MATAAS ang expectation ng mga tao sa mundo sa Amnesty International (AI) lalo na ang mga biktima ng karapatang pantao dahil ang grupong ito ang nakikipaglaban para palakasin ang human rights sa daigdig kabilang na ang Pilipinas. Pero gumuho ang reputasyon ng AI matapos ang tila pagkampi nila sa Russia at sinisi ang mga sundalo ng Ukraine na gumagamit ng taktika na naglalagay sa panganib sa mga Ukrainian. Hindi ikinonsidera ng AI ang katotohanan na ang Russia ang lumusob sa Ukraine at ang mga sundalong Russo ang walang habas na…
Read MoreCategory: OPINYON
MAY PROBLEMA ANG NATIONAL ID PROJECT
NOONG Enero ng nakaraang taon kung kailan nasa kasagsagan ang pananalasa nang COVID-19, nakatanggap ako ng abiso mula sa Makati City Hall kung saan inaanyayahan ang mga residente ng lungsod para magpatala kaugnay ng programa para sa national ID. Dahil maganda naman ang layunin ng programa ay agad akong nagpunta kasama ang isa kong anak sa city hall para magpatala. Gaya ng inaasahan ay pumila kami at matapos kaming kuhanan ng aming personal details at maging ng larawan ay natapos ang proseso. Pagkatapos noon ay sinabi ng staff ng Philippine…
Read MoreGOV’T OFFICIALS NA PASAWAY, RESIGN!
KAYONG mga nasa gobyerno na ang pakay lang ay kumuha ng pwesto para pagkaperahan ang opisina na inyong pinapasukan, ngayon pa lang ay magsabay-sabay na kayong magsipag-resign. Sundan n’yo agad si Department of Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian na nasa likod ng kontrobersiya sa planong pag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal. Si Sebastian ay napilitang magbitiw sa kanyang pwesto matapos na matuklasan na siya ang pumirma sa resolusyon na naglalayong mag-importa ng 300,000 metric tons ng asukal ang Sugar Regulatory Administration (SRA). Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong nakaraang…
Read MoreJOBLESS DUMARAMI SA PAGKAWALA NG E-SABONG
SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG KAHIT kakaunti na lamang ang naitatalang mga kaso ng COVID-19 sa bansa, marami pa ring walang trabaho. Nagpapatuloy ang krisis. Nariyan pa rin ang banta ng virus. Ang matindi, may lumitaw pang monkeypox at langya virus. Ngunit pinaniniwalaang malaki ang naging epekto ng pagkawala ng e-sabong o online sabong sa bilang ng mga walang trabaho sa bansa. Kung matatandaan kasi, sa June 2022 labor force survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), aba’y mahigit sa 2.9 milyong Pilipino ang naitalang jobless. Naku, ang masaklap,…
Read MoreINTERNET CONNECTIVITY, UUNLAD SA ILALIM NI PBBM
LUBHANG nabago ang ating pamumuhay dahil sa mabilis na pag-unlad ng internet connectivity sa ating bansa. Lalo na noong panahon ng pandemya na dumepende ang mamamayan at mga negosyo sa benepisyo ng internet connection. Dahil sa patuloy na pagtaas ng demand sa internet connectivity, tinatayang nagkakahalaga na ng $7.5 bilyon ang internet economy ng Pilipinas, base sa pag-aaral ng Alpha Beta, isang strategic economics consultancy company. Ayon pa rito, inaasahan pang tataas mula 30 porsyento hanggang $28 bilyon sa taong 2025. Sa kasagsagan ng pandemyang dulot ng COVID-19, lalong lumaki…
Read MoreNO. 1 TOURIST DESTINATION SA GITNANG LUZON ANG SUBIC BAY FREEPORT
NAPABANGON nang maaga ang beteranong journalist na si Wilfredo “Willy” Capulong, isang umaga nitong nakaraang linggo dahil sa narinig na komentaryo sa isang national radio station tungkol sa “SBMA” (Subic Bay Freeport?). Pero bago tayo magpatuloy, linawin muna natin ang pagkakaiba ng Subic Bay Freeport at SBMA o Subic Bay Metropolitan Authority. Marami kasi, kasama na ang kilalang media personalities at maging government officials, na mali ang pag-tukoy sa dalawa, at hindi sila nahihiya dahil siguro nga, hindi nila alam at hindi na nila inaalam. Ito Ang Totoo: Ang SBMA…
Read MoreTRAPIK SA METRO MANILA
PARA sa mga ekonomista, indikasyon ng pag-unlad ng isang bansa ang pagdami ng mga sasakyang dumadaloy sa mga pampublikong lansangan. Gayundin ang pamamayagpag ng mga bangko at negosyo. Subalit tulad ng karaniwang giit ng mga sinaunang tao – ang lahat ng sobra ay sadyang nakasasama – tulad ng alak, sigarilyo at iba pang bisyo at kapritso. Ganito rin ang sitwasyon sa National Capital Region. Ang dating talahiban na kung tawagin ay Rizal, isa nang ganap na sentro ng poder at komersyo. Sa Metro Manila ay makikita ang pinakamalaking mga kumpanya,…
Read MoreOFW AYAW PAUWIIN NG AMO, NAGTANGKANG MAGPAKAMATAY
AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP LABIS-LABIS ang pag-aalala ng isang ina mula sa Tupi, South Cotabato dahil nakarating sa kanyang kaalaman ang tangkang pagpapakamatay ng kanyang anak na nasa Riyadh, Saudi Arabia. Ang kanyang anak na si Aisa Batatas ay nakarating sa Saudi Arabia noong Disyembre 19, 2018 sa pamamagitan ng Henson International Human Resources. Kamakailan ay nagpadala ng sumbong si Aisa sa kanyang ina at sinabi nito na gusto na niyang umuwi sa Pilipinas dahil sa kanyang dinaranas na pananakot ng kanyang kasama sa trabaho. Diumano ay…
Read MoreCMG, BILANG NA ANG MALILIGAYANG ARAW – CUSTOMS
RAPIDO Ni PATRICK TULFO BILANG na ang maliligayang araw ng cargo consolidator na CMG, ayon mismo kay Bureau of Customs Director Michael Fermin. Sa aming panayam sa aking programa na napapakinggan sa istasyong DZME 1530 khz, kay Dir. Fermin, napagkasunduan daw ng ahensya kasama na ang Department of Migrant Workers na pinangungunahan naman ni Sec. Susan “Toots”Ople, na gumawa ng mga hakbang upang maturuan ng leksyon ang mga negosyong gumagawa nito tulad ng CMG, ALL WIN at KABAYAN ISLAND EXPRESS CARGO. At bukod sa pagsasampa ng kaso na gagawin ng…
Read More