MAS MATAAS ANG PRESYO NG KURYENTE SA LALAWIGAN KAYSA PRESYO NG MERALCO

MY POINT OF BREW Ni JERA SISON EH ano ang pinuputok ng butse ng mga militante at umano’y consumer groups na walang ginawa kundi batikusin ang Meralco na mataas daw ang kanilang singil sa kuryente? Aba’y ‘di hamak na mas mataas pala ang presyo ng kuryente sa ibang lalawigan kung ating ­ihahambing sa Metro Manila. Hindi lang ‘yan, mataas na nga ang singil sa kuryente sa lalawigan, panay pa ang brownout sa kanila! *** O, nasaan na ang Bayan Muna, Gabriela, NASECORE, Kuryente.Org, Power for People Coalition (P4P), Anak Pawis,…

Read More

ILANG NEWS AGENCIES BAYAD SA PANINIRA KAY ES RODRIGUEZ?

BISTADOR Ni RUDY SIM HABANG patuloy na pinupunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang marami pang bakanteng posisyon sa ­gobyerno ay walang humpay pa rin na nadadagdagan ang pangalan ng ilang aplikante sa mahabang karera kung sino ang masuwerteng makaka-abot sa finish line upang maging bahagi ng Marcos administration. Masusing hinihimay ang katauhan ng lahat ng mga nagnanais na magkaroon ng magandang puwesto sa pamahalaan kung saan ay isa sa mga pinagkatiwalaan ni PBBM ay si Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez, upang pag-aralan ang kakayahan at hindi titingnan ang…

Read More

NAUNSYAMING GANANSYA

SA kumpas ng pangulo, mistulang nabulilyaso ang bonggang ­ganansya ng mga mapagsamantala. Ayon sa Palasyo, ibinasura ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang rekomendasyon ng isang mataas na opisyal sa gobyerno kaugnay ng isinusulong na pag-angkat ng 350,000 metriko toneladang asukal mula sa ibang bansa. Sa wakas! May nanindigang pangulo laban sa nakasanayang ­diskarteng pilipit ng mga negosyanteng mapagsamantala at ilang ­tiwali sa gobyerno! Ayon kay Sugar Regulatory Administration (SRA) chief Hermenegildo Serafica, inaprubahan ng pangulo ang pag-angkat ng asukal sa hangaring maibsan ang kapos ng supply sa bansa. Sa isang…

Read More

NAGSASAYANG LANG NG PERA?

DPA Ni BERNARD TAGUINOD KUNG merong isang napakahalagang bagay na hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin ng national at local government ay ang ­patuloy na pagtaas ng lebel ng dagat na nagiging dahilan kung bakit hindi maresolba ang baha sa Metro Manila. Mukhang nagsasayang lang ng taxpayers money ang national at local government units (LGUs) dahil ang lagi nilang solusyon kapag may baha sa kanilang nasasakupang lugar ay itaas ang kalsada. Isang halimbawa na riyan ang Timog Avenue at karugtong na mga kalsada sa Quezon City na itinaas pero lubog pa…

Read More

BAGONG LTO CHIEF PRO-POOR?

PUNA Ni JOEL AMONGO HINDI nagkamali sa pagpili si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kay Transportation Assistant Secretary Atty. Teofilo “Jojo” E. Guadiz III bilang bagong hepe ng Land Transportation Office (LTO). Sa pag-upo pa lamang ni Guadiz sa LTO ay agad siyang nagpahayag na marami siyang babaguhin sa opisinang kanyang pinamumunuan. Una, ay ang sobrang mahal ng bayad sa pagkuha ng lisensiya sa pagmamaneho. Sa pagkakaalam ko bilang may driver’s license rin, mula tatlong libong piso hanggang limang libong piso ang lahat-lahat ng gagastusin sa pagkuha ng lisensiya. Ayon…

Read More

PANAWAGAN NG DALAWANG OFW SA DAMMAM, SAUDI ARABIA

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP DUMULOG sa AKO OFW ang isang kabayani na ­kasalukuyang nasa Jeddah, Saudi Arabia upang ipaalam sa Department of Migrant Workers lalo na sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang kanyang kasalukuyang kalagayan upang siya ay matulungan. Si Rita Dreo ay nakarating sa Dammam, Saudi Arabia sa pamamagitan ng kanyang ahensya na Manila Talentsphere Inc. noong Enero 14, 2021. Ngunit imbes na sa Dammam magtrabaho ay inilipat siya sa ibang amo sa Jeddah, Saudi Arabia ng kanyang ahensya roon na Eastern Sahl Recruitment Office.…

Read More

GOOD CHOICE NG MARCOS ADMINISTRATION

PRO HAC VICE Ni BERT MOZO TAMA LANG! Good choice ika nga ang itinalagang chairman ng Commission on Election na si Atty. George Garcia. ‘Yan ay dahil sa expertise ni Chairman Garcia sa election law dahil porte niya ang election cases simula nang siya ay maging ganap na abogado noong 1990s. Si Chairman Garcia ay mahinahong magsalita, ­approachable sa lahat ng media entities, walang maraming kiyeme kapag tinatanong sa isyu ng halalan, higit sa lahat ay matalino at alam ang pasikot-sikot ng election laws. Nito lamang ilang araw matapos na…

Read More

MALAWAKANG BALASAHAN SA PNP, ITINIMBRE! AT CMG, MAY PANIBAGONG ABANDONED CONTAINERS

RAPIDO Ni PATRICK TULFO ISANG malawakang balasahan ang ipinatutupad sa hanay ng Philippine National Police (PNP) ngayon matapos maupo si Lt. Gen. Rodolfo Azurin Jr. Ayon sa aking source, ngayon lang nangyari na lahat ng nakapuwesto ay pinalitan. Hindi naman daw bago na magkaroon ng balasahan sa hanay ng PNP kapag nagpapalit ng liderato at inaasahan na magkakaroon ng paggalaw sa key positions, pero ikinagulat daw ng ilan ang malawakang balasahan na kung saan ang ilang mga heneral ay mistulang na-demote sa pwesto! Komento pa nga ng ilang kasamahan sa…

Read More

KALUSUGAN HIGIT SA LAHAT

HINDI pa man humuhupa ang banta ng COVID-19, muling nalagay sa alanganin ang kaligtasan at kalusugan ng mamamayan sa pagsulpot ng monkeypox, dengue at iba pang karamdamang karaniwang laganap sa tuwing tag-ulan. Bagamat may kagawarang mandato’y isulong ang mga programang pangkalusugan, marami pa rin ang diskumpyado sa kakayahan ng ­Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa larangan ng kagyat na pagtugon sa gastusing kalakip ng pagkakasakit. Katunayan, mismong ang gobyerno ay amina­dong maraming Pilipino ang pumapanaw nang hindi man lang nilalapatan ng lunas ang iniindang karamdaman. Wala kasing tumatayong guarantor ng…

Read More