OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO BAGO ang lahat ay nais muna nating batiin ang ating mahal na Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ng isang Maligayang Kaarawan. Nagdaos kasi ng kanyang ika-65 kaarawan kamakalawa si PBBM at dalangin natin na pagkalooban siya ng magandang kalusugan ng ating Panginoong Diyos para patuloy niyang mapaglingkuran nang maayos ang ating sambayanan. Balik tayo sa ating paksa ngayong isyu. Kamakailan ay lumabas ang ulat mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na nagsasabing mas bumaba ang food inflation rate sa buong bansa sa 6.5 percent nitong Agosto…
Read MoreCategory: OPINYON
PALPAK NA PROGRAMA NG NAKARAANG ADMIN
DPA Ni BERNARD TAGUINOD ISA sa mga pinagdiskitahan ng nakaraang administrasyong Rodrigo Duterte ang mga traditional jeep na namamasada sa Metro Manila na tila gustong paglahuin sa mga lansangan. Nagkaroon ng mga modernong jeep sa mga lansangan pero mangilan-ngilan lang dahil hindi kaya ng mga ordinaryong operator na bumili ng napakamahal na sasakyan. Naglaan ang Department of Transportation (DOTr) ng pondo para i-subsidize ang mga gustong bumili ng modernong jeep pero hindi kinagat ng mga operator dahil P160,000 bawat unit lang ang sasagutin ng gobyerno sa mahigit isang milyong pisong…
Read MoreTAMANG TAO PARA SA SHFC
PUNA Ni JOEL AMONGO SA loob ng mahabang panahon, nagpasalin-salin ang administrasyon. Sa tuwing may uupong bagong pangulo, kabilang ang pabahay sa kanilang mga ipinangangako. Ang totoo, walang dudang hangad ng lahat ng nagdaang pangulo na tuldukan na ang problema sa pabahay, subalit sadyang mahirap humanap ng tamang tao na magsasakatuparan ng programang pabahay ng gobyerno. Kung pagbabatayan ang datos ng pamahalaan, sadyang nakaaalarma ang antas ng tinatawag na “housing backlogs.” Sa pagtataya ng mga dalubhasa sa loob at labas ng pamahalaan, posibleng pumalo ng 22 milyon (katumbas ng 20%…
Read MoreTUNTUNIN ANG PINAGMULAN NG TEXT SCAM
HUWAG po kayong maniwala sa text na naglalaman ng inyong pangalan na nag-aalok ng trabaho, pabuya o pera. Ito po ay isang scam. Ito ang text blast ng National Telecommunications Commission (NTC) na huli na sa panahon dahil maging ang mga mambabatas ay nag-iingay na sa pagtunton sa pinagmulan ng panggagantso gamit ang pinakabagong teknolohiya sa internet. Marami na ang naging biktima, ngunit hindi nabigyan ng solusyon ang mga sumbong. Kung hindi naging biktima ang ilang mambabatas ay hindi magkukusa ang mga ito na gumawa ng hakbang. Sa pinakahuling pagtalunton…
Read MoreSIPAG NI OPLE, IKINAGULAT NG MGA OFW
AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP BAGO pa man naitalaga si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople ay napakaraming pambabatikos na ang ginawa ng ilang pinuno ng iba’t ibang grupo sa kagustuhan nilang siraan ito kay Pangulong Ferdinand ” Bongbong” Marcos, Jr. o PBBM. Kabilang sa paninira kay Ople ang sinasabing may malubha itong karamdaman at hindi na kayang gampanan ang kanyang katungkulan. Isa pa nga rito ang sinasabi ng pinalitan nitong opisyal na si Secretary Dabs Mamao na nagsasabing ang kailangang mai-appoint na opisyal ng…
Read MoreFACE MASK GAWIN NANG OBLIGASYON
PRO HAC VICE NI BERT MOZO NANINIWALA ang isang eksperto na tanggap na ng maraming Pilipino ang pagsusuot ng face mask para maproteksyunan ang kani-kanilang sarili laban sa iba’t ibang mga sakit. Ito’y sa gitna na rin ng panukala ng pagluluwag sa mandatory na pagsusuot ng face mask sa open spaces o mga lugar na may mataas na bentilasyon. Paliwanag ni Dr. Nina Gloriani, vaccine expert ng DOH, wala naman siyang nakikitang problema sa pag-normalize mula sa pandemya subalit dapat aniya magkaroon ng mga pamantayan o indicators bago payagang magluwag…
Read MorePNP OFFICIAL NA SANGKOT SA KATIWALIAN NA-PROMOTE PA!
RAPIDO Ni PATRICK TULFO MAKULAY pala ang nakaraan nitong bagong talagang Manila Police District Director P/BGen. Andre Perez Dizon, ayon sa isang kasamahan sa hanapbuhay na aking nakakuwentuhan kamakailan lamang. Ito raw si Gen. Dizon ay sangkot sa katiwalian noong siya ay nasa PNP SAF pa, na may kinalaman sa maling paggamit ng pondo ng SAF na nagkakahalaga ng P58.9 million na additional subsistence allowance sana para sa 4,000 miyembro ng PNP Elite Force, na ginamit daw bilang operational expenses noong taong 2016-2017. Matatandaang hindi nakarating sa libo-libong SAF troopers…
Read MoreCONG. ARNIE TEVES ‘LODI’ NG BAYAN
SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG NAGIGING ‘lodi’ na ng bayan si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” A. Teves Jr. Paano kasi, namimigay siya ng papremyo sa mga kapus-palad at tuloy-tuloy ang serbisyo sa bayan. Kilalang matulungin ang mama. Kaya naman, kahit saan siya pumunta, kapag may nakikita siyang nangangailangan ng tulong, aba’y tinutulungan niya talaga. Kaya maraming humahanga sa kanya. Kahit sa social media, dumarami ang followers ng mamang kongresista. Wala kasi siyang pinipili. Kapag nangailangan, hindi siya nagdadalawang-isip na bigyan ito ng karampatang ayuda o…
Read MoreKWALIPIKASYON PARA MAKAUTANG NG PUHUNAN SA BANGKO
Money Man column Ni Victorino O. Vasco III ANO ba ang kwalipikasyon para makautang sa mga bangko ng puhunan sa negosyo? May mga panuntunan ang bawat indibidwal, negosyo o kumpanyang nagnanais umutang sa bangko. Kilala ito bilang 5 C’s of Credit. Sila ang pamantayan para masukat ang mga panganib sa pagpapautang sa bawat nanghihiram sa bangko. Pinag-aaralan mabuti ang mga aplikanteng umuutang. Bakit sila nanghihiram? saan gagamitin? at kakayahan o probabilidad na maibabalik ang perang inutang. Character – Pinaka importante sa lahat ng akdang kwalipikasyon ang karakter ng tao o…
Read More