ES VIC RODRIGUEZ, BAGONG KUYA NG MGA OFW

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP SABAY-SABAY na nag-uwian noong Agosto 2 ng gabi ang 288 na OFW mula sa bansang Kuwait lulan ng eroplano ng Philippine Airlines. Ito ang unang repatriation flight sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Karamihan sa mga OFW na nagsiuwi ay mga maituturing na distressed OFW na matagal nang nakabinbin sa Talha Deportation Center-Kuwait at sa Philippine Overseas Labor Office-OWWA Bahay Kalinga. Kabilang sa mga umuwi ay ang tatlong OFW na may malubhang karamdaman na cancer at pati na rin ang…

Read More

“PLAYERS WIN GAMES, COACHES LOSE THEM”

MY POINT OF BREW Ni JERA SISON ITO ang kasabihan sa sports. Kapag maganda at sunod-sunod ang panalo ng isang koponan, ang bida ay ang mga manlalaro. Kapag talunan, palpak daw ang coach at dapat palitan. Ang mahirap sa iba riyan ay hindi naman nila alam ang istorya sa likod nito. *** Tulad na lang sa nangyayari sa SBP at Gilas Pilipinas. Dahil sunod-sunod ang pagkatalo ng Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA Asia Qualifying Round na ginanap sa Indonesia, kasama na ang hindi matagumpay na pagdepensa ng korona sa basketball…

Read More

NAG-MAHJONG NGA BA SI SISTER?

BISTADOR Ni RUDY SIM INAALMAHAN ngayon ng ilang lider ng simbahan ang isang eksena sa pelikulang “Maid in Malacañang” na tila nagpapakita ng nangyari noong February 1986 na may isang tila hawig ni Cory Aquino kasama ang ilang madre habang nag­lalaro ng mahjong. Ayon sa pahayag ng “Carmelite Nuns” na nakabase sa Cebu, walang nangyaring ganito habang nasa kalagitnaan ng kaguluhan sa EDSA, at sila umano ay nagdarasal para sa kapayapaan ng bansa? Weh! Naku, sister, bad po ang magsinunga­ling, magagalit si Father. Ngunit ayon naman sa director ng pelikula…

Read More

“TRABAHO LANG TAYO, PAT” – SEC. ERWIN TULFO NG DSWD

RAPIDO Ni PATRICK TULFO MADAMI po akong natatanggap na mensahe mula sa mga tagasuporta at kaibigan na pinupuri ang ipinapakitang kasipagan ng aking tiyuhin na si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo. Sabi pa nga ng isang kaibigan, “Si Uncle Erwin mo ang pinakamasipag na miyembro ng gabinete ni PBBM”. Pero knowing Uncle Erwin, kapag sinabi ko ito sa kanya siguradong ang isasagot nito sa akin ay: “TRABAHO LANG TAYO, PAT”. Naalala ko tuloy ang sagot nito sa aking tanong ukol sa mga banat ng ilang…

Read More

KAMPANYA KONTRA DROGA

DEKADA sitenta nang umpisahan ng pamahalaan ang giyera kontra droga. Katunayan, taong 1973 nang patawan ng parusang ­kamatayan sa paraan ng firing squad ang Tsinong drug lord na si Lim Seng. Matapos ang halos limang dekada, nanatiling banta sa lipunan ang droga. Pamilya, negosyo, kredibilidad, hanapbuhay, relasyon sa Panginoon – ilan lang ‘yan sa mga nalalagay sa kompromiso sa tuwing may isang miyembro ng pamilya ang nalululong sa bisyong nagsimula sa opyo, marijuana, syrup, mga pampakalmang pildoras, shabu, cocaine, heroin, ketamine hanggang ecstasy. Sa pagtatalaga kay General Rodolfo Azurin bilang…

Read More

SINO ANG TAKOT SA ROTC?

OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO NAKAPAGTATAKA ang ingay na nililikha ng panukalang pagbabalik ng programang Reserve Officers’ Training Course (ROTC) para sa mga mag-aaral sa Grade 11 at 12. Sa totoo lang ay wala naman dapat problema ang panukalang ito sapagkat maganda naman ang layunin nina ­Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at VP Inday Sara Duterte na siya ring concurrent Education Secretary, kaugnay ng usaping ito. Sa kanyang kauna-unahang State of the Nation ­Address, ipinaliwanag ni PBBM na kailangang maibalik ang ROTC dahil aniya ay mabisang paraan ito upang magkaroon…

Read More

PANAHON NA

DPA Ni BERNARD TAGUINOD ISA sa nais ko at siguro ng mayorya sa mga Filipino, na maging batas ang isang panukala sa Kamara na patatagin na ang political system sa bansa at bigyan ng leksyon ang balimbing na mga pulitiko. Sana ngayong 19th ­Congress ay maipasa na ito dahil ilang beses na itong sinubukang ipasa sa mga nakaraang Kongreso subalit hindi pinapansin ng mayorya sa mga mambabatas. Sabagay, sino ba ang gagawa ng batas na sila rin ang tatamaan? Mukhang bihira sa mga mambabatas ang kayang isakripisyo ang sariling kapakanan…

Read More

ES SUPORTADO NG MGA PINOY

PUNA Ni JOEL AMONGO IPINAKITA ng PNPA Kapanalig Class ’97 ang suporta nila kay Executive Secretary (ES) Victor “Vic” Rodriguez sa isang testimonial dinner na ginanap noong July 30, 2022. Sa talumpati ni ES Rodriguez, sinabi niya na labis siyang nagpapasalamat sa mga nakibahagi para maging posible ang naturang espesyal na pagtitipon. Binigyan pugay rin niya ang mga miyembro ng PNPA Kapanalig Class ’97 sa kanilang pagkamakabayan, at katapangan para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino. Nauna pa rito, kamakailan ay pinarangalan ng mga barangay captain ng Quezon City si Atty.…

Read More

TULOY ANG BUHAY KAHIT WALANG ICC

SA ilalim ng umiiral na Saligang Batas, may tatlong sangay ang pamahalaan – ang ­ehekutibo, lehislatura at ang hudikatura. Ang bawat sangay, may kanya-kanyang mandato. Pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng pamahalaan ang nakaatang sa ­sangay ng ehekutibong pinamumunuan ng halal na pangulo, habang pagbalangkas at pag-amyenda naman ng mga batas na angkop sa panahon ang mandato ng lehislaturang kinabibilangan ng Senado at Kamara. Obligasyon naman ng hudikatura ang ­tiyaking umiiral ang hustisya kesehodang pobre o may kaya. Malinaw na pinag-isipang maigi ang istruktura ng gobyerno. Sa nakalipas na…

Read More