HINDI pa rin nagpapatinag sa loob ng Ukraine ang 116 Pinoy habang 200 seafarers ang stranded sa war-torn country. Sa report ng Department of Foreign Affairs, nagpapatuloy ang pambobomba ng Russian forces sa Kyiv at Karkhev, kabilang na ang nuclear facility ng Ukraine. Noong Biyernes, nasunog ang Zaporizhzhia nuclear power plant sa Ukraine, ang pinakamalaking planta sa Europe matapos bombahin ng mga Russo. Dahil sa tumitinding giyera doon, umaasa pa rin ang DFA na tatalima ang mga Pinoy na lumikas habang kaya pa silang isalba mula sa pagsalakay ng mga…
Read MoreCategory: OPINYON
BOTANTENG PIHIKAN
LIKAS sa mga magulang ang maging mahigpit pagdating sa mga barkadang nakakasama ng mga anak na lalaki. Dobleng higpit naman kung may manliΒligaw sa supling na dalagita. Karaniwang inaalam ang pinagmulang pamilya o ‘di naman kaya’y direktahang tinatanong ang isang binata sa hangaring higit pang makilala. Gayundin sa larangan ng halalan kung saan ang mga kandidato’y mistulang masugid na manliligaw sa hangaring masungkit ang matamis na oo ng mga botanteng hinaharana. Sa proseso ng panliligaw, lamang ang may dalisay na pakay β walang itinatago, hindi maitim ang gilagid! Gayundin sa…
Read MorePAGKAKULONG NG ISANG KONSEHAL SA LALAWIGAN NG QUEZON HINDI ILLEGAL
TAHASANG sinabi ng isang criminal lawyer na walang Βillegal sa naganap na detention sa isang konsehal ng Lopez, Quezon. ‘Yan ang tahasang sagot ni Atty. Merito Lovensky Fernandez nang interbyuhin ito ng isang Βbatikang broadcaster ng radyo kaugnay sa nangyaring pagkakakulong ni Lopez, Quezon Councilor Arkie Manuel Ortiz-Yulde sa Pangasinan dahil sa reklamo ng paglabag sa Revised Penal Code. Paliwanag ni Atty. Fernandez, kung may asunto sa korte si Councilor Yulde, ibig sabihin ay naisyuhan ito ng warrant of Βarrest kaya siya nakulong. So ‘yung kanyang detention is not illegal.…
Read MoreKINABUKASAN NG MGA KABATAAN
KALAKIP ng pagtataguyod sa mga kabataan ay ang karampatang proteksyon ng batas. ‘Yan mismo ang tugon ng bagong batas β ang Republic Act 11648 na nagtaas ng edad para sa tinatawag na sexual consent sa 16-anyos mula sa dating 12 taong gulang. Nangangahulugang hindi sapat ang pagpayag sa pakikipagtalik ng isang bata para makalusot ang mapagsamantala. Pasok din sa bagong batas na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karagdagang proteksyon sa mga menor-de-edad na 16-anyos pababa laban sa qualified seduction, child prostitution, sexual abuse, child trafficking at pamimilit sa mga…
Read MoreDEPENDE SA BOXING REFEREE
DALAWANG Pinoy boxer ang hindi pinalad sa kanilang laban sa nakalipas na araw. Unang natalo si Jeo Santisima, nitong Marso 4 sa Save Mart Center sa Fresno, California para sa WBO international featherweight title, via 9th round TKO sa kamay ni Joet Gonzalez. Base sa napanood nating fight video, itinigil ng reperi ang laban nang tamaan ng isang suntok si Santisima. Ikinadismaya ng kampo ni Santisima ang ginawa ng reperi. Maging ng fans na dumayo sa Fresno, dahil masyadong premature stoppage ang nangyari. Paliwanag naman ni referee Edward Collantes, masyado…
Read MoreKONTRATISTANG HACIENDERO
ANG lalawigan ng Rizal sa dakong silangan ng kabisera, sadyang nakaΒmamangha. Sa sobrang ganda, ininteres ng isang kontratista. Ang target β isang malawak na hasyenΒdang kasing laki lang naman ng Makati City. Pero teka, sino nga ba ang tinutukoy na kontratista? Dulog ng mga residente sa bulubunduking bahagi ng Baras (Rizal), isang Βmayamang pamilya sa likod ng Blue Star Construction and Development Corporation ang sa kanila ay nanggigipit gamit ang isang dokumentong pilipit. Partikular nilang tinukoy ang Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan ng isang dating kalihim ng Department of…
Read MoreMASAKIT SA BULSA
NAPAKASAKIT sa bulsa ng mataas na presyo ng langis na lalong tumaas dahil sa pag-atake ng Russia sa Ukraine, kahit 12% lang sa world consumption ang mula sa bansa ni Vladimir Putin. Kung nakaka-aray na ang 60 sentimos hanggang pisong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, mas nakakasugat sa bulsa ang P4.50 hanggang P5.50 na dagdag sa presyo nito bawat litro. Kung inaakala ng marami na tanging ang mga may sasakyan na sinasabi nilang nakakaangat sa buhay kahit papaano, ang nasasaktan sa pagtaas ng presyo ng krudo, napakalaking kamalian.…
Read MoreKAKAMPINK NAMIMIGAY NG PERA?
DALAWANG buwan na lang ang natitira bago sumapit ang May 9, 2022 national and local elections, kaya hindi na magkamayaw kung anong gagawin ng kampo ni Vice President Leni Robredo para makahabol siya sa napakalayong distansiya ni dating Senador Bongbong Marcos (BBM) sa kanya. Lahat na yata ng paraan ay ginawa na nila para lang makahabol sila, pero wala pa ring epekto ang mga ito. Tulad na lamang ng estratihiya ni Robredo sa interview sa kanya ni Boy Abunda kamakailan na kung saan ay tinanong siya na kung bakit hindi…
Read MoreBABALA NG OCTA
PANIWALA ng gobyerno, tapos na ang Βpandemyang perwisyo. Kaya naman ang mga tao, nagkakagulo sa pagdumog sa iba’t ibang pasyalan at establisimyento. Bagama’t ang pagbabalik ng normal na pamumuhay ang hangad ng marami, hindi angkop na maging kampante. Ang pagbaba ng arawang talaan ng mga positibo, hindi nangangahulugang pwede na tayong magwalwal sa kasabikang dulot ng mahabang panahong “stay-at-home” lang tayo. Kung pagbabatayan ang pahayag ng Department of Health (DOH), malinaw na may banta pa rin sa ating buhay at kalusugan. Kung mayroon mang balitang dahilan para tayo ay ngumiti,…
Read More