munting hanap-buhay at ang ikatlo ay magkaroon ng sariling tahanan. Ngunit dahil sa pagiging…
Read MoreHIRING ANG SINDIKATO SA NAIA?
BISTADOR Ni RUDY SIM IKAW ba ay tambay at walang silbi sa buhay? Gusto mo bang kumita ng pera kahit nasa bahay ka lang? Ano pang hinihintay mo! Aba, maghanap ka ng trabaho, bwisit ka! Lahat tayo ay nangangarap na gumanda ang kinabukasan ng ating mga mahal sa buhay at magkaroon ng disenteng trabaho at kita na galing sa ating pinaghirapan. Ngunit sa panahon ngayon, ano man ang inyong natapos at narating sa buhay, ay napakahalaga pa rin sa isang tao na magkaroon ng disiplina sa sarili na halos wala…
Read MoreBAKIT HINDI NASIBAK SA PWESTO ANG MGA SANGKOT SA KATIWALIAN SA MENTAL HOSPITAL?
RAPIDO Ni PATRICK TULFO HINDI pa rin daw natitigil ang katiwalian sa loob ng National Center for Mental Health (NCMH), ayon sa kuwento ng isang mapagkakatiwalaang source kahit pa nasampahan na ng kaso na may kinalaman sa korapsyon. Nakapagtatakang hindi na-relieve sa pwesto ang mga sangkot sa katiwalian kahit pa ang National Bureau of Investigation (NBI) na ang nagsampa ng kaso laban sa mga ito. Hindi ba dapat kapag sangkot sa kaso ang isang kawani o opisyales ng gobyerno, ito ay pansamantalang ililipat sa ibang pwesto kundi man ilalagay sa…
Read MoreARAYKUPO! SANGKOT NGA BA ITONG SI GOBERNADOR?
MY POINT OF BREW Ni JERA SISON May nabasa akong ulat sa SAKSI NGAYON tungkol sa umano’y illegal na pasugalan sa Oriental Mindoro. Ito daw ay kinasasangkutan ng Global Mobile Online Corp. na nagpapatakbo ng tinatawag na ‘Peryahan ng Bayan’ o PNB. *** Naks naman. Sa kanilang acronym, parang bangko ang dating. Kaso ang pagkakaiba ay hindi ito maaaring magdeposito at mag-impok. Kinalaunan ay lalago ang iyong pera at maski papaano ay magkakaroon ng interest ito sa bangko. Sa PNB ng Globaltech Mobile Online Corp., kukuha sila ng pera sa…
Read More