BUGBOG si Saul ‘Canelo’ Alvarez sa kamay ni Dmitry Bivol kamakalawa ng gabi sa kanilang light heavyweight match sa T-Mobile Arena sa Las Vegas. Dami sigurong natalo sa pustahan, dahil liyamado si Alvarez. Sa mga nanalo, balato naman. Kung mayroon mang rounds na nakuha si Alvarez, nasa 3 o apat lang. Kaya hindi nakapagtatakang unanimous decision ang resulta pabor kay Bivol. Ang nakapagtataka, dikit ang iskor ng mga hurado, bawat isa 115-113 ang ibinigay. Hindi po dikit ang laban. Kitang-kita naman sa hitsura ng mukha ni Alvarez matapos ang laban.…
Read MoreCategory: OPINYON
MANINDIGAN PARA SA MALINIS AT MAAYOS NA HALALAN
HABANG isinusulat ang kolum na ito ay kasalukuyang ginaganap na ang halalan sa buong bansa kung saan nakataya ang iba’t ibang posisyon mula sa pangulo, pangalawang-pangulo, mga senador, mga kongresista, gobernador, mayor at mga konsehal ng iba’t ibang bayan at lungsod. Base sa inisyal na mga ulat at iba’t ibang exit polls at gaya ng inaasahan ay nangunguna si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos laban sa kanyang mga katunggali. Subalit nakakaalarma rin sapagkat maraming mga lugar ang nagkakaroon ng problema sa mga depektibong vote-counting machines at sa ibang lugar naman…
Read MoreNAGDESISYON NA ANG BAYAN
HABANG isinusulat ko ito, hindi kalayuan sa isang school sa Cagayan kung saan ako bumoboto, napakarami nang tao ang nakapila sa gate para makapasok at makaboto. Alam ko, pag-alis na ng mga tao sa kanilang bahay para tuparin ang kanilang obligasyon sa bayan ay meron na silang desisyon kung sino ang mga lider na nais nilang mamuno sa kanila sa loob ng tatlo hanggang anim na taon. Nagdedesisyon ang bayan kung sinong mga senador ang kanilang gustong maluklok sa senado sa loob ng anim na taon at inaantay na lang…
Read MoreIRESPETO ANG BAWAT BOTO, IHALAL ANG NARARAPAT NA KANDIDATO
KUNG ating titingnan sa pangkalahatan, naging maayos ang kampanya nitong eleksyon kumpara sa mga nagdaang halalan. Sa loob ng ilang buwan, naging saksi tayo sa eksena ng awayan at negatibong diskusyon, pati na rin ang kaliwa’t kanang miting de avance, upang ipahayag ang ating suporta sa ating mga ibobotong lider. Matapos ang ilang buwan, pormal na nating ihahalal ang mga bagong mamumuno at mamamahala sa Pilipinas, na ating inaasahang magsasaayos ng sistema ng ating bansa at susuporta sa ating pagbangon mula sa COVID-19. Bagama’t hindi na bago ay kaliwa’t kanan…
Read MoreBATI-BATI NA SANA ULIT
TAPOS na ang halalan. Ang tanging hinihintay na lamang ng sambayanan ay ang mahugong na pasya ng mas nakararaming botanteng piniling lumahok at makibahagi sa pag-ukit ng bagong yugto ng ating kasaysayan. Sa puntong ito, higit na angkop na igalang ng mga kandidato ang resultang sumasalamin sa tunay na saloobin ng mamamayang pagal at nangangarap ng isang tunay ng pagbabagong dala ng bagong lideratong mangunguna sa kolektibong pagkilos tungo sa pagbangon ng bayang sukdulang inilugmok at binasag ng maruming pulitika. Hindi maitatanggi ang negatibong dulot ng pulitika. Ang mga miyembro…
Read MoreBANTAYAN ANG ATING BOTO
NGAYONG araw ang isa sa pinakamakasaysayang halalan sa ating bansa na inaabangan ng lahat ng sambayanang Pilipino at sa buong mundo na maging mga foreign media ay nakatutok kung sino ang mapalad na mapusuan bilang maging lider at ika-17 Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Tayong lahat ay iisa ang panalangin sa ating panginoon na may likha ng katauhan sa mundo, ito ay ang maging ligtas ang ating mga mahal sa buhay at mabigyan ng magandang kinabukasan. Nasa panahon pa tayo ngayon ng matinding krisis dahil sa pagbagsak ng ekonomiya mula…
Read MorePAALALA NG PESTENG TELCO
KAILANGAN pa bang paalalahanan sa pamamagitan ng tawag kaugnay ng kanilang parating pa lang na “due date” ang mga “subscriber” ng mga Telco sa bansa? Ito Ang Totoo: hindi lahat ng tao ay walang ginagawa o nakatunganga lang para sumagot ano mang oras at araw ng tawag sa telepono. Karanasan ko po mismo sa Globe, pinakahuli nitong Mayo 1, “holiday” pa iyon na may tumawag para sabihing ganito-ganire na ang bill na dapat kong bayaran sa “post-paid account” ko sa kanila. Wala naman akong alam na “past-due” o utang, pinangungunahan…
Read MorePAYASONG PAMPAM
SA hindi inaasahang pagkakataon, isang senador na kilalang malapit sa Pangulo ang biglang bumida sa pahayag kontra sa desisyon ng Palasyong tuldukan ang larong e-sabong sa buong bansa. Bagama’t hindi gaanong pinansin ng Pangulo ang pahayag na mula mismo sa bibig ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, isang malinaw na pahiwatig ng kanyang tunay na pagkatao ang pagkontra sa panawagan hindi lamang ng mayorya sa Senado kundi maging ng sambayanang Pilipino. Aniya, hindi dapat ipatigil ang e-sabong. Ang siste, tila hindi nakita ng kagalang-galang na mambabatas ang samang dulot ng…
Read MoreMAS MATAMIS ANG TAGUMPAY KUNG WALANG BAHID PANINIRA
WALANG mas tatamis pa sa tagumpay na walang bahid ng karahasang nakasanayan ng ilang mga batikang politiko sa tuwing sasapit ang halalan. Ito mismo ang nais ipamulat ng isang bagitong politiko sa ikalimang distrito ng Lungsod ng Quezon kung saan natunghayan ang mga residente sa kakaibang estilo ng pangangampanya. Dangan naman kasi, wala sa plano ng negosyanteng si Ate Rose Lin ang sumabak sa masalimuot na mundo ng pulitika. Gayunpaman, ang masu-gid na panghihimok ng mga taga ika-limang distrito ang nagtulak sa kanya para maghain ng kandidatura bilang kanilang kinatawan…
Read More