SA pag-upo ng bagong Pangulo sa Hunyo, asahan ang malaking pagbabago sa polisiya, partikular sa usapin ng pakikipag-ugnayan sa mga banyaga. Ayon sa susunod na Pangulong si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., hindi nililimitahan sa Tsina ang relasyon ng Pilipinas, kasabay ng pahiwatig ng pag-ayon sa mas matatag na pakikipagkaibigan ng bansa maging sa Estados Unidos. Higit na kilala ang mga Pilipino sa pagiging magiliw sa kapwa – kesehodang pobre o makwarta, at ‘yan mismo ang nais ipahiwatig ng susunod na administrasyon. Walang masamang tinapay, ika nga. Ang totoo,…
Read MoreCategory: OPINYON
DAPAT IHINTO NA NG DILAWAN ANG MGA KAHANGALAN
UNA sa lahat ay binabati natin si president-in-waiting Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa kanyang makasaysayan, landslide at walang kaduda-dudang tagumpay kaugnay ng nakaraang halalang pang-panguluhan nitong Mayo 9. Nais din nating batiin ang iba pang mga nanalo kabilang na si vice-president-in-waiting Inday Sara Duterte at iba pang mga nagwagi sa iba’t ibang posisyon. At dahil tapos na ang halalan ay dapat matapos na rin ang iba’t ibang isyu at bangayan kaugnay nito at sama-sama tayong magtulungan bilang isang bansa at isang lahi na humaharap sa iba’t ibang hamon tungo sa hangad…
Read MoreWALA KASING NANGYARI
‘YUNG mga hindi matanggap na si Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang iniluklok ng sambayanang Filipino sa Malacañang sa katatapos na eleksyon, ikonsidera n’yo ang kalagayan ng Pilipinas mula noong 1986 nang mawala ang mga Marcos hanggang ngayon. May nangyari ba naman kasi? Noong panahon ng EDSA revolution, wala pa akong pakialam sa paligid ko. Nakatutok lang ako noon sa pag-aaral ko at uso pa noon ang penpal at ‘yun ang isa sa mga pinagkaaabalahan ko. Wala akong pakialam sa pulitika kahit noong nasa kolehiyo ako at saka lang ako nagkaroon…
Read More2 KLASE NG TAONG TALUNAN
MAY kanya-kanyang ugali ang dalawang klaseng tao na talunan sa nakalipas na May 9 national and local elections. Una, ang talunan na ayaw tumanggap ng resulta ng halalan, agad silang nagsagawa ng protesta riyan sa harapan ng Commission on Election (Comelec) sa Intramuros, Maynila. Pinoprotesta nila ang resulta ng bilangan na kitang-kita kung paano ni-landslide ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (BBM) si Leni Robredo. Sa nakuhang pinakahuling impormasyon ng PUNA, as of May 11, 2022 alas-9:02 ng umaga nakapagtala ng boto si BBM ng 31,075,480 at si Robredo…
Read MorePAKIKIALAM NG BANYAGA
ISANG hayagang pagpapamalas ng katampalasan – kung hindi man direktang pananabotahe – ang pasya ng American financial service giant na JP Morgan na ilagay ang Pilipinas sa pinakahuling pwesto ng mga bansang angkop dayuhin ng mga kapitalistang hangad ay magnegosyo sa Asya. Ang dahilan – hindi nila suportado ang bagong halal na Pangulo. Ang totoo, hindi naman binanggit ng JP Morgan sa kanilang isinapublikong kalatas ang pangalan ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, subalit may mga matibay na indikasyon ng kanilang disgusto sa pasyang inihayag ng mas nakararaming Pilipino sa…
Read MoreIRINGANG BELLO VS. MAMAO, UMIINIT
MAGANDANG araw mga ka-Saksi at mga kabayani! Lalong umiinit ang bangayan nina Labor Secretary Silvestre Bello III at Migrant Workers Secretary Abdullah Mamao sa isyu ng lifting ng deployment ban sa Kingdom of Saudi Arabia. Kaugnay ito ng magkaibang polisiya ng dalawang opisyal sa claim ng libu-libong OFWs sa kanilang benepisyo mula sa Saudi Arabian companies. Nag-isyu kasi itong si Sec. Mamao (Mamaw ba?) noong April 25 (Lunes) ng Department Order No. 4 na nagtatanggal sa deployment ban sa mga OFW sa Saudi Arabia, kahit ang ahensya niya ay hindi…
Read MoreHYGIENE O KALINISAN SA MGA RESTO AT HANDAAN
KUMPIYANSA na ang marami, lalo na ang mga bakunado dahil sa pagbaba ng bilang sa bansa ng mga nagkaka-COVID-19, ang virus na mula Wuhan, China na sanhi ng pandemic sa buong mundo. Ito Ang Totoo: bahagi ng pagluluwag sa anti-Wuhan virus protocols ay ang pahintulot sa mga “restaurant” at handaan na mag-serve ng pagkain na buffet style o paghain ng pagkain na ang mga kakain ay kanya-kayang pila, pili at kuha. Pero ligtas na nga ba? Hindi dapat kalimutan na ang pandemic ay hindi pa rin tapos. Isang may virus…
Read MorePANLILINLANG SA HALALAN
SAMU’T SARING problema ang na-PUNA natin mula umaga hanggang tanghali habang isinusulat natin ang kolum na ito hinggil sa naganap na eleksyon, (May 9 national and local elections). May vote-counting machines (VCMs) ang pumalya sa iba’t ibang lugar, pasado namang alas-10 ng umaga ay hindi pa rin nagsisimula ang botohan sa Brgy. Greater Lagro, Quezon City, may lugar din na namatayan ng koneksyon ng kuryente at iba pang problema. Lumabas na rin ang paulit-ulit na bumubungad sa mga botante sa tuwing may eleksyon, ang pagkawala ng kanilang mga pangalan sa…
Read MoreIGAGALANG KO ANG PASYA NG BAYAN KO
TULAD ng mga nakalipas na halalan, may mga tagumpay at may mga talunan. Sa pagtatapos ng halalan, agad na sinimulan ang bilangan gamit ang teknolohiyang kalakip ng makabagong panahon. Bagama’t hindi pa opisyal ang resulta ng bilangan, malinaw ang pasya ng sambayanan – si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos ang susunod na Pangulo. Si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang makakatuwang bilang Pangalawang Pangulo. Sa puntong ito, higit na angkop ang pagpapamalas ng pagiging maginoo ng mga kandidatong hindi pinalad na manalo, lalo pa’t milya-milya ang agwat sa naitalang numerong…
Read More