PANGULONG DUTERTE, WALANG SUSPENSION ORDER VS. E-SABONG

NAKU, matindi talaga ang epekto ng fake news. Kamakailan, kumalat ang Β­balita na sinuspinde na ni Pangulong Β­Rodrigo Duterte ang operasyon ng online sabong o e-sabong. Paano kasi, nilinaw mismo ng Palasyo na wala pa silang natatanggap na resolusyon mula sa Senado tungkol sa pagpapatigil ng Β­kontrobersiyal na e-sabong. Sabi ni Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles, wala pang ipinapadalang resolusyon sa Office of the President o kahit sa Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR. Sabi nga ni Nograles, aba’y puro mga balita pa lamang sa mga…

Read More

MGA PINOY SA UKRAINE, MAS TAKOT SA GUTOM KAYSA BALA

Aksyon OFW

MAGANDANG araw mga ka-Saksi at mga kabayani. Hindi pa rin nagpapatinag ang ilang OFWs sa Ukraine para umalis at umuwi ng Pilipinas. Sa latest report ng Department of Foreign Affairs, umaabot pa sa 141 OFWs ang nananatili sa war-torn Ukraine dahil sa pag-atake ng Russia simula pa noong Feb. 24. Sa nasabing bilang, 45 OFWs ang nasa Kyiv, 55 OFWs ang nasa Hungarian border at nasa mga amo naman ang iba sa ilang lungsod sa Ukraine. May 87 Filipino seafarers naman na onboard sa ilang barkong nakadaong sa Ukraine ports.…

Read More

MULA NOON, HANGGANG NGAYON

ANG tunay na lingkod-bayan, hindi lamang sa panahon ng halalan nagpapamalas ng kabutihan. Sila yaong kinakikitaan ng malasakit nang hindi naghihintay ng anumang kapalit, kesehodang mayroon o walang halalan. Payak at natural. Walang halong kaplastikan – sa ganitong paglalarawan nakilala ang mag-asawang Tan mula sa hindi kalayuang lalawigan kung saan sa mahabang panahon mistulang takbuhan ng mga nangangailaΒ­ngan. Ito ang kwento nina Engr. Ronnel Tan at kabiyak nitong doktorang si Helen. Kapwa nasa gobyerno ang mag-asawang Tan. Si Engineer Ronnel ay nasa Department of Public Works and Highways (DPWH) bilang…

Read More

PAKIKIALAM NG MGA PARI PARA SIRAAN SI BBM, INALMAHAN

DAPAT bang makialam ang mga alagad ng simbahan sa pulitika at igiit ang kanilang political stand kung sino ang karapat-dapat na iboto ng sambayanan at siraan ang isang tao dahil lamang sa pulitikong sinusuportahan? Isang pari ang viral ngayon na nag-upload ng video sa social media na may logo na “LENI” sa kanyang dibdib, ang inalmahan ng netizens matapos na sabihing “itataya ko ang pagka-pari ko, kung hindi kayo boboto sa matinong kandidato ay huwag na kayo magsimba.” Dapat bang gamitin ang pangalan ng Diyos at ang kanilang katungkulan bilang…

Read More

INTERES NG TSINA

SA pagsiklab ng hidwaan sa pagitan ng dalawang estadong dating bahagi ng nalansag na Union of Soviet Socialist Republics (USSR), Β­marami ang nangambang gayundin ang posibleng gawin ng bansang Tsina sa Pilipinas lalo pa’t giit nito ang soberanya sa karagatang bahaging pasok sa Β­ating exclusive economic zone (EEZ). Mayroon din namang atubili sa nasabing pangamba ng mga makabayang Pinoy. Anila, walang dahilan para sakupin ng Tsina ang Pilipinas. Sa isang banda, tama rin naman. Walang dahilang gumastos nang malaki para sa isang digmaan ang komunistang bansa sa isang teritoryong pinamumunuan…

Read More

BABALA RIN SA CHINA

NOONG Martes, sinabi ko sa pitak na ito na nangaΒ­nganib na ang Β­Taiwan sa China dahil nakita ni Chinese Xi Jinping kung gaano katagal Β­rumesponde ang United Nation at (US) at ang Amerika na kabilang sa North Atlantic Treaty Organization (NATO), sa Ukraine kaya inatake ng Russia. Marami ang sumang-ayon pero lahat sila ay nagsabi na babala rin sa China ang naging aksyon ng Β­European countries at Β­maging ng Amerika, para parusahan ang Russia. Pinatawan kasi ng napakaraming parusa ang Β­Russia ng mga bansang hindi sumang-ayon sa naging Β­aksyon ni…

Read More

PINSAN NI ROBREDO, SI BBM ANG SINUSUPORTAHAN?

MAS piniling suportahan ni Irvin Sto. Tomas, isang guro at cultural activist, ang kandidatura ni dating Senador Bongbong Marcos (BBM) kaysa kanyang pinsan na si Vice President Leni Β­Robredo. Inamin ni Sto. Tomas na noong 2013 ay sinuportahan niya si Robredo nang tumakbo itong bilang kongresista sa kanilang probinsiya. Subalit nadismaya si Sto. Tomas kay Robredo dahil lahat ng ipinangako nito ay hindi natupad. “This election hindi naman talaga siya kung sinong relative mo o kung sinong kababayan mo. Election is actually to elect a president na magli-lead sa country.…

Read More

PANAHON NG SAKRIPISYO

TALIWAS sa paniwala ng marami, ang pagsapit ng Kuwaresma ay panahon ng paggunita sa 40-araw na sakripisyo ng Panginoon, at hindi hudyat ng isang okasyon o engrandeng bakasyon. Sa susunod pang mga Biyernes hanggang sa pagsapit ng Mahal na Araw, higit na angkop ang kolektibong pag-aayuno sa mga nakasanayang bisyo at kapritso. Ang totoo, hindi kabigatan ang hiling ng Simbahan Katoliko – umiwas lang sa tukso maski man lang minsan sa isang linggo. Hindi nais sikilin ng Panginoon ang nagpapasaya sa atin. Katunayan, mas ikinalulugod niyang lahat tayo ay happy.…

Read More

KATATAGAN NG GAME FOWL INDUSTRY, PINAPURIHAN

NAPAKATATAG talaga ng game fowl industry. Hanggang ngayon kasi, nakatindig pa rin ito. Tsaka, nakabibilib ang mga organizers. Talagang ginagawa nila ang lahat upang makapag-ambag sa ekonomiya. Maging si Senator Cynthia Villar ay pinuri ang tapang ng mga nagsusulong ng 8th International Game Fowl Festival. Nananatili nga namang nagliliyab ang game fowl industry sa kabila ng coronavirus 2019 (COVID-19) pandemic. Base sa mensaheng binasa ng kanyang anak na si Deputy Β­Speaker Camille Villar, sinabi ng senadora na talagang maraming nabibigyan ng pag-asa at oportunidad dahil sa industriya. “This opening of…

Read More