MAY KASALANAN DIN ANG BROADCAST MEDIA

TULAD ng pangako ko, tatala­kayin natin kung bakit dapat sisihin din ang mga local broadcast media kung bakit hindi nababago ang lipunan at namamayagpag pa rin ang political dynasty sa ating mahal na bansa. Kung merong maiingay sa fourth state, ito ay ang broadcast media. Kumpara sa print media, mas maraming oras ang mga broadcaster na magsalita kumpara sa mga nagsusulat sa mga dyaryo. Limitado ang espasyo ng mga print journalist habang ang mga broadcasters, isang oras sila nagsasalita sa ere kaya lahat ng gusto nilang sabihin ay nasasabi nila…

Read More

MATAPOS IENDORSO NG INC, LAMANG NI BBM KAY LENI TATAAS PA

PINANINIWALAAN ng mga Pilipino na lalo pang tataas ang magiging lamang ng boto ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. laban kay Leni Robredo matapos na pormal siyang iendorso ng Iglesia Ni Cristo (INC) kamakalawa. Ang endorsement ng INC sa BBM-Sara UniTeam ay inanunsyo noong Martes (May 3, 2022) sa Net25 na kilalang pagmamay-ari ng Eagle Broadcasting Corporation (EBC) na kunektado sa INC. Bukod kina BBM-Sara, inendorso rin ng INC ang senatoriables na sina Jojo Binay, Alan Peter Cayetano, JV Ejercito, Guillermo Eleazar, Chiz Escudero, Jinggoy Estrada, Sherwin Gatchalian, Loren…

Read More

TOTOY MOLA NG BATANGAS

TAONG 1997 nang lumikha ng eskandalo sa mundo ng pelikulang Pilipino ang piyesang “Totoy Mola” na pinagbidahan ng mahusay na aktor na si Jay Manalo. Ang mga kababaihan sa pelikula, nahumaling kay Totoy Mola dahil sa kanyang extra-large na kargada. Makalipas ang dalawa’t kalahating dekada, muling nabuhay ang interes ng masa sa isang balitang kumakaladkad kay Jay Manalo kaugnay ng diumano’y kahalayan sa isang masahista. Pero teka, hindi ang premyadong artista ang bida kundi ang isang halal na opisyal sa bayan ng Mataas na Kahoy sa lalawigan ng Batangas. Siya…

Read More

TADHANANG PAGBANGON

ILANG araw mula ngayon, muling uukit ng kasaysayan ang hindi bababa sa 65 milyong rehistradong botanteng Pilipino, gamit ang kapangyarihang kalakip ng karapatang pumili ng angkop na mamumuno sa susunod na anim na taon. Kung pagbabatayan ang kabi-kabilang presidential surveys kung saan nakatala ang milya-milyang agwat ng pambato ng UniTeam sa pinakamalapit na katunggali sa halalan, walang dudang si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos ang susunod na pangulo. Sa datos ng Pulse Asia, umani ng 54% ang anak ng Ilocandia. Hindi naman nalalayo ang resulta ng pagtatala ng iba pang…

Read More

PRRD LEGACY SA MGA OFW

Aksyon OFW

MAGANDANG araw mga ka-Saksi at mga kabayani! Happy Eid’l Fitr sa ating mga kapatid na Muslim sa buong mundo. Nitong May 2, ipinagdiwang ng mga muslim ang holiday kung saan nagtatapos ang holy fasting ng Ramadan. Base sa Muslim lunar calendar, ang timing ng Eid ay ibinabase sa pagpapakita ng crescent moon. *** Maraming magagandang legacy na iiwanan ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa sambayanang Pilipino, partikular na sa overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga pamilya na umaabot na sa humigit kumulang sa 10 milyon. Isa na…

Read More

PAGGAMIT NG ALCOHOL AT FACE MASK

PARANG mga bakang nakawala sa koral ang marami sa pagluwag ng “protocols” na ipinatutupad laban sa COVID-19 buhat nang bumaba na ang bilang sa Pilipinas ng mga tinatamaan ng virus na nagmula sa Wuhan, China. Ito Ang Totoo: tuwing “weekend”, lalo na sa “holidays”, apaw ang mga tao sa mga beach, resorts at iba pang pasyalan, kapwa sa mga mamahalin at kahit sa “cheapy-cheapy” lang, at lalo na sa mga libre o walang bayad na mapupuntahan. Hindi naman sa tayo ay kontra sa pamamasyal o ­paglilibang, pero mahirap arukin ang…

Read More

PAGSASABATAS NG RA 11712, PINASASALAMATAN

ABOT-ABOT ang pasasalamat ng health workers sa pangunguna ng pinuno ng House Health Panel na si Rep. Angelina “Helen” D.L. Tan, M.D. 4th District, Quezon, kay Pangulong Duterte sa paglagda nito upang maging ganap ng batas ang “Public Health Emergency Benefits and Allowances for Health Care Workers Act”. Nilagdaan na kasi ni President Rodrigo Duterte ang batas na nagbibigay mandato para sa tuloy-tuloy na benepisyo ng healthcare workers sa panahon ng COVID-19 at iba pang public health emergencies na maaaring maganap sa mga darating na panahon. Ang Republic Act No.…

Read More

SOLUSYON SA KRISIS

HINDI na bago ang krisis sa mamamayang Pilipino. Ang totoo, higit na kilala ang mga Pinoy na matibay at may kakayahang bumangon kahit pa sa pinakamatinding hamon – kalamidad, digmaan, maruming pulitika, pandemya at maging sa larangan ng ekonomiya. Sa dinaranas na krisis na dulot ng patuloy na sagupaan sa pagitan ng dalawang oil-exporting countries – ang Ukraine at Russia, tila nakalimutan ng pamahalaan ang punong dahilan kung bakit tayo pinupuntirya at ini-interes ng mga dayuhan. Ang totoo, walang dahilan para mabalisa ang Pilipinas kung noon pa lang ay pinag-ukulan…

Read More

ABUSADONG FACT CHECKERS KUNO!

KUNG titingnan lang natin ang mga post sa Facebook, Twitter at iba pang online platforms, parang maniniwala ang kahit na sino na talagang may pag-asa pa si Leni Robredo na ­makahabol ngayong eleksyon. Pero sa totoo lang huwag lang magkadayaan at magkaroon ng Smartmagic ay talagang sa kangkungan naman siya pupulutin dahil sa laki ng lamang ng kalaban niya na si dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa kanya. Ito ay base na rin sa resulta ng lahat ng mga survey ng lahat ng mapagkakatiwalaang polling firms sa bansa gaya ng…

Read More