WAGE BOARD PARA KANINO?

ILANG taon nang ­nagbabanta ang mga mambabatas na bubuwagin ang mga Regional Tripartite Wage and ­Productivity Board pero nagtataka naman ako bakit puro lang sila banta at walang naipapasang ­resolusyon man lamang para lusawin ang board na ito. Alam ng mga mambabatas na talo ang mga manggagawa sa Tripartite na ito dahil isa lang ang kanilang kinatawan sa bawat regional wage board dahil ang dalawa ay kinatawan ng gobyerno at kinatawan ng mga negosyante. Isa laban sa dalawa ang labanan at kahit itinulak ng kinatawan ng mga manggagawa ang mas…

Read More

20M PLUS NA LAMANG NI BBM VS LENI, SELYADO NA

BASE sa pag-aaral ng mga political analyst, sa mahigit na 31% hanggang 32% na diperensiya ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa mga survey ay posibleng umabot sa mahigit 20 milyong boto ang ila­lamang niya kay Leni Robredo sa darating na May 9 national and local elections. Ang pagkuha ng Social Weather Station (SWS) at Pulse Asia Survey ng datos kung sinong mananalong presidente ay nagsimula noong 1992 hanggang 2016. Noong 1992 presidential election sa survey ng SWS, naka­pagtala si presidential candidate Fidel Ramos ng 18% laban kina Miriam…

Read More

PAGKAKAIT NG KARAPATAN

SA nalalabing mga araw bago sumapit ang takdang araw ng halalan, higit na kailangang linawin ng Commission on Elections (Comelec) ang kalituhan — kundi man pasakit na dulot ng kanilang magkasalungat ng reglamento sa Mayo 9, 2022. Ang totoo, kakaiba ang gagawing halalan sa iba’t ibang panig ng kapuluan. Malayo sa nakagisnan dahil na rin sa patuloy na bantang dala ng pandemya. Ibayong higpit na kalakip ng mekanismong inilatag ng nasabing ahensya. Parang dumadaan sa butas ng karayom kung ilarawan ng ibang grupo ang nakalatag na panuntunan ng Comelec sa…

Read More

OFWs SA SHANGHAI, TATANGGAP NG $200 AYUDA MULA SA DOLE

Aksyon OFW

MAGANDANG araw mga ka-Saksi at mga Kabayani! Magandang balita na magbibigay ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng $200 na ayuda sa bawat overseas Filipino ­workers na apektado ng lockdown sa Shanghai, China. Hinigpitan kasi nang todo ng mga awtoridad ang health protocols sa Shanghai bunga ng muling pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 doon. Giit ni Labor Secretary Silvestre Bello III, ang Department of Foreign Affairs ang tumukoy sa mga OFW na apektado ng lockdown. Nakahanda naman ang DOLE na magbigay ng financial assistance sa mga OFW para…

Read More

PLANONG PATIBONG NI LENLEN KAY BBM, SABLAY

DESPERADO na ang kampo ni Lenlen upang ibagsak ang patuloy na pagbulusok ni presidential front runner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ilang araw na lamang na natitira bago ang May 9 elections. Hinamon ni Robredo si BBM ng isang one on one debate na ang dinahilan ay upang sagutin ang mga isyung ipinupukol dito kahit ang mga ito ay usaping legal sa korte at hindi sa pamamagitan ng pakikipagbangayan sa debate ngunit ang posibleng secret agenda ng mga ito ay ang plano ng dilawan at ng makakaliwang grupo na kanilang…

Read More

‘CANCEL CULTURE’ ANG KIKITIL SA MALAYANG PAMAMAHAYAG

KAPANSIN-PANSIN sa panahon ngayon ang benepisyo ng teknolohiya at social ­media sa komunikasyon dahil mas napapalapit tayo sa ating mga mahal sa buhay kahit pa sila ay nasa malalayong lugar. Dagdag pa, mas malawak na ang naaabot ng impormasyon dahil karamihan sa atin ay marunong na mag-internet. Sa kabilang banda, may mga iba ring epekto ang pag-usbong ng social media, katulad na lamang ng “cancel culture” kung saan ang mga katayuan o career ng mga indibidwal na naghahayag ng saloobin sa mga maiinit na isyu, ay maaari nang ­maapektuhan kung…

Read More

WALANG SAYANG DALA SA ARAW NG MANGGAGAWA

SA hudyat ng unang araw buwan ng Mayo, taunang ipinagdiriwang ang araw ng mga dakilang obrerong nagbibigay sigla sa ekonomiya ng bansa. Gayunpaman, may agam-agam ang mga obrero — may dahilan pa bang magbunyi sa Araw ng Manggagawa? Ang totoo, sadyang napakahirap sa mga uring manggagawa ang magdiwang sa gitna ng kahirapang dinaranas bunsod ng mababang pasahod habang patuloy naman ang pagtataas sa presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng mga produktong petrolyo, bigas, tinapay, manok, isda, karne, delata at iba pa. Pati ang pasahe sa mga pampublikong sasakyan, namumuro.…

Read More

VOTE BUYING KAILAN MAWAWALA?

MARAMI ang nagtatanong kung kailan daw mawawala ang vote buying tuwing panahon ng halalan lalo na sa local position sa mga probinsya. Isang tanong na walang ­kasiguraduhan ang sagot. Sa national derby, tingin ko walang vote buying dahil kung magbabayad ang mga tatakbo sa pagkapangulo, pangalawang pangulo at mga senador ay bilyones agad ang kanilang gagastusin. Ipagpalagay mo na P500 ang bawat boto ang bili ng isang national candidate at kailangan niyang bumili ng 40 milyong boto para masiguro ang kanyang panalo, ang kailangan niyang pondo ay P2 billion na.…

Read More

BBM SUPPORTERS GUSTONG BUSALAN NG FB, TWITTER?

ISANG malinaw na pagyurak sa kalayaang pumili ng mga Pilipino kung sino ang kanilang kandidatong napipisil sa ­darating na May 9 elections, ang ginagawang pagsuspinde sa Facebook at Twitter accounts ng supporters ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (BBM). Base sa ating natanggap na impormasyon, umabot na raw sa 400 FB at Twitter accounts ng mga Pilipino ang nasuspinde na walang detalye kung ano ang dahilan kung bakit sinuspinde. Sinasabi lamang na ang dahilan daw ng pagsuspinde ng pamunuan ng FB at Twitter ­accounts ay paglabag sa kanilang itinakdang…

Read More